Tuesday, May 18, 2010

Hirit sa Tag-init: Last Part

Okay! Okay! Last na talaga ito kaya pagtiyagaan 'nyo na lang ang kuwentong ito. Kahit tinatamad akong magblog (tamad naman talaga akong magblog) ay hindi ko naman sasayanging hindi maibahagi sa inyo ang mga kahindikhindik, kagilagilalas, at kapanapanabik na mga nangyari noon sa amin sa Samal Island. Kahit patapos na ang summer ay hindi pa rin ako maka get-over sa summer experience ko sa nasabing lugar. Gi-ahak na naglisod ko'g narrate hehehehe...

Hindi lang naman talaga gala ang ipinunta namin doon. Kundi may halong business din. Kung anong business 'yun ay chikretong malufet na lang iyon hehehe...At 'wag 'nyo akong kulitin at baka masabi ko pa lol. Kaya ang mga sidetrips na lang namin ang ikukuwento ko howkey ba? Lokohin 'nyo na lang ang mga sarili 'nyo na kunwari interested kayo sa kuwentong ito LOL uli hehehe...

Story proper na tayo. Naitawid namin sa kabilang isla ang aming sasakyan sa tulong ng malaking barge. Medyo mahirap lang kasi kailangan pang hintayin ang barge bago makatawid sa kabilang isla, eh ano pa nga ba! (Engot ka Jag!) Ewan ko ba kung bakit ayaw na lang gawan ng linking bridge between Samal island at Metro Davao para smooth na smooth ang pagbiyahe ng mga nagbabalak pumunta ng Samal like us. Echuwali, isa sa malaking usapin ngayon sa Davao kung itutuloy ba ang paggawa ng tulay o hindi. Magiging komportable nga naman para sa mga biyahero at sa mga residente ng Samal kung magkakaroon ng tulay dito pero paano naman ang mga taong ang ikinabubuhay lamang ay ang pamamangka? Lingid pa dito, takot din ang lokal na pamahalaan ng Samal na baka masira ang isla at mawala ang essence na tawagin itong isla. Naisip ko, tama nga naman. Kasi kung magkakaroon ng tulay ay wala ng island -hopping na matatawag dito hehehe...

Pasado alas 9 na ng umaga nang marating namin ang isla. Super delayed na kami noon sa ka-business namin. Alas 8 kasi ang usapan. 'Wag na sabing mangulit kung ano ang business na yan! Kulit kulit eh! Pero kering keri lang kasi may kasabihan namang customer is always right kaya choks na choks lang iyon hehehe.

Sa wakas ay natapos din ang business na iyon after two hours. Dahil sa may bakanteng isang oras pa naman, ay biglang nagyaya ang ka-business namin na magsight seeing muna sa mga lugar. At dahil sa kliyente kami, naenjoy namin ang dapat maenjoy ng isang kliyente hehehe...Una ay pinuntahan namin ang Virgin Resort. Echuwali walang pangalan ang resort na iyon ako lang ang nagsabing Virgin Resort hahaha...Wala lang trip ko lang bakit may angal? Hindi pa kasi ito gaanong ka-develope at hindi siya open for public. May iilang cottages lang din meron doon.



Hindi na kami nangahas maglakad lakad pa sa dalampasigan kasi masakit sa paa ang mga matutulis na mga batong meron doon. Hanggang "for your eyes only" na lang talaga kami kasi hindi kami puwedeng bumaba ng cottage.

Hindi din kami nagtagal sa lugar na iyon. Lumipat naman kami ng ibang resort.



Dumako naman kami sa Azalea Resort. This time di tulad ng naunang resort ay may pangalan na talaga siya. Pero ang resort na ito ay hindi din bukas para sa publiko. Pagmamay-ari siya ng isang mayamang negosyante at nagkataong close sila ng ka-business namin kaya nakapasok kami sa exclusive na resort na iyon hehehe...


Halatang mamahalin ang resort kasi maganda at pinag-isipan ang disenyo ng mga gusali dito.



Kamangha-mangha din ang landscape dito.

At dahil sa inviting ang mga tanawin, di ko namalayang hinahatid na pala ako ng aking mga paa sa ibang bahagi pa ng resort upang kumuha ng souvenir picture hehehe...

At nag-pose.

Muntik na naming makalimutan na hindi pa pala kami nananghalian sa ganda ng mga tanawin doon. Nang makaramdam ng gutom, napagkasunduan na maglunch sa isa pang resort, ang Paradise Island.



Pagpasok ay bubungad na kaagad ang kagandahan ng kalikasan. Malawak ito at kaaya-aya.


Bago pa tuluyang marating ang beachline ay mag-eenjoy ka muna sa panonood sa mga hayop.
In-short, madadaanan mo muna ang kanilang mini-zoo...


Agaw eksena talaga ang mga hayop na ito.


At sa parteng ito ay wala na akong masabi kaya CLICK- CLICK na lang hehehe...

CLICK-CLICK pa uli.


At sa wakas ay narating na namin ang restaurant ng resort. Habang kumakain ay hinaharana naman kami ng mga MANONGZ. At dahil sa nanggagalaiti na ako sa pagkain, ay nakalimutan kong kuhanan ng larawan kung ano ang mga kinain namin hehehe...ah basta seafoods ang kinain namin, tapos! lol.



Nang mabusog ay ninais kong magswimming ngunit sa kasamaang palad ay di ko na naman dala ang mahiwagang swimming trunks kaya hindi na ako tumuloy.(Hindi kasi ako naliligo pag hindi naka-trunks hahaha ang lakas talaga hahaha). Ang mga kasama ko na lang ang nagswimming hehehe...Inenjoy ko na lang ang sarili ko sa paninilip este sa panonood sa mga nagswimming hehehe...

Yun lang. Salamat sa pagbabasa sa walang kuwentang kuwentong ito. That is, kung nagbabasa talaga hahaha...Dito na lang po nagtapos ang Hirit sa Tag-init trip ko. Sa kasalukuyan ay back to real world na uli ako. Isa na uli akong alipin ng super demanding na trabaho ko. Dinagdagan pa ng magulo at maingay na buhay sa siyudad. Sighs! Hanggang sa muli!Inaantok na din kasi ako. Babu!



39 comments:

EngrMoks said...

Sulit na sulit pare ang summer ahhh!!!

Anonymous said...

anung business yan jag? lol
bibili ka narin ba ng private resort? hehe invite mo kame mga bloggers pag nagkataon! :)

goodluck sa pagbabalik sa real world

Superjaid said...

isa ata to sa pinakamakulit mong pot kuya hehehe ayos ah..iba talaga kapag may work na papasyal pasyal na lang..hehehe

RHYCKZ said...

indeed, a beautiful place...very good for lovers & honeymooners.lolz

ingat

Jag said...

@ Mokong:hehehe sulit ba? kinulangan ako eh hehehe..

Jag said...

@ buhay prinsesa: hahaha masaya yan kung nagkataon invite tlga kayong lahat hehehe...

Jag said...

PAUMANHIN KINA Superjaid at pareng scofield accidentally ko nabura ang comment nila.

Sabi ni:

Superjaid: isa ata to sa pinakamakulit mong post kuya hehehe ayos ah..iba talaga kapag may work na papasyal pasyal na lang..hehehe


Sabi ni:

Scofield Jr.:indeed, a beautiful place...very good for lovers & honeymooners.lolz


Sabi ko:

Jag: Buti na lang may e-mail notification whew! Salamat sa pagcomment hehehe...

Anonymous said...

hmmmmmm. infairness, binasa ko talaga siya.
magpasalamat ka sa akin.
HAHAHAHA.

so sa Japan ba to o saan? (binasa ko talaga siya, pramis!HAHA)

ang gandaaaaa. nakakamiss ang summer pero okay lang. balita ko super init dyan ngayon.

anyway, anong business ba yan? baka pwede mo akong bigyan ng porsyento? HAHAHA

DRAKE said...

Nice mukhang kay ganda ganda naman ng lugar! Parang gusto ko dyang tumira habambuhay, parang paraiso lang!hehhe

At ano na namang business yan, parekoy?sali naman ako oh! Siguro prostitution den yan no! Kailangan nyo ba ng TESTER?? hahah!joke lang!

Ingat

kikilabotz said...

ahahaha gnda gnda..pero mas natawa ako sa mga pics..lagot ka binura mo. ahaha

Jag said...

@ superjaid and Scofield jr: Nabubuang na ang blogger kanina nabura comments nyo tapos ngayon meron n nmn? It's a miracle lol! hehehe...

Jag said...

@ karoger: Isa kang ampness! kunwaring nagbasa ka wooooh!!! hehehe

Sa Davao po iyan parekoy! dito sa Manla 37.5 C. Gusto ko nang umuwi sa amin kac refreshing doon sa probinsya. hayz!

Musta n jan s Korea?

Jag said...

@ Drake:Kung titira ka sa islang iyon kailangan mo munang matotong magbisaya hahahaha....

baka mapurnada pa bisnis ko pag nakisawsaw ka pa hahaha joke lng po hehehe...

inga din!


@ kikilabotz:alin b ang nakakatawa doon sa pic? Pagmumukha ko ba? lokoloko ka! hehehehe...

naretrieve kaya ang comments nila bleh! lol!

fiel-kun said...

Waah! kakainggit talaga ang summer adventure mo parekoy XD

Haay naku, buti ka pa masaya ang summer. ako eto, nagmumukmok sa bahay lols.

Anonymous said...

binasa ko talaga siya. andyan kayo dahil sa birthday ng pinsan mo diba? HAHAHA.

hmmm. Korea is still Korea.
though umiinit ang mga pangyayari.
balita kanina sa tv na North Korea daw yung nagpasabog nung ship malapit sa border. so nagpapalitan sila ngayon ng pananakot.
exciting :D

Dhemz said...

ayay! nakaka envy naman dito....would love to take a plunge...kaso alang dagat dito sa amin..e.ehehehe!

Nortehanon said...

Madalas ako napupunta sa Davao dahil sa work but I've never been to Samal Island. Sana sa susunod kong byahe sa Davo ay mapuntahan ko. Nakaka-engganyo kasi ang mga pictures mo.

Nag-blog hop lang galing sa bahay ni Jaid.

Jag said...

@ fiel-kun: Naku parekoy ngayon lng to pramis hehehe...

Di pa tapos ang summer yayain mo family mo hehehe...

Jag said...

@ karoger: Oo halata nga na binasa mo wahahaha adik!

Malay mo ipatapon k pala sa North Korea eh di mas excitng hahahaha lagot!

Jag said...

@ Dhemz: kaya pag umuwi kau madam gala n agad kau hehehe...

ingatz!

Jag said...

@ Nortehanon: Wui una sa lahat maraming salamat sa dalaw parekoy!

Malay natin may client ka pla sa Samal at mapuntahan mo din ito sa wakas hehehe...

Thanks uli! God bless!

Arvin U. de la Peña said...

hanep talaga ang summer adventure mo..

Arvin U. de la Peña said...

anong business nga kaya ang pinag usapan..ang ganda ng hayop na iyan na nasa kulungan..anong name kaya ng hayop na iyan..

Enhenyero said...

nacurious ako sa business na yan ah hehehe

pwede maki sosyo?

Xprosaic said...

Naks naman! hehehehhehe nice nice gumagala talaga sa summer! hehehehhehehe

Jag said...

@ Arvin: kung anong business? Chikretong malufeet bosing hehehe...

NAKALIMUTAN KO ang name ng bird eh sori hehehe...ung isang hayop usa yun...

Jag said...

Blogger I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT: Parekoy sekreto eh hehehe at saka disclosed na iyon hehehe...

Jag said...

@ Xp: Yeah! Berinays lalo n pag kasama ang tropa at mga mahal sa buhay hehehe...

Jag said...

@ Ayu:yeah habang tayo ay bata pa at malusog lasapin natin ang ganda ng buhay...hehehe...ayain mo parents mo pumunta kau dun hehehe...

Ingat!

Sendo said...

been to paradise island! unta gipaakbay pud nimo tong sawa nila haha

mura ug mupalit ka ug beach hahaha...libre niya ko ha haha

Jag said...

@ sendo: ana jud laaglaag lng hehehe...giatay dli nko mkaya mgpaakbay sa bitin hahaha

yaan mo pag mkapalit nko libre k sa akong resort heehe...

dodong flores said...

Hi, Jag. I seriously read your story thoroughly. The way you write your narrative, it's very infectious. It is as if I was actually with you on your trip ;)
Nice photos especially of that private resort.
Good luck for buying a resort, errr... Good luck to your business ;) :D

Ayie Marcos said...

Ay sobrang inggit na inggit na ako sayo. Sana nga sa susunod na bakasyon namin may time na may budget pa.

Pupunta rin ako sa ganyan ganyan, at ikaw naman ang iinggitin ko.

MJ said...

ayaw mong may-magtsnong kong anong bisness pinontahan mo dyan...tapos sulat ka nang sulat sa word na bisness..eh para namang sinabi mong tanongin mo na ako dahil I really wanna tell you about it...Wag mong i moension pag-ayaw mong may mag-tanong.....para walang makaalam di wag mong isulan na kasama sa bisness itong summer break ko na toh...tapos ayan nanaman late kami sa bisness date namin...agoy....anong klasing sikrito yan at sinasabi mo every paragraph....wakas tapos bisness lahat may bisness at the same time ayaw mo kaming mga readers mong mag-tanong anong klasing BISNESS!

Anong ibig sabihin nang
(dalampasigan) (kamangha mangha)?

Means private resort pala ok...kaso mabigatin kayo kaya nakapasok kayo dito sa magandang resort na walang name...

baka takot ka lang umitim or maybe hindi ka marunong lumangoy kaya hindi mo dinala ang mahiwaga mong swimming trunk...

Bisness trip as usual akala ko ba namay vacation mo itong byahe nato...
Dahan dahan baka yayamang ka...hehehe!

happy weekend and take care!

Jag said...

@ dodong flores: Wui sir welcome back! thanks for visiting again...

Hahaha hindi ko pa kayang bumili ng resort small time lang po ako hehehe...

Yaan mo pag nagkaresort ako iinvite kita to come over hehehe...

ingatz!

Jag said...

@ Ayie: asus madam if I know rich kid ka hehehe...

At aabangan ko iyang trip mo hehehe...

ingat!

Jag said...

@ Khim: Wow! Madam I'm happy u are reading my post kahit walang kwenta ito hehehe Thanky you thank you!

At ang haba ng comment mo i love reading it hehehe...at natawa ako kasi iba ang arrive ng pgiging makulit ko about telling the business thing pero I really don't wanna talk about it relating to my personal business thing or work thing baka mapagalitan ako kaya I will just leave you guys think what that business is all about kayo na bahala kung ano maisip nyo hehehehe...pero may point ka din sana nga hindi ko na inemphasize ang salitang business kasi I somehow sounded like I want you guys to say it...but plainly I just want to talk about my sidetrip during that business trip hehehe...and I had fun a lot!

Thanks for this comment. Nabahaba din tuloy ang reply ko hehehe...

Ingat!

Jag said...

@ khim: "it sounded like you want me guys to say it" i should say...

dalampasigan - sea shore, aplaya
kamangha-mangha - amazing, astounding, wonderful

tama po kayo ipinagyayaMang (ipinagyayabang)ko po talga ang lugar na iyon kasi sobrang ganda po tlga nito kaya kayo din po if u have time visit nyo din po ang Samal Island...tama ba intindi ko sa sinabi mong baka yayamang ako? hehehe...

Happy Sunday! God bless!

eden said...

Cge di na lang ko mag tanong kung unsa na nga bisnis kay sikwit man diay..hehehe

kanindot ba sa life nimo sige lang laag laag. kadaghan sa resort diay anang islaha oi, mora man ug malifong ko magsuroy suroy..anha nalang ko sa tubig mahumol hangtud mag hapon. pwede sad siguro manginhas pag hunas..hehehe next time yaw na kalimti imong swimming trunk para makapahimulos jud ka sa tubig.


have a good week.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner