Sadyang nakakatuwa 'pag nakakakilala at nagkakaroon ka ng mga kaibigan buhat lamang sa pagsusulat dito sa blogosperyo. Ewan, pero nae-excite talaga ako na makakilala ng mga tao coming from different walks of life na tumatampok sa bawat blog nila. Ang blog na sumasalamin sa pagkatao ng bawat isa. May nakakatawa. May nakakaawa. May matalino. May jologs. May mabait. May nakakainis. May pa-cute. May f***ing bullsh*t. May matino. May crackhead. May whiner. Mayroong steady lang naman. May parang utot lang na sumingaw at biglang humalo sa atmosphere. Meron din namang showy. May sosyal. Mayroon ding TH. May blue. May kulay pink. May masipag. May tamad. May puti. May batik-batik. Ang bawat isa ay may titulo sa kani-kanilang BLOGS. And it's how they're representing themselves kaya iginagalang ko iyon. At kayo na bahala mag-isip kung saan kayo nabibilang sa mga nabanggit ko haha...Sige na nga ako na lang lahat 'yun para wala ng gulo. LOL.
Akala ko noon wala ng mas sasaya pa sa pabasa basa lang ng mga sulatin at pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa mga taong nakikilala lamang sa world wide web. Ngunit meron pa pala. Mas masaya pala ang makadaupang-palad ang mga taong nasa likod nito. Oo. Mas masaya ang BEB kumpara sa SEB. Pramis! (Huweh?)
Noong Dec. 28, 2010, nagpatawag ng pagtitipon ang mahal kong nating kong nating si Roanne (haha baka magalit si Drake joke lang 'yun oops! hehe) sa mga super amazing bloggers (siyempre kabilang na ako dun).
Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya hindi lang sa dahil tatanggap ako ng premyo mula sa pagkapanalo ko sa kanyang pakulo sa blog kundi magandang pagkakataon na rin iyon upang makakilala at makita ang mga matagal na nating sinusubaybayang manunulat.
Naroon sa unang pagkakataon, nakilala ko si Kuya
Chingoy kasama ang kanyang chikiting. Siya pala ang tinutukoy ni XP na ka-
berts niya hehehe...
Bigtime itong si kuya, nakatira ito dati sa pangmayamang
subdivision sa Metro Davao. Oops!
Me and my big mouth hehehe...Pero ito lang ang masasabi ko, marami talagang
pugeh sa Davao di ba kuya? *
double wink*
Nandun din si
Bulakbolero. Tisoy (naks pasalubong ha from SG hehe). Liban kay Jepoy, isa rin sa siya sa mga naging inspirasyon ko na mag-
pursue pa rin ng
career sa SG kahit bumagsak ako sa
application ko noon.
Rich kid. Nag-iwan siya ng pang-toma namin hahaha...Salamat bosing! Pero pramis! Nahiya naman ako ng
super slight 'nung sinabi kong ang ingay ingay niya sa
tweeter knowing wala pala siyang
tweeter account hahaha...sorry naman hehehe...Napaghalata tuloy hehehe...
Si
Andy. Ang
maniniyot* sa gabing iyon. Masaya. Makuwela. Siya na ang batang bibo.
Cute daw siya 4
years ago. Anong nangyari ngayon? Haha
joke lng parekoy...Ganunpaman, iboboto pa rin kita for
Laboyboy's 100 Handsome Pinoy Blogger. Naks!
Suggestion, yung pang
yearbook na
photo mo ang gawin mong
profile pic para mas marami ang buboto hahaha...
But I really admire his photography...ang galing!
Si
Ahmer ng WAIT. Kamukha niya yung RnB
sensation ng GMA hehe...Binigyan niya ng kaunting
twist ang
dinner 'nun
. Siya ang tumayong Santa Klaws 'nung gabing iyon. Namigay siya ng mga aguinaldo sa aming lahat. At ang natanggap ko mula sa kanya ay heto...
Kung ano daw ang natanggap ay magre
reflect sa kung anong uri ng pagkatao meron. Sa tingin 'nyo bakit kaya gamot sa pagtatae ang natanggap ko? Hahaha...
I really had fun parekoy! Hindi ko ito gagamitin. Ipapa-
frame ko lang hehehe...Maraming salamat! Aba teka isa ka rin pala sa mga nominees ng top 100 handsome pinoy bloggers pati si Glentot. May kasunduan ba kayo? hahaha...joke lng...
