Wednesday, June 15, 2011

Correlated

Naalala ko lang noon habang nakikinig ako sa mga kuwento ng mga tao na nasa waiting area ng ospital. (tsimoso lang?) Pinag-usapan nila ang tungkol sa babaeng napabalitang  nagpa-ligate matapos manganak sa una at kaisa-isa nilang anak. Ayaw na daw kasi manganak uli ni misis kaya nagpa-ligate na siya, of course with the permission of her husband din. Ok na daw sa kanila ang magkaroon ng isang anak. Natatakot sila na baka dumami pa anak nila 'coz they're both young pa daw  at masyado pang ma-El Filibusterismo. ( Belated Happy Independence day pala sa lahat! Haha!)

Saksespol ang pagkapon este pag-ligate sa mommy na iyon. Naisip ng mag-asawa na puwede na silang mag-wifi access sa isa't isa any time they want. Unlimited na din ang pag enter-net ni daddy kay mommy dahil kampante na silang walang mabubuo sa gagawin nilang calorie-burning activity

Comes second day after manganak ni misis. Biglang nagkulay blue si baby at hindi na gumagalaw. Hindi matukoy kung ano ang dahilan. Iyak ng iyak ang mag-asawa dahil tuluyan na silang nilisan ng kanilang munting anghel. Nagsisisi sila sa ginawang pagpapa-ligate sa asawa dahil kailanman ay hindi na sila makagawa uli ng baby. 

Pero sa tingin ko may option naman para magka-baby pa sila. Una. Magpa-opera uli si misis para idugtong ang tubong pinutol. Pero alam ko this requires a lotta MONEY. At hindi rin nakakasigurong walang komplikasyon sa gagawing operasyon. Pangalawang option. Pinakamadaling gawin at hindi masyadong magastos. Maghire si daddy ng partner kung saan siya puwedeng makapag enter-net. (Happy Father's Day pala sa lahat ng mga ama diyan haha) Siguraduhin niya lang na 'yung ini enter-netan niya ay talagang may matres. Napanood ko kasi yung post ni Ungaz  dati tungkol sa Adan na nagpa-Eba. Masarap ngang manood nun habang kumakain eh. May pinutol, ginupit,  at tinahi. Bloody shi*t talaga. 

Hayun kung ano ang ending ng mag-asawa? Hindi ko alam. Bah! Malay ko ba! Wala akong time para sa mga walang kwentang tsismis na yan! Pramis! Haha.


Sa kasalukuyan, maiko-correlate ko sa aking buhay ang malungkot na nangyari sa mag-asawa. Minsan kasi may tatlo akong lappies. Ibinenta ko ang dalawa (yung dalawang kulay itim sa picture) dahil hindi ko naman masyadong nagagamit ito. Hindi ako nahirapang ibenta ito sa mga kapatid ko kasi mura  lang bigay ko sa kanila at  good as new pa ang mga ito. Ang natira sa akin ay ang white na lappy.

Isang araw...nakakapagod na magkuwento...ah basta bigla na lang nasira ang white lappy ko. Wala na tuloy akong magamit ngayon. THE END.

Saturday, June 4, 2011

Ma-Panglao

Ma-Panglao dahil tahimik at hindi ma-tao...


Ma-Panglao dahil binigyan MO ako ng pagkakataong makapagmuni-muni sa saliw ng musika na nilikha ng mga alon sa dagat...


Ma-Panglao dahil  mag-isa kong nasaksihan ang kagandahan MO...



Ma-Panglao dahil iniwan KITA....



Ma-Panglao ang siyang nararamdaman ko ngayon dahil ang lahat ng mgagagandang alaala na idinulot mo sa akin ay isa na lamang gunita ngayon... 

Panglao Island. My perfect getaway that was...







LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner