Wednesday, July 7, 2010

Doon


Lately, marami akong sentiments sa work ko na kesyo ayoko na, hindi na ako masaya, bored na. Pero wala din akong magawa kundi magtiis at magpaalipin na muna kesa naman sa walang trabaho. Marami na nga akong pinagsasabihan ng sitwasyon ko pero halos lahat ng sinasabi nila ay kailangan ko lang daw magBREAK, mahirap daw maghanap ng trabaho and all kaya tiyaga tiyaga na lang daw muna...tama naman sila pero sana itong patience ko ay makakapag sustain pa ng ilang hibla... Siguro nga masyado lang din akong naging abala nitong mga nakaraang araw kaya ako nagkakaganito. Sa linya naman kasi ng ginagawa ko ngayon feeling ko tumanda na ako. Sighs!

Gusto ko tuloy umuwi sa amin. Parang ayaw ko na dito sa siyudad. Kaya naman minsan habang nakaupo ako sa opisina at pinagmamasdan ang mga matatayog na gusali ng Makati ay naiisip kong bumalik na lang kaya ako sa bukid? Doon kung saan si Jag ay minsang namuhay ng simple at payapa.


Doon sa kung saan puwede akong makipagharutan sa mga alagang kalabaw. Naalala ko tuloy noong kabataan ko. Muntik muntikan na akong mamatay (overstated haha) dahil sa muntik na akong masuwag ng kalabaw. Dahil sa kakulitan ko, pinipitik pitik ko kasi ng tingting ang puwet ng kalabaw. Sabi naman kasi makapal ang balat ng kalabaw kaya akala ko hindi ito masasaktan ngunit nagalit ito at muntik na ako tamaan ng kanyang matulis na sungay. Buti na lang nakita ako ng kuya at dagling inalis. Anim na taon lamang ako noon. Whew!

Gustong-gusto ko doon. Tahimik, masarap ang simoy ng hangin, malinis ang kapaligiran, malawak. Na-miss ko na ang tumakbo sa pilapil ng palayan at manghuli ng mga tipaklong na nagagawi doon.

Dito kami naglalaro ng mga kababata ko noon at nagtatampisaw.

O kaya sa tuwing umuulan ay nanghuhuli ng mga palakang bukid at ginagawang ulam pagsapit ng gabi. Kapag bumabaha naman sa sapa ay tuwang tuwa kaming magkakalaro na nagtatampisaw doon kahit pa ito'y maputik at maraming linta. Sa gabi naman ay wala kang maririnig sa labas ng kubo kundi ang mga huni ng kuliglig, hiyaw ng mga tuko at iba pang mga nilalang kung saan nagiging abala lamang tuwing gabi.

Gecko

Creepy. Slimy. Millipede.


Doon sa bukid ay marami akong naiwang magagandang alaala. At totoong miss ko na ang mga iyon. Sana nga makabalik pa ako doon. Sadyang nakakaaliw pagmasdan ang mga hayop doon.


Sila si Porky at si Best. Hindi ko alam kung buhay pa sila hehe...


Habang ako ay naglalakad ay nagpapansin naman itong si Ahassssss...


At sadyang kay gaganda ng mga tanawin. Ang titingkad ng kulay ng mga bulaklak. Namumukadkad ito sa ganda. Ang halimuyak na hatid nito'y nakakahalina.



Ang matayog na bundok sa kabilang ibayo na matagal ko ng ninanais maakyat pero parang hindi na yata matutupad. Sabi ng tatay ko marami daw bandido doon kaya delikado daw. Hays ewan! Totoo man o hindi ayoko na din mangahas, mahirap na.



Masaya doon. Simple man ang buhay ay nakakaraos pa rin. Hindi katulad sa siyudad, mabilis ang takbo ng buhay. Maunlad nga pero magulo. Nakakasulasok ang usok na nanggagaling sa tambutso ng mga sasakyan. Bawat kilos ay may katumbas na salapi. Kaya naman mas gugustuhin ko pa ring manirahan...DOON sa amin.

Buhay na buhay pa rin ang matanda at higanteng puno doon sa may sapa...

(Screeching sound) O siya, tapos na akong mangarap. Hindi pa pala ako tapos sa ginagawa ko. Work mode na uli. Pasensiya na pala medyo nawala ako ng matagal tagal. Ingat na lang kayo! Babuh! Mwah!


54 comments:

2ngaw said...

Eh kung ganyang tanawin ba naman ay talagang mamimiss mong balikan :)

Anonymous said...

haizzz.aq dn kuya e.. gustong gusto q umuwi pra mkpag charge :) haizzz bkt b nauso ang salitang stress?! ehehe..

preho pla kayo ni bugoy my konektyon sa kalabaw :)

Sendo said...

napakalaking milipede!!! goshes! haha....mga palakang bukid ^^! talagang iba ang buhay urban at rural ^^...kay laking mga tuko naman ..san ba bukid niyo hehe...relax lang muna behind those skycrapers hehe

Jag said...

@ LordCM:Tama ka jan parekoy! Miss ko na talaga hayz!


@ kayedee:Mabuhay ang mga stressed na tao hahaha...at teka sino si Bugoy?


@ sendo:nakakatuwa sila kasi d mo matatagpuan ang mga ito sa siyudad hahaha...yung bukid namin? sa Minadanao hahahaha...

Ingat!

CaptainRunner said...

Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Mas masarap talagang manirahan sa probinsya kaysa sa siyudad. Pero wala tayong magagawa. Limited ang mga trabahong naghihintay sa atin sa probinsya. Kung may makuha man tayo, hindi naman ito makasasapat upang makabuhay ng isang pamilya.

Subukan mo rin na maghanap ng ibang trabaho kung sa tingin mo na-reach mo na ang stress limit mo. Malay mo, may magandang kapalarang naghihintay sa iyo sa labas.

---
May kaibigan akong runner. May hika din siya noon, at ang pagtakbo ang naging susi upang mawala iyon. Baka gusto mong subukan.

Jag said...

@ Captain Runner: Tama ka limited lang talaga ang trabahong meron doon.

Naghahanap lang ako ng magandang tiempo pra sa next stage ko tatahakin...alam kong magagawa ko iyon...

Actually hindi na nmn ako inaatake ng hika cguro mga more than five years na kaso sa mga pinagtatatakbo nyo parang hihikain uli ako hahaha...

Salamat parekoy sa maganda mong comment...

Superjaid said...

nakakamiss naman to..ako din gusto ko ng magstay sa amin kaso wala eh..kailangang magaral..

Jag said...

@ superjaid: cge lang tulad ko magtiis k din muna...makakabalik k p nmn dun eh hehehe...

Ingat!

eden said...

I agree with you, ganda ng buhay sa bukid. Naka remember nalang ko sa akong life ug ting bakasyon mag bantay dayon sa humayan, sakay sakay sa kabaw ug manakop sa isda. Miss kaayo na nako. Igo nalang ko ron pag handum.

Agwanta lang una Jag kay sakto jud ka lisud mangita ug work karon. Hinay hinay lang ug apply pag may mga opportunities.

Thanks sa visit and leaving nice comment.

Jag said...

@ eden:Mao jud madam! Kutob n lng jud ta ani sa handum...hays!

Mao lagi pait jud ang kinabuhi karon maong lisod mangitag panginabuhi...

Daghang salamat!ingat!

EngrMoks said...

minsan talaga masarap mamuhay ng simple..walang stress..sarap sa probinsya..sarap mamuhay...

EngrMoks said...

minsan talaga masarap mamuhay ng simple..walang stress..sarap sa probinsya..sarap mamuhay...

Jag said...

@ Mokong: KOREK! Lalo pa't toxic ang trabaho maiisipan mo tlgang mnirahan in a stress-free life...hays!

glentot said...

Shit ung uod at yung tuko pang-horror hahaha ayoko nyan AFRAID!

Arvin U. de la Peña said...

pag isipan mo muna ng mabuti ang balak mo..pag magbakasyun ka uli ay sulitin mo ang mga araw na wala ka sa bukid..

Jepoy said...

puta habang nag lalakad may ahas?! WTF!!! Pero na miss ko din bigla ang probinsya, nasa maynila ka lang pala hindi ka manlang mag pakape!

Anonymous said...

kuya c bugoy ung nanalo sa.. san b un? eheh. bsta ung singing kontes sa pinas.. nag aalaga daw xa ng kalabaw sa province.. at now bonggang singer n xa ehehhe

Jag said...

@ glentot: hahaha...uod ok lng, tuko ayaw ko din nangangagat un eh hehe...


@ Arvin: Oo nga eh...susulitin ko talaga hehehe

Jag said...

@ Jepoy:hahaha cute nga eh may ahas hahaha...yaan mo pag may time ako...madalas kasi akong madestino dito sa Laguna....hays...


@ kayedee:kilala ko na xa hehehe ung sumali sa PDA dba? Nag-aalaga din pala un ng kalabaw hehehe...

NoBenta said...

emo mode ka nanaman parekoy. pero 'di kita masisisi kung ganyan naman kaganda ang lugar. sign lang 'yan na tumatanda ka na!

alam mo bang ang mga salmon, habang tumatansa sila ay binabalikan nila ang lugar kung saan sila pinanganak. kahit na miles and mils away na ito sa kung saan man sila napapadpad dahil sa agos ng tubig!

\m/

Jag said...

@ NoBenta: Tama ka parekoy tumatanda na ata ako haha...nakakatanda din ang trabaho ko hayz!

Oo napanood ko sa National Geographic yun one time about salmons...ganun nga sila hehehe...

Salamat sa pagdaan parekoy!

Rock on!

Dhemz said...

emo mode indeed....sarap balik balikan ang magagandang memories....:) just don't jump....lol!

enhenyero said...

ako ang mamumuhay sa bukid pansamantala...

Jag said...

@ Dhemz: ahahaha nakaktakot kaya tumalon madam hahaha...ako b ang nanalo sa pakulo mo? LOL...


@ enhenyero: masarap mamuhay sa bukid diba? hehehe...

betchai said...

we all go through that life's stages, wish you well and hope you will sustain the patience you have to keep on yet also continue pondering and reflecting to seek for where your heart's happiness is. Until both work and heart perfectly mesh.

Jag said...

@ betchai: thanks madam for the wonderful thoughts! yaan nyo po hahabaan ko pa po ang patience ko hehehe...

good day!

Anonymous said...

kua jag.. ksama ba sa pagpanalo sa kontes kung lht ng tag u eh magjojoin? dahl in dat case ggwa nko ng tag ko 4 d kontes..bka kc matalo ka coz of me! ehehhe.

Jag said...

@ kaydee: hahahaha ganun ba? SUGOI NA KORE! Amazing! hehehe...Ilan ba ang ni-tag mo?

Anonymous said...

done kuya! :)

Jag said...

@ kayedee: Enkyu! Enkyu berimats!

analou said...

The simplicity of life, Iyan ang na-miss ko sa lugar namin sa pinas. Dito sa Los ANgeles, Ca. life seems so fast. It's too crowded with people and cars...Haaayyyyyy.....life..

Arvin U. de la Peña said...

ito ang advice ko..kapag namimiss mo ang lugar na iyon ay makipag inuman ka na lang sa mga kaibigan mo,hehe..

Xprosaic said...

True! kaya nga mas masarap dito eh... may fogs pa! at pine trees! hehehhehehehe

Jag said...

@ analou: oo nga eh kaso parang mhihirapan akong bumalik sa bukid s bukid now...hayz...



@ ayu: oo nga eh mhirap iwan ang trabho hayz...ewan bhala n..

Jag said...

@ Arvin: tara inuman na! heheh



@ xp: wooo if I know nagrereklamo k n din jan hehehe...LOL.

fiel-kun said...

Ahoy parekoy!

Ang eksaktong tawag jan ay "burnout"... talagang minsan need mong magbreak sandali mula sa trabaho. Pero don't quit! ang hirap humanap ng work ngayon >_<

Wow, ang ganda pala sa province nyo. I also still remember dito sa amin tuwing tag-ulan nanghuhuli kami ng mga kalaro ko dati ng butete sa mga bakanteng lote na madamo at tubigan... tapos sa hapon naman, panghuhuli naman ng tutubi ang inaatupag namin hehe.

Ang sarap siguro magbakasyon jan sa inyo XD

Abou said...

ako gusto ko na mag syudad!!!

sawa na ako dito sa isla!!

:-)

Jag said...

@ fiel-kun:tama k parekoy burned out lang ako and guess what? nakapagBREAK na ako hahaha...saan? Abangan mo n lng ang kwento...

masarap tlgang sariwain ang mga mgagandang alaala sa kabukiran hehehe...

Ingat parekoy!


@ Abou: magkasalungat pla tau parekoy hehehe...knya knya lng cguro yan hehehe...

Salamat sa dalaw!

-Parts- said...

TAMA!? (Kris) Ako kelangan kaya ako ulit mklanghap ng preskong hangin sa bukid!? =)

Duka kaau, 5 cups n coffee n naubos ko... hehehehe

Jag said...

@ Parts: oo nga tito boy wahaha adik k! tagam! hahahaha...ako ky natulog r ko tibuok adlaw ug gipatay nko ang cp haha...dli jud mkaya gkpoy ko swear! pero nag enjoy sab haha!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

indeed, there is no place like home. ako nga din namimiss ng umuwi sa davao. matagal narin talaga akong di nakakauwi. hayyyy, i hope this october...

p.s. may post na ako about the tag.

pusangkalye said...

mukhang kulang nga sa break. laking probinsya din kasi ako kaya alam ko dahil ganyan din ako pag stressed na. na ho-homesick. kasi naman.sa probinsya, sarap matulog at simple lang lahat.

Jag said...

@ Ayu: hahaha executive ba? Parang kakaiba ang twist ng story n yan hehehe...cge panonorin ko yan...salamat sa info...hehehe...


@ Fr. Felmar: bitaw fad's tama jud k...wow hapit n makauli sa bukid si Fad's hehehe...salamat sa response fad's!

Ingat!


@ Pusangkalye:Tama ka parekoy!Masarap talaga sa bukid...makahanap nga minsan ng time para makauwi s amin hehehe...

Poldo said...

Yan ang pangarap ko ngayon ang magbakasyon sa probinsya o tumira sa probinsya..

Bago lang po dito bossing...:D

eden said...

Hello Jag!

Just dropping by to thank you for the visit and comment. Greatly appreciated, my friend. tc always

Jag said...

@ Poldo:Oo nga eh...sana matupad n yang pangarap mo hehehe...

Thanks sa unang dalaw!


@ Eden: Ingat din po kayo parati madam! Thanks!

my-so-called-Quest said...

parekoy, minsan kailangan tlaga nating umuwi at magpahinga. para makapagrecharge! :D

uwi na din ako bukas para di na ko emo! haha

Jag said...

@ my-so-called-Quest: Good for you parekoy! hehehe...kailangan pagbalik mo d n emo ha? LOL.

Unknown said...

whoa, im afraid sa snake...


it was then a wonderful experience for you i guess... tsaka ang ganda pa ng view...

san ito yung mga kuha mo?

mr.nightcrawler said...

at bakit may kasama kang naka-green na shirt? ay... teka... ikaw pala yun. naku naman... sorry ha? parantg magka-mukha na kayo nung kalabaw eh. hehe. Peace :P
Haayyy... minsan ganun talaga... nakakalungkot pero dapat kayanin natin. smile na... maganda naman ang view eh. hehe

Jag said...

@ tim: yes indeed! sa amin yan parekoy sa bukid! hehehe...


@ mr.nighcrawler: sa sobrang close nmin ng kalabaw naging magkamukha n nga kami bwahahaha...adik ka!

Tama ka smile smile kahit emo hehehe...

len said...

nikikilabutan talaga ako kapag nakakakita ako ng ahas, or something na like ahas... hehehe

Jag said...

@ len: hehehe...naku di ka pala pwede sa bukid namin hehehe...

goyo said...

ang ganda ng probinsya nyo sa mindanao.kainggit. Samin din maganda, pero wala kaming bukirin kaya wala akong mapasyalang ganyan.

Oo nakakainis talaga sa maynila, kada kilos kailangan ng pera! Hindi ka sasaya sa maynila kapag walang pera, ang mamahal ng bilihin.nakakasawang mamumhay dito. Gusto ko na matapos tong sem na to para makapagpahinga na sa pag-aaral..hays..nice post. Lakas mang-inggit.hehe. :D

Manlibre ka naman, lapit ng makati dito e. :P


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner