Tuesday, June 29, 2010

2 in 1



Hi bloggers in the world! Lovely stuffs aren't they? Well, if you are like me who's interested with the freebies shown, just click the picture above and you'll know how to win them. The contest is hosted by our kababayan, Dhemz. So better join now!





And one more thing, my apology to Fiel-kun for my late response to his Q and A tag last time. As promised, here it is hehehe...

Have fun reading guys!


Questions and Answers


1.) What is your name: Jag
2.) A four letter word: Just
3.) A boy's name: Jeremy
4.) A girl's name: Janice
5.) An occupation: Judge
6.) A color: Jade green
7.) Something you wear: Jumpsuit
8.) A food: Java rice
9.) Something found in the bathroom: Jasmine-scented bath oil
10.) A country: Jamaica
11.) A reason for being late: Jerking-off haha
12.) Something you shout: Joke!
13.) A movie title: Jimmy Neutron: Boy Genius
14.) Something you drink: Japanese wine
15.) A musical group: Jars of Clay
16.) An animal: Joey, a baby kangaroo
17.) A street name: Juan Luna Street, sa bahay namin hehe
18.) A type of car: Jeep
19.) An internet site/blogsite: Jaggedjagger.blogspot.com
20.) A song: Jack and Jill , a nursery rhyme
21.) A President's name: Joseph E. Estrada
22.) A cartoon character: Johnny Bravo
23.) Name of School: Jose P. Laurel High School in Manila
24.) A sport: Jai Alai
25.) A Latin word: Juvenis, meaning young man

Whew! Thanks Fiel-Kun for greasing up my brain haha. Pinadugo mo ilong ko parekoy pramis hahaha! I had fun though...

Now, Mokong, Roanne, NoBenta, Ayie, Pong, Jepoy, LifeMoto, Glentot, Gege, Drake, Kaydee, Fr. Felmar, Khim, Eden, Ailee, Soloden, Goyo, Len, Renz, Scofield Jr. and Petitay , I would like to bequeath this tag to you. Kindly read below. Thanks!

Instructions

1.) Copy tag to your own notes and start modifying it.
2.) Omit existing answers.
3.) Write your answers and tag as many as you want.


Rules


Use the first letter of your name to answer each of the following questions. They have to be real. Nothing made up. If the person before you had the same initial, you MUST have different answers, strictly NO carbon copy in that case. You cannot use any words twice. You cannot use your name for the boy and girl's name questions.


Goodluck! Haha! Katuwaan lang po! hehehe...Ingat!