Huli man daw at magaling nakakahabol din. Si Madz o
Heartlesschiq . Sa second part na siya umabot, ang inuman
session. Na-
meet ko na siya noong PEBA
night pero nitong huli lang talaga kami nakapag-usap...mayumi siya.
Title pa lang ng kanyang
blog ay may kakaiba ka ng mapapansin. Akala ko noon c
har char lang yung dalawang "O" sa MOODSWINGS niya pero may kahulugan pala talaga yun hehehe...
Na-
shockedness ako nang malaman kong
BISDAK* pala itong si
the unpure one Khacai nung huli niya akong binati. Na-
shy ako noong gabi sa kanya kaya hindi tuloy ako nakapag
request na kantahin muli ang Baby Baby hahaha...Pero ang
hawt pala talaga niya sa
personal hehehe...
She deserves to have 4 pets in her life hehehe...
Charming. Maganda.
Positive lang palagi. yan si
Roanne .Isa sa mga matagal ko ng sinusubaybayang kuwento. Nasa Japan pa ako noon.
Second time ko na din siyang nakita. Kakabalik niya lang sa MO land ngayon. Siya ang
mastermind ng BEB.
Para sa akin, inspiring ang kwento niya sa mga naging karansan niya bilang isang estudyante sa isang
exclusive school noon
. Kung ano man ang narating niya ngayon,
she deserves it. Maraming maraming salamat sa
dinner, sa premyo at sa mga pasalubong mo. <---(Kaya naman pala puro papuri si Jag eh may natanggap palang pasalubong hahaha
joke lang Roanne). Ibahagi ko lang ang mga binigay niya sa akin...
|
Congrats pala Roanne sa dot com mo hehehe... |
Si Marvin the
kikilabotz. Una ko ding nakilala noong PEBA night pero nitong pangalawang
meeting ko lang din siya nakaututang-dila.
Talented. Artistahin
like me. Lamang lang siya ng 1/4 na paligo sa akin. LOLZ. Sa mga likha niyang kwento
about the Ipis-ipis
thing ay mamamangha ka talaga. Kaya naman pala, kasi may pinaghuhugutan. May kaunting
touch ng kanyang
personal experiences ang natunghayan natin sa seryeng gawa niya. Pero paumanhin talaga parekoy kung nung una ay hindi talaga ako naniwalang sa MMDA ka nagtatrabaho. Akala ko talaga nagbibiro ka lang nun.
Sila lang ang mga na-
meet ko. Kthanksbye!
Haha!
Siyempre dumalo din ang mga dakilang
writers natin. Si
Ollie,
Glentot at si
Jepoy. Nakilala ko na sila
before. Tinamad na akong gumawa ng
review about them kaya 'wag na lang hahah
Joke! Imposibleng hindi naiimbitahan ang mga ito sa tuwing may
blogger na nagnanais na makakita ng
bloggers sa personal... Nagawan ko na kasi sila ng
review dati kaya mag
back read na lang kayo hehehe...Maraming salamat pala Jepoy sa
cute na regalo mo sa akin. Bagay na bagay siya sa librong kakabigay lang din sa akin. Heto yun o mainggit kayong lahat...
|
Croc na bookmark pamasko ni Jepoy. |
At bago ko tapusin 'to, pasisilipin ko muna kayo kung gaano kasaya ang sinasabi kong masaya sa BEB. Heto na...
Tampok ang mga sikat na
bloggers: Kuya Chingoy and his kid, Roanne, Andy, Ahmer, Bulakbolero, Jepoy, Khacai, Glentot, Marvin, at Oliver...
Maraming Maraming Maraming salamat sa inyo
guys! Masaya ako at naging bahagi kayo ng buhay ko sa 2010. Hanggang sa muling pagkikita.
Happy 2011 sa lahat!
PS:
Pasensiya kung ngayon lang uli nagparamdam si Jag. Marami lang siyang pinagkakaabalahan lalo pa't kakalipat niya lang uli sa trabaho. Hayaan 'nyo magkukuwento siya tungkol dito. Labia Majora! LOL.
* maniniyot- Visayan term for photographer.
*BISDAK- Bisayang Dako or simply means Visaya.