Laking tuwa ko nang makita ko sa TV na itinampok pala ng Matang Lawin ni Kuya Kim (ABS-CBN Show) ang Malagos Garden Resort (Metro Davao) dahil sa bantog na bird show dito. Naalala ko tuloy ang pagkayamot ko noon dahil hindi ko naabutan ang bird show. Tinanghali kasi kami ng dating noon sa resort. Alas 10 kasi ng umaga nagsimula ang nasabing pagtatanghal.
Araw iyon ng Linggo. Mataas pa ang araw. Kaya naisip kong marami pa namang pwedeng maging libangan. At presto! Nakita ko ang kamag-anak ni Vice Ganda na nakatali sa ilalim ng puno kaya dali-dali akong nagtanong sa mga staff kung pwede kong i-horseback ride. At dahil sa malakas ako sa namamahalang bisor noon ay pumayag siya kahit hindi na sana pwede kasi ipapahinga na dapat ang kabayo hehehehe...
Habang nililibot ko ang buong resort sa pangangabayo, nakita ko ang malaking ipinagbago ng lugar. Mahigit isang dekada na din pala bago uli ako nakabalik sa resort na iyon.
Sadyang tahimik at mapayapa sa lugar na iyon. Malayo sa magulong siyudad. Kaya naman isa sa mga dinarayo ito ng mga turista sa tuwing nagagawi sila ng Davao. Tunay na nakakarelaks.
Nang makaramdam ng kaunting pagkahapo ay tumigil muna ako sa cottage. Nakipagkwentuhan at nakipaghalakhakan kasama ang mga kasama...
Habang nakikipagkwentuhan ay kinakain ang nakahandang presko at matatamis na mga prutas ...tsalap! tsalap! Pinagtawanan nga ako ng isang tropa kasi hindi daw ako marunong kumain ng Mangosteen hahaha...Oh well, it's just my way of eating the fruit at wala akong balak magkuwento tungkol dito baka magitla pa kayo hahahaha...
Bago pa man tuluyang magdilim ay nilibot ko na uli ang iba pang bahagi ng resort. This time naglakad lakad lang ako 'yung tipong emo-emohan habang ninanamnam ang kagandahan ng lugar ay nagbabalik-tanaw ka sa nakaraan...
Hay! Ang sarap sana ng buhay kaso isang araw lang ang pwede naming ilagi doon kasi kinabukasan ay naghihintay naman ang Garden City of Samal Island. Island hopping uli ang trip weeee!!! At doon sa islang iyon ang huling yugto ng kuwentong ito. Kaya samahan 'nyo uli ako sa trip na iyon.
Bago ko tapusin ito, ako'y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng staff lalo na 'yung mabait na Bisor ('yung tumatawag sa telepono) dahil binigyan niya ako ng maraming souvenir (t-shirt, keychain, at mga produkto ng resort). Hindi lang ang lugar ang maganda doon kundi pati na rin ang accommodation nila pramis! Thank you for making my stay in Malagos worth reminiscing.
38 comments:
Maganda pala dyan sa milagros garden.. mapuntahan nga minsan.
Pareng jag saan yang malagos? parang ang sarap ngang puntahan..very relaxing yung place... sana dito lang sa Luzon at hindi dyan sa Mindanao, malayo ako masyado...hehehe
ang ganda naman, at least hindi yung typical na beach something. thanks for sharing your vacay with us!
Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng
brings back our honeymoon memories!
@ Braggito: Malagos po hindi Milagros hehehehe...punta ka dito minsan pre hehehe...
@ Mokong: Ang Malagos Garden resort ay matatagpuan sa Calinan, Davao city 45 minutes travel by car from the city proper...
Malay mo makapunta ka balang araw doon hehehe...
@ kcatwoman: oo kakaiba xa kasi may mga hayop, butterfly sanctuary at mga ibon din doon. At may forest forest din hehehe...
Thanks for visiting!
@ Ayu:heeeyah!!! hehehee...kaya kung may chance kayo na pumunta ng Davao, dalawin nyo ang Malagos Garden Resort hehehe...
@ kuri: Ang sweet naman ng honeymoon ng misis nyo sir hehehe...
ang ganda! :))
@ goyo: Oo maganda hehehe...
Napansin ko lang sa last photo...mukhang snob yung babae camera shy? o sadyang insabera...hehehe busy sa phone weh!!! hehehe
Agoy kanindot man sa lugar. Sige lang gyud ka suroy suroy diha. Enjoy gyud ug maayo. Lucky you, you were given a chance to ride that horse...hehehe.. kalami man sa mangga. Makalaway gyud mag sige ug tan aw sa pic. Mingaw nako sa mangga sa ato.
Yay parekoy! pag may enough time and money talaga ako, papasyal kami ng family ko jan sa Davao. ^_^
Bale, san ka ngayon tumutuloy? diba sa Makati ang office nyo?
Npkarelaxing nman ng place. Grabe todo2x n gyud nga laag, ang ganda ng lyf, ang yaman! hehehehe
kaygandang resort..davao pride na matatawag..sanay ka na pala sumakay sa kabayo..
Sori naman... patay na si amanda eh... hehehehe pero diba kahit papaano eh nakasakay ka na sa horse... hehehehehhe...
Hirit sa Tag-init parang bold ah hahaha.
@ Mokong: heheh siya ung Mabait na Bisor doon hehehe...Baka may kausap na client lng ata hehehe...
@ eden: hehehe mao lagi laag laag lang sa pagkakaron tapos namurdoy nako ani waaaaahhh hehehe...
Wala ba d i mangga dra?
@ fiel-kun: Oo u should mGandang gift mo un sa family mo pag ganun...
Yep nsa Makati ang office namin pero may project kasi ako dito sa Laguna so dito ako sa staffhouse ng Laguna ako naktira hehehe...
@ Parts: Well tanan ani nga laag kay wala koy gastos kaya kay libre lang ni heheheh...
@ Arvin: Oo matagal na akong nangangabayo hehehe...dalaw ka din minsan sa Davao kung may time ka hehehe...
@ xprosaic: d na pla pinalitan uli si Amanda? Yaya, nung nsa Baguio ako madalas kaya akong maghorseback-riding hehehe...at madalas din akong mangabayo ng... *wink* hehehe
@ glentot: hahaha ganun ba? hahahaha adik! feeling mo nmn tga MTRCB ka? lol!
yeha, cowboy! ....lol....nakaka enjoy tingnan yung mga pics...lalo na yung fresh fruits...so yummy!
salamat sa pag daaan sa aking munting kusina...:)
what a great place bro. mukha kasabay mong nag palit ang image sa init ng panahon.
salamt bro sa pakikiisa sa prayer para kay nanay. gb tol!
Ka ganda naman jan, sana minsan makapagbakasyon kami jan :)
@ Dhemz:hehehehe...maxado nga akong nag enjoy sa pangangabayo hehehe...
babalik uli ako doon para makikikain hehehehe...
@ Life Moto: What do you mean, ako nagpalit ng image? hehehehe...
Yeah, tayo tayo lang nmn dito ang magkakakampi eh...hope she will b alright...
@ Lord CM: Kauuwi mo lng pre db? O gala ka na doon now na! hehehehe
Ingat!
wow ganda naman jan..sana paguwe ko ng pinas makapunta ako jan kahit man lang makatapak ng davao...... :D
salamat sa iyong impormasyon jag...antayin ko ung next trip mo...(feeling close)hahahaha..ingats...
ang ganda naman nitong lugar na to---and what I love is yung sa 3rd picture.kala ko nung una mga pine trees...pero hindi diba? mga halaman yan na parang christmas tree.....tama?
sarap naman nyan ah.. whoa, ganda nga naman sa lugar na yan!
@ lady: U should visit Davao di ka magsisisi hehehe...
O xa cge close na tayo timer starts now! hehehehe...
Ingats!
@ pusangkalye: apparently it is hehehe...hindi ko alam anong klase ng puno yun parekoy eh but definitely its not pine tree tama ka hehehe...punta kau ng misis mo dito maghoneymoon uli kau hehehe...
ingatz!
@ tim: Parekoy, if you have time puntahan mo anng place n yan para makapagrelax ka nmn...
ingat!
wow. ang ganda. gusto ko rin pumunta dyan! haha.
so magkano ang nagastos mo? HAHAHA.
hindi ka na ba babalik ng Japan? gusto kong pumunta dun eh. libre mo ako! HAHAHA.
@ karoger: Wala akong nagastos kasi nilibre lang ako hahaha...
Uo babalik p ako ng Japan but not too soon...
wow. sana makapunta din ako dyan. ang boring na dito sa bahay namin eh. haha.
natawa ako nung nabasa ko yung tungkol sa kamag-anak ni vice ganda. akala ko tao, kabayo pala. :p
@ sarah: wui! salamat sa dalaw! Welcome!
napaisip b kita kung sino ung kamag-anak ni Vice na tinutukoy ko? lol..
namiss ko to sa davao bai..balik gyud ko davao chada gyud davao!!!
@ sendo: mura mn kag tga cdo hehe tsada jud hehehe...
Post a Comment