Friday, June 25, 2010

Pinaghalong Lungkot at Kilig

Mabigat na mabigat ang loob ko nang lisanin ang opisina. Walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid at ang utak ay nakasentro pa rin sa...uhmm sabihin na nating... sa rason kung bakit ako malungkot ngayon. Sa sobrang paglipad ng utak ay hindi ko na alam kung paano ko narating ang Sta. Rosa, Laguna galing Makati City basta bigla ko na lang namalayan na nasa Sta. Rosa na pala ako (to think dalawang sakayan pa ako bago marating ang bayang ito). Oo, may kinalaman ang trabaho ko kung bakit sobrang malungkot ako ngayon.
.
Siguro napagod na ako sa something. Minsan nga naiisipan ko nang magresign sa trabaho dahil lang dito. Maganda naman ang trabaho. Okay naman ang offer and opportunities they're presenting me. Ayos naman ang mga bosing. Pero pakiramdam ko may malaking puwang na kailangan i-fill-up. Alas! Alas! Napag-isip-isip kong kailangan ko na palang mag-grow. Alam kong mahirap maghanap ng trabaho sa ngayon pero may mga oras na gusto ko na talagang mag-quit.
.
Oo nga't kung hindi dahil sa kumpanyang ito ay hindi ako makakapag-aral at maging scholar sa isang Institution sa Japan. Malaking karangalan para sa akin iyon dahil globally recognized ang institution na iyon. Marami din akong naging kaibigang dayuhan na nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Pero...pero...pero...Ano na ba ang nangyayari sa akin ngayon? Para bang naging matamlay na ako sa trabaho. Nauumay na ba ako at gusto ko ng bumalik sa Japan? Hindi din! Kasi babalik pa naman ako ng Japan bago matapos ang taong ito. Kailangan ko lang magstay pa dito sa Pilipinas para ituro sa mga katrabaho at kaibigan kung ano ang natutunan ko doon sa Japan (Language-wise, Culture-wise, Technology-wise at partly ang magshare ng experiences maging dito sa blog ). Isa lang ito sa mga responsibilidad ko bilang isko kuno. Eh bakit ba ako nananamlay? Kulang lang ba ako sa inspirasyon?
.
Nang marating ko ang Sta. Rosa ay sumakay naman ako ng tricycle papunta naman sa isang mall para makapagpalamig kahit papaano. Dalawa kaming nasa likod ng driver. Dahil sa malalim ang iniiisip ko ay huli ko ng mapansin na maganda pala ang katabi ko. May kaunting hawig siya ni Donna Cruz pramis!Hindi ko pa siya mapapansin kung hindi pa bumuhos ang ulan.
.
Dahil sa ako ang nasa pinakadulong likuran, ako ang mabilis na nabasa ng ulan. F***********CK!!!!!Sigaw ng isipan ko. Kung gaano kasama ang nararamdaman ko ay siya ring sama ng panahon. Napansin ni bebot ang inconvenience ko. Dahilt hindi naman siya nababasa ay in-offer niya sa akin ang dala niyang payong para pantakip sa bahaging gilid ko para hindi ako tuluyang mabasa ng ulan. Dahil sa medyo matulin ang takbo ni manong driver ay kailangan ko ding suportahan ang payong niya para hindi ito liparin ng hangin. At hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang malambot na kamay. Iniwas niya iyon. Nag-sorry naman agad ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako. Gumanti din siya ng matamis na ngiti. Hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. "Ang bait mo naman, salamat pala sa payong ha!", sabi ko. "Ano pala pangalan mo?", singit ko. Ngumiti uli siya sa akin at nagsabing, "Claire". Ewan ko pero parang may romansang nangyayari sa likod ng payong na iyon. "Ang swerte ko pala at ikaw ang nakatabi ko kung hindi basang-basa na ako ngayon sa ulan", pagpapatuloy ko. "Hindi naman. Okay lang iyon",sagot niya. At sunod-sunod na ang pag-uusap namin...
.
Tumigil kami sa isang gasolinahan para maglagay si manong ng trapal sa sinasakyan naming tricycle. Nakakainis! Okay na sana ako sa payong ni Claire kaso kinakailangan na talagang magtrapal kasi lumalakas na ang ulan. Napansin ni Claire na medyo basa ang kaliwang braso at pisngi ko. Dumukot siya ng tissue sa bag niya at ...AHAHAY!...guess what? Siya mismo ang nagdampi dampi ng tissue sa braso ko hahahaha kinilig ako doon sobra! May pagka-ironic ýung mga nangyayari pero iniisip ko tutal friends na din naman kami kaya niya lang siguro nagawa iyon. Hindi din naman yung tipong talande- style yung pagdampi-dampi ng tissue sa akin. Basta ginawa niya lang.
.
Bumalik na kami sa pagkakaupo para tumuloy sa biyahe. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. This time tahimik lang kami. Pero bumalik ang kilig moments ng mahuli ko siya ng dalawang beses na nakatitig sa akin doon sa side mirror ni manong driver hahaha akala niya siguro di ako titingin sa salamin hahaha...agad naman niya ibinababa ang kanyang mga mata pag nagtama ang aming mga paningin sa salaming iyon. Pero ang bilis ng mga pangyayari at kinailangan ko ng bumaba kasi sinapit na namin ang mall. Ewan pero muling nakaramdam ako ng pagkalungkot. Inasam kong sa mall din ang kanyang destinasyon pero hindi pala. At ang tanga ko, hindi ko man lang nahingi ang kanyang numero para maimbitahan man lang siya sa isang dinner BILANG PASASALAMAT SA KABUTIHANG GINAWA NIYA SA AKIN at wala ng ibang intensyon Pramis! LOL.
.
Simula nun iba na iniisip ko. Sana magka-village lang kami...Sana magkita uli kami...Yung mga ganun hehehe...Natatawa na lang ako kasi napagtanto ko na ang galing ni Lord gumawa ng eksena (meganun? idinamay pa si Lord?)hehehe. Dahil sa ayaw niya siguro akong tuluyang malugmok sa kalungkutan ay binigyan naman niya ako ng kaunting kiliti sa buhay. Bahagya kong nakalimutan ang kalungkutan dahil kay...Claire.
.
At hindi na siya nawala sa isip ko sighs...THE END!

Friday, June 18, 2010

My Number Juan Dad



He is Juan. Strong. Brave. Strict. A disciplinarian. A friend. A good provider. A loving husband to my mom. A good father. You name it 'coz he's the number one dad in the world. I love you 'Tay!

To you tatay and to all the fathers out there, Happy Father's Day!







In honor too of my late grandfather, I would like to dedicate this song (sung by me) to him. I know he's happy now together with our Almighty Father but I missed him so...



Sunday, June 13, 2010

Busy Mode


The city of itch.

Hi guys! Pagpasensyahan 'nyo na medyo mawawala ako ng matagal tagal kasi alipin ako ngayon ng aking super demanding na trabaho. Pictorials dito, shooting doon alam 'nyo na LOL. Napasaglit lang para makapag-update. Don't forget to take your vitamins hehe. Ingat!

Saturday, June 5, 2010

Anak ng Palitaw!

Hindi ko na talaga maintindihan ang klima ng Pilipinas. Kahit umuulan na ay banas na banas pa rin ako. 'Pag nag-climate change nga naman. Sighs! Naalala ko tuloy noong nasa unang taon ng mataas na paaralan pa lamang ako nang magkaroon ng diskusyion sa klase tungkol sa anong maaaring idulot pag nasira ang mothah' naychah'. Sabi ng titser ko, nagkakaroon daw ng GLOBAL WARNNNNING 'pag tuluyang nasira ang kalikasan. Akala ko nabingi lang ako pero nakumpirma ko nga na global warning nga ang sinabi niya nang sabihin niya sa buong klase na wrong spelling daw ang nasa textbook at palitan na lang daw namin ng "N" ang "M" sa salitang global warming. Ewan ko ba kung bakit napahalakhak ako ng ubod lakas ng marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko lang talaga napigilan ang aking damdamin noon. Sinita ako ni titser. Galit na galit. "Hoy! Jag! Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?", angil niya. Pinatayo niya ako at pinagalitan ng todo. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag kasi andami na niyang sinabi. At ang masama pa nun, pinalabas niya ako sa kanyang klase. Pahiyang pahiya talaga ako.

Dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa akin, pumunta ako sa principal's office at nagsumbong. Idinetalye ko ang nangyari. Naintindihan ako ng punong guro namin pero hindi niya din kinonsinte ang ginawa kong paghalakhak. Pinagalitan ako ng super slight lang naman hehehe... Hayun ipinatawag si titser matapos ang kanyang klase . Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero lumabas siya ng opisina na luhaan. Medyo na-guilty ako nang makita ko ang hitsura niya pero kailangan ko ding panindigan ang ginawa ko. At kinabukasan ding iyon ay ibang titser na ang nagturo sa amin. Nalaman ko na lang na sa section C classs na siya nagtuturo. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang section C...

Napag-usapan na din naman ang global warming, kaninang tanghali ay bigla ko lang naisipang gumawa ng something refreshing. Dahil sa medyo maalwan naman ang araw ko, ginanahan akong gumawa ng samalamig at kakanin. Matapos mabili ang mga kinailangang sangkap ay sinimulan ko na agad ang paggawa ng palitaw.

Inaamin ko wala talaga akong talent sa pagluluto. Sa kainan lang ako naasahan hehehe. Pero sa pagkakataong ito, hayaan 'nyo pong ituro sa inyo kung paano ko ginawa ang palitaw.

Mga hakbang:

1. Ihanda ang mga sangkap.

*1/2 kl Galapong (Giniling na malagkit na bigas) - kung sinisipag naman kayo, puwede ding kayo na lang ang ngumuya ng malagkit na bigas hanggang sa maging galapong ito. LOL.
*1/2 kl sapal ng bukonut
*White sugar
*Dahon ng pandan na nakaw sa bakuran ng kapitbahay
*Mani ni lola. Oo kasi doon ko binili ang Happy Nuts sa tindahan ni lola. Ang dudumi ng isip! LOL.

2. Magpakulo ng tubig sa kaserola. Ilagay ang dahon ng pandan na nakaw sa kabilang bakuran pagkakulo ng tubig. Ang pandan ay nagbibigay aroma sa galapong.

3. Pagkatapos mangungulangot, bilugin ang kulangot este ang galapong at i-flatten ito ayon sa laki at nipis na gusto mo. Please see picture above.



4. Ilagay sa kumukulong tubig na may dahon ng pandan na nakaw sa kapitbahay ang mga na-hugis na galapong. Antayin na lumitaw ang galapong bago ito kuhanin sa kumukulong tubig. Ibig lang nitong sabihin, luto na ang galapong at namatay na din ang germs na galing sa kulangot. Siguro naman gets mo na bakit PALITAW ang tawag sa pagkaing ito hehehe...

5. Budburan ng asukal ang nalutong palitaw para magkaroon ito ng tamis pleybor.

6. Bago pala ilagay ang sapal ng bukonut sa palitaw, pigain muna ang gata nito saka ibilad under the scorching heat of the sun, para ito'y matuyo. Ang purpose nito ay para hindi madaling mapanis ang pagkain at hindi maglasang langis-niyog.

7. I-Coat ang sapal ng bukonut sa nilutong galapong. Kung gusto mo namang manamis namis ang lasa ng sapal ng bukonut, puwede itong lagyan ng asukal.

8. Durugin ang mani ni lola. Please refer to the list of ingredients. Kung sinisipag ka naman, puwede mo din nguyain ang mani ni lola hahaha...Ibudbod ang durog na mani sa palitaw.

9. Para magmukhang sosy ang simpleng palitaw, lagyan ito ng disenyo kung gusto mo hehehe...

Ganun lang po kadali ang paggawa ng PALITAW. Puwede mo ng i-serve sa visitors ang yummyliciuos na palitaw mo ahihihi (tawang Boy Abunda) LOL...

Kain tayo!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner