Sunday, March 21, 2010

Instant Reunion

"Feels like insomnia aahhh...Feels like insomnia aaahhh..." ang siyang gumising sa mahimbing kong tulog...nakailang ulit pang tumunog ang cellphone ko bago ko tuluyang dinampot.

"Jag, bakante ka ba today?", palambing na tanong ni KAIBIGAN. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya bagkus sinagot ko siya ng tanong din, "Ano bang meron?". Medyo garalgal pa boses ko nun. "Bumangon ka na nga diyan at samahan mo 'ko. Tayo ay magliwaliw!", hirit uli ni KAIBIGAN. "Pwede kayo na lang muna? Nakakatamad namang gumala ngayon, matrapik kaya.", angil ko. "Nakakatampo ka naman, minsan minsan ka na nga lang namin makasama tapos nagiinarte ka pa diyan!", sabat uli ni KAIBIGAN...

Hayun, napapayag niya ako na gumala kahit wala sa plano ang lahat. Araw ng mga puso iyon. Umangal ako sa idea na gumala that day kasi alam kong maraming tae este tao na nagdiriwang sa araw na iyon. Aside sa pagiging loveless na, I hate crowd din kasi. Feeling ko nasisinghot ko din ang carbon dioxide na ibinubuga ng mga tao sa atmosphere. At maalinsangan pa gawa ng bombardment ng molecules na likha ng mga ito. Gayunpaman, sumama na ako. Gusto lang palang magpatulong sa paghahanap ng magandang uri ng laptop. Sale daw kasi. Hayun, tumulak kami sa hotel este sa Megamol pala.

Dama ko na kaagad ang kakaibang aura sa loob ng mall. Parang ang saya ng lahat. May nagbibitbit ng mga flowers pati din ang all-time favorite ng lahat...ang chocolates. Naalala ko tuloy nung nag-Valentines ako sa Japan. Ang mga babae kasi ang nagbibigay ng tsokolate sa mga lalake tuwing araw ng mga puso. At ako'y mapalad na nabigyan ni Tanba-san. Tradition na daw nila iyon tuwing araw ng mga puso lalo na pag gusto nila ang lalake. At dahil sa wala naman akong maibigay kay Tanba-san kaya isang conservative na french kiss lang ang naibigay ko sa kanya hahaha...loko lang...ismak lang kaya pramis! Cross my heart, mamatay pa ang aso ng kapitbahay 'nyo hehehe...



Nakaramdam ako ng gutom nun kaya nagdemand ako na kumain na. At dahil sa ginawa lang naman akong chaperon ng mga SAWI din, nagpalibre ako haha....Kumain kami sa Mang Inasal.


Lumipas pa ang ilang oras at di ko inasahan ang pagdating ng mga kaklase. Biglang nagkayayaan lang din. Instant reunion. Halos may limang taon ko din silang di nakita. May tumaba, may sumeksi, at may lalong gumwapo (ako iyon haha). At this time, di ako nakatakas sa panlilibre. Hayz! Buti na lang punuan lahat ang mga mamahaling restaurant sa loob ng mall kaya bumagsak kami sa food court. Ayos! hehehe...

Videoke Galore!

Nabored ang lahat sa kakamasid sa mga sweet na sweet na couple sa mall kaya napagkasunduan namin na mag-inuman na lang with matching biritan. Sobrang namiss ko talaga ang mag-videoke kaya nag-all night long kami sa pagkanta...Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko na enjoy na enjoy sa pagkanta, pag-inom at pakikipagchikahan, natanong ko tuloy sa sarili kung may mga ganitong pagkakataon pa kaya sa mga susunod na taon? d:-I

42 comments:

EngrMoks said...

YAN ANG MASAYA AT MAHABA HABANG KWENTUHA, REUNION...sana magkareunion din kami ng barkada ko noong HS

Jag said...

@ Mokong: Tumpak! Malay mo in time magkikita kita kau...

Admin said...

Naks naman!

Iyan ang talagang mamimiss mo! For sure... Kasi minsan lang talaga ang mga ganyan :)

Jag said...

@ Mangyan Adventurer: Oo nga eh...kaso I know things will be different now...

Xprosaic said...

At least. wala ka man nung december pero parang ganun na rin yun... iba iba nga lang na venue at tingi tingi ang mga kameet jijijijijijiji

Jepoy said...

Susyal! Ako hidi manlang nakatikim ng libre!!!

Jag said...

@ xp: yeah ryt! atleast jijiji...

Jag said...

@ Ayu: Gudlak sa reunion nu...tiyak miss na miss nu n ang isat isa...

Jag said...

@ JepoY: Pacnxa na parekoy, busy pa rin kasi ako eh...kaya ayaw ko munang magcommit...

Arvin U. de la Peña said...

ibang klase ang pagkakaibigan niyo..samahang walang katulad..

Random Student said...

natawa naman ako dun: nakatipid sa foodcourt dahil puno ang mga resto

enhenyero said...

nakakamiss nga ang mag-videoke jejejeje

-Parts- said...

Sabi ko n nga eh bagay talaga kau ni jig2x!jijiji kaIBIGAN pala ha! hahahaha

Tingnan mo iyong first pic parang puzzle n nbuo.. hehehehe

Huhulaan ko singkit ang mata ng magiging anak nyo.. :p

Happy Monday!

2ngaw said...

Kaya nga ba gustong gusto kong umuwi sa pinas eh para makasama naman ang mga barkada :D

2ngaw said...

Kaya nga ba gustong gusto kong umuwi sa pinas eh para makasama naman ang mga barkada :D

DRAKE said...

Naks pre mukhang enjoy na enjoy mo ang bakasyon mo ah!

Basta enjoy lang ng enjoy hanggang huli, at least magagamit mo ang mga memories na yan pagbalik mo ng Japan!

Ingat parekoy!

Jag said...

@ Arvin: SAN MIGUEL BEER hehehe...


@ Random Student: hehehe kuripot kasi ako eh hehehe...

Jag said...

@ enhenyero: may videokehan nmn siguro jan sa singapore hehehe...kaso mahal ata?



@ Parts: ...at daig mo pa si John Lapus sa pang-iintriga ah? adik! hehehe...

may nalalaman ka pang puzzle jan syatap! : )

Jag said...

@ Lord CM: Malapit ka ng umuwi parekoy! Weee!



@ Drake: So true! Pero madyo matagl tagal pa akong makakauwi este makakabalik pla ng Japan hehehe....

Superjaid said...

aww..btui pa kami ng mga hs friends ko nagkikita kita pa rin..sabagay college palang naman kami..di pa super busy..hehehe

eden said...

Enjoy and relax ka lang dyan. yan ang na mimiss ko, ang friends and classmates, videoke at lalong lalo na ang SMB nga naghilak hilak sa katugnaw..

salamat sa dalaw at comment. have a nice day always

pusangkalye said...

nalala ko tuloy nung pagkagaling namin Singapore. biglang napansin ko yung mga basura....dati parang wla lang. hehe

a talaga? me binigyan ka ng FRENCH kiss? ahehe. dyan naman magaling ang PINOy---good kissers and good lovers talaga tayo. ehhe

Jag said...

@ superjaid: kaya savor each moment na magkkasama kau ng friends mo...

Jag said...

@ eden: hehehe...korek ka jan!


@ pusang kalye: ahahaha now u know hehehe...Ayos!

Reagan D said...

videoke trip+chibog+inom+friends= perfect combo!

Jag said...

@ manik: korek! apir!

Unknown said...

hehehehe, tataba ka na talaga yan.. at sarap pa ng pagkain ah..

happy chibugan!

Choknat said...

minsan mas masaya pa pag instant kesa planado, baka maudlot pa eh.

mr.nightcrawler said...

masarap talaga pag may reunion... puwera lang kung may inutangan ka o may ex ka dun sa barkada... tago muna tayo! hehe

glentot said...

Oi bagay sila nung nakapink hahaha

RHYCKZ said...

huwaw sarap naman ng pulutan, pangmayaman, tortillos at fish cracker...hehhehe, gayunpaman, halatang enjoy ka naman
kaya go lang ng go pag may magyayaya...

goyo said...

haha. ang ganda ng tirada mo dun sa 'deretso sa hotel'. natawa ako.hehe.
nice reunion.. :)

Jag said...

@ tim: hehehe sila lang ang pinakain ko tipid akoeh joke! hehehe

Jag said...

@ choknat: oo nga mas mainam p nga minsan ang ganun hehehe...thanks sa pagdalaw...

Jag said...

mr.nightcrawler: Aha! ganun ka ano? Marami kang pinagtataguan. Ang hirap tlga ng habulin hehehe...

Jag said...

@ glentot: mga tao kami pre hindi bagay *corny noh* hehehe

Jag said...

@ SCOFIELD JR.:Oo nga eh go lng ng go...pero ngayon medyo busy n ako kaya pass pass muna hehee...

Jag said...

@ goyo: Atleast sa hotel at hindi sa motel sosyal pa rin dba? hahaha...

Arvin U. de la Peña said...

hanep ang friendship ninyo..

Jag said...

@ Arvin: Kakaiba ba? hehehe...

gege said...

all time favorite!!!

MANG INASAL at VIDEO-OKE.

ayun!

saya naman nyan!!!

haaaaaaist.
namimiss ko na mga kaklase ko, ngayun pa lang.

:PPP

Jag said...

@ gege: Hanep sa bagong pic ah? hehehe

namiss mo n kaagad sila?


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner