Sunday, May 30, 2010

Eksena sa Concierto



At dumating na nga ang pinaka-aabangang gabing iyon. Ang pagdaos ng concierto. Kahit hindi sumipot ang mga kupal kong kasama, tumuloy pa rin ako sa nasabing concert kahit ako lang mag-isa. Sayang din naman kasi ang libreng ticket hehehe...

Medyo punuan na nang dumating ako sa Stadium. Hindi maganda ang puwesto ko kasi bukod sa may kalayuan ang seat ko from the stage ay may mahaderang bebot na walang GMRC sa buhay. Ipinapatong niya kasi ang kanyang paa sa sandigan ng upuan ko. To hell with her! Akala niya ang ganda ng kanyang mga paa. Mukha naman itong luya ewww!!! Anyways, ayokong mapuno ang post na ito dahil lang sa taga-bundok na bebot na iyon hehehe...

Sam performing NSYNC's This I Promise You.

Unang nag-number itong Youtube sensation na si SAM MANGUBAT. I-click 'nyo lang ang pangalang iyan kung gusto niyo ng sampol. Tubong Calamaba siya. Naimbitahan siya ng organizer ng concert na magperform. Pagkakatanda ko may apat na songs din ang kinanta niya. Alas! Lahat ng kinanta niya ay sobrang paborito ko. Lalo na iyong "With You" ni sadistang Chris Brown hehehe...Magaling itong si Sam sa pag -run, pag-twist, at pag- curl ng boses. In short forte niya ang RNB. Kaya ko siguro naa-appreciate ang music niya kasi I have the ears for RNB music too. Sikat na siya kasi una, kilala ko na siya. Pangalawa, nag-TV guest na din siya. Pangatlo, he had the crowd during his performance sa concert nina Nyoy, Juris at Aiza.

Nakabihis na siya niyan hehe...

At pagkatapos niyang magperform, he's like one of us na nanonood ng concert. In fact, nakaupo siya sa harapan ko with his friends. Ang galing noh? hehehe...Hangad ko ang tagumpay mo Sam...


Nyoy, Juris and Aiza sang the song Man in the Mirror of MJ.

Sa concert proper na tayo. Unang nagperform itong si Nyoy Volante. Mga sampung songs din ang kinanta niya. Kung ano ang naririnig mo sa radyo at TV ay ganun na ganun ang kanyang boses pag LIVE. Yung ibang artists kasi maganda lang ang boses during recording pero pag live wala na samahan pa ng modulation hehehe...Isa sa masasabi kong astonishing performance niya ay yung kinanta niya ang "And I'm Telling you". Marami ng kumanta sa song na ito. Sa dami ng gumawa ng version ay hindi ko na tuloy alam kung sino ang original artist nito. O baka kasi hindi pa ako ipinanganak nung unang sumikat ito. Hindi ko akalaing magampanan ni Nyoy ang kantang ito kasi hindi mo talaga maiisip na kakantahin niya ang mga ganung uri ng kanta at isa pa ang alam ko pambabae lang talaga ang song na ito. But he nailed it! Hindi ko ma-explain pero maganda ang rendition niya sa song na iyon. Haha para tuloy akong isang judge sa isang singing contest hahaha...

Sumunod ay si Juris. She is not that attractive on screen pero gosh! Ang sexy at ang cute niya sa personal! Crush ko na siya tuloy (sabay blush). Lahat ng kanta ay effortless para sa kaniya. Ang swabe at ang linis linis ng boses. Masarap sa tenga. Nakakahalina ang bawat hagod niya sa nota. Kaya naman ng matapos ang concert ay siya agad ang hinanap ko. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpapicture kasama siya kasi andaming mga froglets na nagpapicture sa kanya. Tsaka hate na hate ko talaga makiumbok sa crowd ng matagal.

Ang pang-finale ng concert ay si pareng AIZA SEGUERRA, isang acoustic star. Heartthrob na heartthrob ang dating niya kasi sobrang nagtitilian ang mga chicks at mga binabae sa kanya. Pati ang nakatabi kong nanay ay nakikitili rin hehehe. Makapigting-hininga naman kasi ang ginawa nila ni Mike Villegas (isang gitaristang malupit) sa pagkanta at sa exhibiton sa pagtugtog ng gitara. Habang nilalaro nila ang gitara ay naalala ko tuloy ang ka-banda ko nung high school. Oo tumutugtog din kasi ako sa isang banda noon (sa Campus lang naman). Naka-assign ako sa rhythm guitar at second vocals. What if kinarir ko ang pagtugtog, sikat na din kaya ako ngayon tulad nila? Isang malaking LOL yan hahahaha...Ang pangalan pala ng banda namin dati ay The 11th Hour Band. Kasi ang grupo namin ay mahilig gumawa ng projects at assignments during 11th hour na kaya madalas kaming mapagalitan ng titser namin noon hehehe...

Solb na solb ang libre kong ticket na iyon para sa concert. Pero ito lang ang masasabi ko, mas mag-eenjoy ka talaga sa panonood ng concert kung may company ka. Yun lang po ang mga kaganapan sa concert. I tenkyu! Baw!

Oops! Nga pala hayaan 'nyo po akong ibahagi sa inyo ang mga larawang nakuha ko sa mga SIKAT.


Si Nyoy Volante, ang lalakeng vocal chords.

Ang cutie at may angelic voice na si Juris.


Aiza. Ang Idol.

At si Jag. Ume-epal lang hahaha...

Wednesday, May 26, 2010

...Na Naman!

Alam kong wala kayong pakialam pero i-assume ko pa rin na meron hehehe. Alam 'nyo ba kumbakit noong lunes ay...


may tugtugan...(hindi ito yung sinasabi kong Acoustic Night Concert nina Nyoy, Juris at Aiza ha, sa Sabado pa kaya 'yun)


may kainan at inuman...




at may fecture fecture epek din...Kasi...Kasi...Kasi...




Kasi kaarawan na naman po ng isang kapatid at malapit na kaibigan. Siya si Donya Morita Mia Tamayo a.k.a "Mujer na Ingrata". She really loves to be called that way haha! But really mabait naman po siya ibinili niya kasi ako ng mamahaling polo noong kaarawan ko hehehe...Tenchu berimeni! Sa wakas hindi na ako magmumukhang magsasaka kasi makakapagsuot na din ako ng magarang polo weeeee...


Belated Happy Birthday Em-Em! Ayos! Matanda ka na lol!

Saturday, May 22, 2010

Acoustic Night Live

Source:http://www.ticketworld.com.ph/


Acoustic Night is featuring the country's finest acoustic artists: Nyoy Volante, Juris and Aiza Seguera live at the Grand Square Stadium on May 29, 2010 at 8 pm. Let us support our Filipino talents. Grab your tickets now at the TicketWorld outlets near you or buy online at www.ticketworld.com.ph. Tickets are also available at Grand Square Stadium located at Brgy. Balibago Complex, Sta. Rosa, Laguna near Target Mall.



Kung gusto mo namang makatipid at makalibre tulad ko, you can go to C-Top Bookstore . With a minimum of 350 Php worth of purchase, you can avail a concert ticket for FREE. Tamang-tama din at malapit na ang pasukan. Enjoy!


Tuesday, May 18, 2010

Hirit sa Tag-init: Last Part

Okay! Okay! Last na talaga ito kaya pagtiyagaan 'nyo na lang ang kuwentong ito. Kahit tinatamad akong magblog (tamad naman talaga akong magblog) ay hindi ko naman sasayanging hindi maibahagi sa inyo ang mga kahindikhindik, kagilagilalas, at kapanapanabik na mga nangyari noon sa amin sa Samal Island. Kahit patapos na ang summer ay hindi pa rin ako maka get-over sa summer experience ko sa nasabing lugar. Gi-ahak na naglisod ko'g narrate hehehehe...

Hindi lang naman talaga gala ang ipinunta namin doon. Kundi may halong business din. Kung anong business 'yun ay chikretong malufet na lang iyon hehehe...At 'wag 'nyo akong kulitin at baka masabi ko pa lol. Kaya ang mga sidetrips na lang namin ang ikukuwento ko howkey ba? Lokohin 'nyo na lang ang mga sarili 'nyo na kunwari interested kayo sa kuwentong ito LOL uli hehehe...

Story proper na tayo. Naitawid namin sa kabilang isla ang aming sasakyan sa tulong ng malaking barge. Medyo mahirap lang kasi kailangan pang hintayin ang barge bago makatawid sa kabilang isla, eh ano pa nga ba! (Engot ka Jag!) Ewan ko ba kung bakit ayaw na lang gawan ng linking bridge between Samal island at Metro Davao para smooth na smooth ang pagbiyahe ng mga nagbabalak pumunta ng Samal like us. Echuwali, isa sa malaking usapin ngayon sa Davao kung itutuloy ba ang paggawa ng tulay o hindi. Magiging komportable nga naman para sa mga biyahero at sa mga residente ng Samal kung magkakaroon ng tulay dito pero paano naman ang mga taong ang ikinabubuhay lamang ay ang pamamangka? Lingid pa dito, takot din ang lokal na pamahalaan ng Samal na baka masira ang isla at mawala ang essence na tawagin itong isla. Naisip ko, tama nga naman. Kasi kung magkakaroon ng tulay ay wala ng island -hopping na matatawag dito hehehe...

Pasado alas 9 na ng umaga nang marating namin ang isla. Super delayed na kami noon sa ka-business namin. Alas 8 kasi ang usapan. 'Wag na sabing mangulit kung ano ang business na yan! Kulit kulit eh! Pero kering keri lang kasi may kasabihan namang customer is always right kaya choks na choks lang iyon hehehe.

Sa wakas ay natapos din ang business na iyon after two hours. Dahil sa may bakanteng isang oras pa naman, ay biglang nagyaya ang ka-business namin na magsight seeing muna sa mga lugar. At dahil sa kliyente kami, naenjoy namin ang dapat maenjoy ng isang kliyente hehehe...Una ay pinuntahan namin ang Virgin Resort. Echuwali walang pangalan ang resort na iyon ako lang ang nagsabing Virgin Resort hahaha...Wala lang trip ko lang bakit may angal? Hindi pa kasi ito gaanong ka-develope at hindi siya open for public. May iilang cottages lang din meron doon.



Hindi na kami nangahas maglakad lakad pa sa dalampasigan kasi masakit sa paa ang mga matutulis na mga batong meron doon. Hanggang "for your eyes only" na lang talaga kami kasi hindi kami puwedeng bumaba ng cottage.

Hindi din kami nagtagal sa lugar na iyon. Lumipat naman kami ng ibang resort.



Dumako naman kami sa Azalea Resort. This time di tulad ng naunang resort ay may pangalan na talaga siya. Pero ang resort na ito ay hindi din bukas para sa publiko. Pagmamay-ari siya ng isang mayamang negosyante at nagkataong close sila ng ka-business namin kaya nakapasok kami sa exclusive na resort na iyon hehehe...


Halatang mamahalin ang resort kasi maganda at pinag-isipan ang disenyo ng mga gusali dito.



Kamangha-mangha din ang landscape dito.

At dahil sa inviting ang mga tanawin, di ko namalayang hinahatid na pala ako ng aking mga paa sa ibang bahagi pa ng resort upang kumuha ng souvenir picture hehehe...

At nag-pose.

Muntik na naming makalimutan na hindi pa pala kami nananghalian sa ganda ng mga tanawin doon. Nang makaramdam ng gutom, napagkasunduan na maglunch sa isa pang resort, ang Paradise Island.



Pagpasok ay bubungad na kaagad ang kagandahan ng kalikasan. Malawak ito at kaaya-aya.


Bago pa tuluyang marating ang beachline ay mag-eenjoy ka muna sa panonood sa mga hayop.
In-short, madadaanan mo muna ang kanilang mini-zoo...


Agaw eksena talaga ang mga hayop na ito.


At sa parteng ito ay wala na akong masabi kaya CLICK- CLICK na lang hehehe...

CLICK-CLICK pa uli.


At sa wakas ay narating na namin ang restaurant ng resort. Habang kumakain ay hinaharana naman kami ng mga MANONGZ. At dahil sa nanggagalaiti na ako sa pagkain, ay nakalimutan kong kuhanan ng larawan kung ano ang mga kinain namin hehehe...ah basta seafoods ang kinain namin, tapos! lol.



Nang mabusog ay ninais kong magswimming ngunit sa kasamaang palad ay di ko na naman dala ang mahiwagang swimming trunks kaya hindi na ako tumuloy.(Hindi kasi ako naliligo pag hindi naka-trunks hahaha ang lakas talaga hahaha). Ang mga kasama ko na lang ang nagswimming hehehe...Inenjoy ko na lang ang sarili ko sa paninilip este sa panonood sa mga nagswimming hehehe...

Yun lang. Salamat sa pagbabasa sa walang kuwentang kuwentong ito. That is, kung nagbabasa talaga hahaha...Dito na lang po nagtapos ang Hirit sa Tag-init trip ko. Sa kasalukuyan ay back to real world na uli ako. Isa na uli akong alipin ng super demanding na trabaho ko. Dinagdagan pa ng magulo at maingay na buhay sa siyudad. Sighs! Hanggang sa muli!Inaantok na din kasi ako. Babu!



Saturday, May 15, 2010

Hirit sa Tag-init: Part 2

Laking tuwa ko nang makita ko sa TV na itinampok pala ng Matang Lawin ni Kuya Kim (ABS-CBN Show) ang Malagos Garden Resort (Metro Davao) dahil sa bantog na bird show dito. Naalala ko tuloy ang pagkayamot ko noon dahil hindi ko naabutan ang bird show. Tinanghali kasi kami ng dating noon sa resort. Alas 10 kasi ng umaga nagsimula ang nasabing pagtatanghal.



Araw iyon ng Linggo. Mataas pa ang araw. Kaya naisip kong marami pa namang pwedeng maging libangan. At presto! Nakita ko ang kamag-anak ni Vice Ganda na nakatali sa ilalim ng puno kaya dali-dali akong nagtanong sa mga staff kung pwede kong i-horseback ride. At dahil sa malakas ako sa namamahalang bisor noon ay pumayag siya kahit hindi na sana pwede kasi ipapahinga na dapat ang kabayo hehehehe...



Habang nililibot ko ang buong resort sa pangangabayo, nakita ko ang malaking ipinagbago ng lugar. Mahigit isang dekada na din pala bago uli ako nakabalik sa resort na iyon.


Sadyang tahimik at mapayapa sa lugar na iyon. Malayo sa magulong siyudad. Kaya naman isa sa mga dinarayo ito ng mga turista sa tuwing nagagawi sila ng Davao. Tunay na nakakarelaks.


Malagos Restaurant.


Malagos Information Center



Nang makaramdam ng kaunting pagkahapo ay tumigil muna ako sa cottage. Nakipagkwentuhan at nakipaghalakhakan kasama ang mga kasama...




Habang nakikipagkwentuhan ay kinakain ang nakahandang presko at matatamis na mga prutas ...tsalap! tsalap! Pinagtawanan nga ako ng isang tropa kasi hindi daw ako marunong kumain ng Mangosteen hahaha...Oh well, it's just my way of eating the fruit at wala akong balak magkuwento tungkol dito baka magitla pa kayo hahahaha...

Bago pa man tuluyang magdilim ay nilibot ko na uli ang iba pang bahagi ng resort. This time naglakad lakad lang ako 'yung tipong emo-emohan habang ninanamnam ang kagandahan ng lugar ay nagbabalik-tanaw ka sa nakaraan...


Masarap sanang magtampisaw dito kaso wala akong baong swimming trunks noon haha ang lakas!

Hay! Ang sarap sana ng buhay kaso isang araw lang ang pwede naming ilagi doon kasi kinabukasan ay naghihintay naman ang Garden City of Samal Island. Island hopping uli ang trip weeee!!! At doon sa islang iyon ang huling yugto ng kuwentong ito. Kaya samahan 'nyo uli ako sa trip na iyon.

Bago ko tapusin ito, ako'y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng staff lalo na 'yung mabait na Bisor ('yung tumatawag sa telepono) dahil binigyan niya ako ng maraming souvenir (t-shirt, keychain, at mga produkto ng resort). Hindi lang ang lugar ang maganda doon kundi pati na rin ang accommodation nila pramis! Thank you for making my stay in Malagos worth reminiscing.

Thursday, May 13, 2010

Hirit sa Tag-Init: Part 1

Isang buwan bago pa man ako umuwi ng Pilipinas ay napagkasunduan ng gagala kami ng kaibigan kong sakang sa Metro Davao. Naengganyo kasi siya sa mga kuwento ko tungkol sa Davao. Isa na roon ang pagkukuwento ko na ligtas gumala dito kahit abutin pa ng madaling araw. Ipinagmamayabang ko din na maganda at malinis dito. At take note, ang Metro Davao ay isa sa may pinakamalinis na tubig sa buong Asya. Hindi masyadong mabenta ang mineral at distilled water dito kasi potable ang tubig kahit straight from the gripo pa ito hehehe...

At dumating na nga ang Golden week ng Japan kung saan ay may isang linggong bakasyon ang mga Hapon. At sa pagkakataong iyon ay sinamantala na ng kaibigan kong Hapon ang pagpunta dito sa Pilipinas upang madalaw ang ipinagmamayabang kong lugar. At para masamahan ko ang kaibigan ay nag-file ako ng leave sa trabaho. Akala ko hindi ako papayagan pero by twist of fate, naging mabait ang bosing ko at inaprubahan ang hinihingi kong leave. Ayos!

Alas dos pa lang ng hapon ay tinagpo ko na ang Hapon sa Centennial 2 airport. Nag-chill ng ilang oras at maya-maya ay lumipad na kami papuntang Davao. Pasado alas 7 ng gabi nang marating namin ang lugar. Matapos ang ilang minutong pamamahinga ay inihanda na namin ang mga katawan para sa night out. Pero bago ang lahat, nag fine-dining muna kami. Seafoods ang trip ng tropa.


Matatagpuan ito sa Torres.


At dahil sa matagal pang inihain ang pagkain ay nilibang ko muna ang sarili sa pagkuha ng mga larawan.


Click!

Click! Click!

At sa wakas, luto na ang foods. Pero bago ang lahat, picture-picture na muna and then LAMONAN na!!!!

Matapos kumain ay nagbar-hopping para matunawan. At sumunod na lang ang iba pang mga kaibigan para sa inuman session.


Madaling araw na kaming nakauwi. Masaya at lasheeng ang lahat. Pero kailangan pang bumangon ng maaga makalipas ang ilang oras para sa nakaantabay na gala. Ang pagpunta sa Malagos Rersort. Abangan!

Thursday, May 6, 2010

Godofreda


Needless to say but I just want the whole world to know that she is the greatest mother of all time in the universe. Just think of all the good adjectives that a mother could ever have 'coz that's what Godofreda is all about. Whenever there is one, she is perfect. She is ...my mom. I am ...her proud son. I love you Nanay! And to all the mothers out there...

Happy Mother's day!

Monday, May 3, 2010

A Red- Letter Day

Hep! Hep! Kalimutan muna natin ang pulitika, mga kaguluhan at problema sa buhay. Alam 'nyo kumbakit? Kasi birthday ko po noong isang araw hehehehe (masyado akong assuming)...Akala ko nga di na ako tatanda pero hindi na talaga napigilan ang pagtakbo ng panahon hehehe...

Hindi ko inasahan noon na magsi-celebrate pala ako ng birthday kasi bago pa man sumapit ang kaarawan ko sinabi ko na sa sarili na gusto ko ng tahimik na birthday . Pero lahat ng iyon ay nabali ng magsidatingan ang mga matagal ko ng di nakikitang mga kaibigan. Maalinsangan ang panahon at biglang napagkasunduan na magswimming. At dahil nga sa hindi napaghandaan, lahat ng handa ay puro binili sa malapit na tindahan (buti't bukas pa). Madaling araw pa lang ay laman na kami ng isang pribadong resort.


Pagdating namin sa resort ay kumuha na agad ng souvenir picture ang buong tropa...

...siyempre di mawawala ang chibugan at lasingan este inuman pala hehehe


...at ng medyo tinamaan na ay nagkakulitan hehehe...

Maya-maya ay nagswimming na para naman mahulasan...

Aming nilisan ang resort mga bandang alas 7 ng umaga. Umuwi ng bahay para matulog ng 2 oras at handa na uli ang tropa sa galaan. This time, nag-Enchanted Kingdom naman kami. Game na game pa rin ang lahat kahit medyo bangag.

Pampagising ng ulirat, ang Space shuttle. In-fairness nakatatlong ulit ako hahahaha...

At dahil birthday ko, di nakatanggi si afraid-of-heights friend ko na sumakay ng ferris wheel bwahahaha okay lang kasi may baon naman siyang supot hehehe...

Picture-picture uli bago sumalang sa Anchor's away hehehe...

Happy. Care-free. I am.

Ganoon lang ang nangyari sa kaarawan ko. Nakakapagod pero sulit na sulit. Ayos!Nakasama ko na naman ang mga kaibigan ko. Ang iba lumuwas pa galing Pampangga at Maynila para sa araw na iyon. At dahil doon, ako'y touch na touch hehehe...

Nagpapasalamat pala ako sa lahat ng bumati sa akin sa Facebook, mga nag -YM, nag E-mail, nagtext at sa mga tumawag, at sa mga tumawag na gamit ang ten centavo per second na promo ng Globe para lang ako'y batiin pero wish ko lang sana next time 'wag naman kayong magtipid sa kaarawan ko kasi bitin na bitin ang kwentuhan pag ganun pero ganunpaman salamat pa rin kasi nag-effort talaga para mabati lang ako at sa mga nagbigay ng geps sa akin MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Masayang masaya ako sa araw na iyon. Dama ko ang kahalagahan ko sa inyo. Yun lang po. Bow!



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner