"Feels like insomnia aahhh...Feels like insomnia aaahhh..." ang siyang gumising sa mahimbing kong tulog...nakailang ulit pang tumunog ang cellphone ko bago ko tuluyang dinampot.
"Jag, bakante ka ba today?", palambing na tanong ni KAIBIGAN. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya bagkus sinagot ko siya ng tanong din, "Ano bang meron?". Medyo garalgal pa boses ko nun. "Bumangon ka na nga diyan at samahan mo 'ko. Tayo ay magliwaliw!", hirit uli ni KAIBIGAN. "Pwede kayo na lang muna? Nakakatamad namang gumala ngayon, matrapik kaya.", angil ko. "Nakakatampo ka naman, minsan minsan ka na nga lang namin makasama tapos nagiinarte ka pa diyan!", sabat uli ni KAIBIGAN...
Hayun, napapayag niya ako na gumala kahit wala sa plano ang lahat. Araw ng mga puso iyon. Umangal ako sa idea na gumala that day kasi alam kong maraming tae este tao na nagdiriwang sa araw na iyon. Aside sa pagiging loveless na, I hate crowd din kasi. Feeling ko nasisinghot ko din ang carbon dioxide na ibinubuga ng mga tao sa atmosphere. At maalinsangan pa gawa ng bombardment ng molecules na likha ng mga ito. Gayunpaman, sumama na ako. Gusto lang palang magpatulong sa paghahanap ng magandang uri ng laptop. Sale daw kasi. Hayun, tumulak kami sa hotel este sa Megamol pala.
Dama ko na kaagad ang kakaibang aura sa loob ng mall. Parang ang saya ng lahat. May nagbibitbit ng mga flowers pati din ang all-time favorite ng lahat...ang chocolates. Naalala ko tuloy nung nag-Valentines ako sa Japan. Ang mga babae kasi ang nagbibigay ng tsokolate sa mga lalake tuwing araw ng mga puso. At ako'y mapalad na nabigyan ni Tanba-san. Tradition na daw nila iyon tuwing araw ng mga puso lalo na pag gusto nila ang lalake. At dahil sa wala naman akong maibigay kay Tanba-san kaya isang conservative na french kiss lang ang naibigay ko sa kanya hahaha...loko lang...ismak lang kaya pramis! Cross my heart, mamatay pa ang aso ng kapitbahay 'nyo hehehe...
Nakaramdam ako ng gutom nun kaya nagdemand ako na kumain na. At dahil sa ginawa lang naman akong chaperon ng mga SAWI din, nagpalibre ako haha....Kumain kami sa Mang Inasal.
Lumipas pa ang ilang oras at di ko inasahan ang pagdating ng mga kaklase. Biglang nagkayayaan lang din. Instant reunion. Halos may limang taon ko din silang di nakita. May tumaba, may sumeksi, at may lalong gumwapo (ako iyon haha). At this time, di ako nakatakas sa panlilibre. Hayz! Buti na lang punuan lahat ang mga mamahaling restaurant sa loob ng mall kaya bumagsak kami sa food court. Ayos! hehehe...
Videoke Galore!
Nabored ang lahat sa kakamasid sa mga sweet na sweet na couple sa mall kaya napagkasunduan namin na mag-inuman na lang with matching biritan. Sobrang namiss ko talaga ang mag-videoke kaya nag-all night long kami sa pagkanta...Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko na enjoy na enjoy sa pagkanta, pag-inom at pakikipagchikahan, natanong ko tuloy sa sarili kung may mga ganitong pagkakataon pa kaya sa mga susunod na taon? d:-I