Monday, November 29, 2010

The Demonic Angel


Larawan pa lang alam mo ng may kasamaan ang laman ng post na ito. Isasalaysay kasi dito ni Jag ang mga kawalanghiyaan niya noong kabataan niya lol. Oo kayo na ang malinis at siya na ang may marungis na kaluluwa. LOL. Bakit kamo Demonic Angel? Kasi gumawa siya ng masama para sa ikabubuti ng iba. Meron bang ganun? Haha...'Yun kasi ang paniniwala niya NOON haha...Mas masama kasi pag Angelic Demon ang pamagat kasi kahit na ano pa'ng magagandang adjectives ang gamitin sa isang demonyo, demonyo pa rin ito haha...Pero paalala lang, kuwentong nakalipas ang mababasa dito kaya 'wag 'nyo siyang husgahan kung ano man ang nagawa niya noon. Mabait na kasi siya NGAYON. lol.

PROTEIN STAIN (Rated PG)

Anim kaming magkakapatid na puro lalake (hindi halatang masipag ang mga magulang ko). Panglima ako. Pero sa lahat ng magkakapatid, 'yung pangalawang kapatid ko ang pinakakalaban ko. Lagi kaming nag-aaway noon at minsan pa nga umabot pa sa pagbabatuhan ng vase. Ganoon kami maglambingan. Ang sweet noh? Grade 3 lang ako at hayskul na noon si kuya. Bossy itong si kuya. Ok lang sana 'yun kaso sa tuwing may ipag-uutos itong si tatay sa kanya ay palagi niyang ipinapasa sa akin. At dahil sa masunurin akong bunso ay wala akong magawa kundi ang magpaalipin sa kanya kahit labag sa kalooban ko. LOL. 

Isang tahimik na hapon may narinig akong kakaiba sa kuwarto ni kuya. Isang tunog na animo'y asong nagkakamot ng kanyang galis * scratch scratch scratch*  pero may ritmo ang tunog na nililikha nito. Akala ko nakapasok lang si rimshot noon sa kwarto ni kuya pero nung bubulagain ko sana ang aso ay ako ang nabulaga sa nakita. Si kuya pala, nakita kong nakatayo at nakababa ang shorts habang hawak hawak ang kanyang putotoy na ibinalot niya sa kurtina (he's sooo pig haha). Nahuli ko si kuyang nagtitikol. Panay ang pagpapatahimik niya sa akin noon. Pero hindi ako pumayag na basta ganun na lang. Gumawa ako ng kundisyon. Hindi na niya ako maaring utusan sa tuwing may ipag-uutos si tatay. Minsan pa nga ako na ang nang-uutos sa kanya haha kasi kung hindi siya susunod isusumbong ko  talaga siya kay nanay haha...sa murang edad ay alam ko na ang mam-blackmail hahaha...

At dahil sa ginawa ko, hindi na rin nahihirapan magtanggal ng mantsa yung labandera namin dahil hindi na doon gumagawa si kuya ng mantsa at bumait na rin si kuya sa akin LOL.


LIPISTIK (Rated GP)

Grade 4 na ako noon. Problema naman ay itong si bunso namin. Nagiging ugali na kasi ng bunso namin na tumatakas ng bahay na kahit may natuyong laway pa sa pisngi ay nakikipaglaro na sa labas. Ayaw na ayaw talaga ng nanay na lumalabas kami ng bahay na di pa nakaligo at nakaayos kasi ayaw niyang makita kami ng kanyang mga amiga na dugyot na nakikipaglaro sa labas. Gusto niya maayos kaming tingnan. Pero matigas ang ulo nitong si bunso. Hindi na alam ang gagawin ni inay.

Dahil batang Ovaltine ako noon, may biglang nag pop na bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. TING! May naisip na akong paraan kung papaano masu-solusyunan ang problema ni inay kay bunso. Kinuha ko ang lipistik ni nanay at ginuhit guhitan ko ang mukha ni bunso habang himbing na himbing itong natutulog. At alam na kung ano ang sumunod na nangyari nung lumabas siya at naglaro haha. Simula noon ay natuto na si bunso...Bwahaha!

And they lived happily ever after. LOL.

Yun lang muna ang ibabahagi ko. Tinamad na akong mag-type. Kung bakit ko nasusulat 'to? Namimiss ko lang kasi ang  family ko. Hiwa-hiwalay na kasi kami ngayon. Busy ang iba kong kapatid sa  pamilya  nila at sa trabaho. Ako, malapit na ring maging busy (naks). Marami kami, kahit magulo ay masaya naman sa aming tahanan noon.

Naalala ko noong maliliit pa kaming magkakapatid ay kumukuha si nanay ng mga katulong pero nung lumaki na at nagka-isip na kami ay pinalayas na niya ang mga ito, natatakot siya kasing baka lalo kaming dumami sa bahay. LOL. Ngayon, malungkot na  sa bahay kasi tatlo na lang sila. Si tatay, si nanay at si bunso. Hays!



Extra: 

I already greeted him but I just want to say it again here. Happy 65th birthday to my dad on Nov. 25. I  LOVE YOU TAY!

Monday, November 22, 2010

Pool and Pool Pahtey!

Labing apat lang na katao ang nakadalo sa nasabing party. Karamihan ay nanggaling pa ng Maynila at medyo na-traffic lang kaya medyo late na rin nasimulan ang pagdiriwang. Pasado alas nueve na nang makumpleto ang grupo.


Dahil totally bumness ang lolo 'nyo kaya ako na ang nag-organize ng party sa unang pagkakataon. Hindi na rin nakatanggi sa hiling ng isang kaibigan. Wala din naman akong ginagawa sa bahay. Ang hirap pala mag-organisa. Nakakapagod. Mula sa lokasyon, sound system, pati sa pagkain at iba pang pa-epekpek ay ako ang gumawa. Congratulations to myself at nagustuhan ng bonggang bongga ang ginawa ko. ( Salamat sa pang-uuto nila lols) . Nawala ang pagod ko kahit papaano.

Sobrang na-miss ko 'to.


 Kainan...Inuman...Sayawan...Laro...Kantahan...Sisiran (lol)...


Aba teka ano nga ba ang meron at bakit may ganito pang party-party na nalalaman? Who's party was it ba? ( kumu-conio haha)

Me and the birthday celebrator.
Alam na...

Happy Birthday Tetashi!!!

Extra:

Many thanks to Stephie Traveliztera for giving me the awesome "Versatile Blog Award". Ingat ka dun ha sa pupuntahan mo...sana di mo kami kalimutang mga fans mo hehehe...God Bless! 

Wednesday, November 17, 2010

A Bum's Life

Good only for ME.
Araw-araw. Walang ginagawa. Late na kung gumising. Kain. Tulog. Tikol  Nood ng TV. Magbrowse sa Internet. Humilata. Makipaglaro sa aso. Ligo. Tikol uli Tulog. Tulo-laway. Gigising. Kakain. Papalaki ng kuwan...Makipaglandian. Adeek. Mang-aadeek. Mag-iinadeek. Kaadeekan. Adeek-adeekan. Tanggap na sa isang Telecom Company nang sapian ng masamang hangin biglang nag-withdraw. Bum na uli. Balik adeek. Mang-aadeek. Mag-iinadeek. Kaadeekan. Adeek-adeekan. Ang saya-saya!
.
Kaya lamon kung lamon hanggang sa maging baboy. Pero meron pa ring hinahanap. Gusto ay maruya ngunit walang makita. Pakiusap ipadala na kung meron kayo diyan. Now na! P.S. Yung maraming asukal ha? Oh! kay ligalig (facepalm)...

Sunday, November 14, 2010

What's It All About?

Photo credits: Google
I was wondering. I was wandering. I'm incognizant to where I am going. I kept on walking until the picture  I see appeared to be bold-- found myself walking through a hospital hallway. There I saw a friend whom I haven't seen for years crying. I asked him why while trying to give him comfort. He didn't say a single word. Instead he grabbed my arm and took me to a cold, dark room.  I can only see few silhouettes caused by the moonbeam passing through the glass window. Fear started to crawl all over my skin when I saw this young, beautiful man lying naked on a tiled table. He was familiar. He was... me. Cold. Lifeless.

When I opened my eyes, everything morphed into a place that I have always known, my bedroom. It was only three in the morning when I woke up from that bad dream, a very bad dream.  : (

Tuesday, November 9, 2010

Boracay Isn't Bora 2


"Ang babait pala ng mga tao dito sa Bora noh?" sabi ko kay manong bangkero matapos na siya'y tulungan ng kapwa mga bangkero na itulak ang bangka na sinasakyan namin papunta sa laot. "Ser? Alin po? Bora?", panganglaro ni manong sa akin. "Oo dito sa islang ito", ako. "Ah, dito sa Boracay", sagot naman ni manong. "Ser, hindi po ito Bora, nasa Boracay po tayo" kanyang pagpapatuloy. Gusto kong tumawa ng mga panahong iyon pero pinigilan ko na lang baka ma-offend si manong. Wala na ding idinugtong si manong kasi naging abala na siya sa bangka. Pero sa likod ng aking isipan ay napatanong din ako bakit nasabi iyon ni manong. 

Nag-island hopping ang grupo noon. Hindi naman sa unang beses kong gawin ang ganitong trip pero naexcite ako nang malaman kong madadaanan daw namin ang resthouse ng idol kong si Manny Pacquiao sa kabilang panig ng isla. Pawang eww at tawanan ang mga chikabebe nang malaman nilang iniidolo ko si Manny. Dahil dun niloko ko ang isa sa pinakamaarteng chikabebe. Sabi ko sa kanya, "Kung bibigyan ka ng 10 million pesos ni Manny upang tumihaya  papayag ka ba?". "EWWWWWW!!!! Hindi ko siya type noh!" ang pasigaw na sagot niya. "Kahit doblehin niya pa, ayoko pa rin!" dagdag niya. Tawanan ang buong grupo. Hindi halatang affected si maarteng chikabebe sa ibinigay kong scenario haha.

Sa aming paglilibot, lumantad sa aking paningin ang magagandang tanawin...

Andami talagang magagandang tanawin haha...
Maya-maya lang ay narating na namin ang nasabing resort ni idol. Namangha kaming lahat. Ang ganda. Ang lawak. Ang laki. Pero walang katao-tao dito. Biglang humirit itong si maarteng chikabebe. "Jag, tara hanapin natin si Manny baka nandiyan sa loob. Kahit 5 Million lang payag na ako". Aba ang gaga biglang nagbago ang isip at tumawad pa? Haha. Tawanan ang lahat. Umabot sa tatlong oras din ang nasabing island-hopping kasama na doon ang snorkeling. 

Sadyang kay ganda ng isla. Kahit ang mga sikat na artista ay dumadayo dito. Kaya naman isa sa mga layunin ng isa kong kaibigan ay makapagpa-picture sa kung sino mang artistang makadaupang- palad niya. At hindi nga siya nabigo. Nagawa nga niyang makakuha ng souvenir pictures sa mga iniidolo niya. Mind you, tatlo sila. Halina't tayoý magbilang...

Isa. Si Derek sa isang bar doon.

Dalawa. Si Christine habang nagpapa-henna.

Tatlo. Ang umalma panget!LOL.


Pero nakatawag-pansin sa akin ang mahahalagang paalala na nakadikit sa gilid ng barge. Kaya pala napagsabihan ako ni manong. Now I know. Ang galing talaga ng mga tao doon. Sila ay marunong magpahalaga at magpreserve hindi lang sa kung anong meron ang isla kundi pati na rin sa pangalan nito.


Extra's:

Wooot! Tumanggap uli ng parangal ang inyong lingkod. Maraming Salamat Ishmael Fischer Ahab ng Before the Eastern Sunset    para sa  "One Lovely Blog Award"...I lilly lilly lilly like it! LOL. I really appreciate it. Hindi ko akalaing bibigyan mo ko ng ganoong parangal (teary-eyed lol)...but really thank you! :)

Super thank you din kay sir Pong ng Mizpah dahil sa paggawad sa akin ng "Versatile Blogger Award" (naks). Matagal na pala niya itong ibinigay pero nitong huli ko lang nalaman (buti nabanggit  niya sa akin hehehe).Pasensiya kung hindi ko pala nabasa ang post  tungkol dito. Abala lang ang lolo hehehe...Thank you!

Saturday, November 6, 2010

Boracay Isn't Bora


Sa totoo lang wala sa plano ko ang pagsama sa Boracay. Pero dinaig pa rin ako ng pangangati ng kuwan ko ng... mga paa ko kaya gomora na ako kasama ang ilan sa mga kaibigan. Tamang tama kasi mahaba-haba din ang bakasyon dahil sa undas. Sinamantala ko na din ang pagkakataon baka kasi hindi na kami  magkikita-kita  ng mga kaklase sa darating na Disyembre (reunion kuno).

Nakakatawa kasi noong araw mismo ng lipad namin papuntang Aklan ay naiwan pa itong isa naming kasama gawa ng nahuli siya. Buti na lang nakapag-chance passenger siya sa sumunod na flight at nagmulta lang. Dahil nauna  nga kami ay kinailangan pa naming antayin ang naiwang kasama ng apat na oras pa sa Kalibo Airport. Sighs! Bagot much!

Nagutom sa kahihintay sa kasama.
Alas sais na ng gabi nang dumating ang kasama namin sa paliparan. Dumeretso na agad kami sa Caticlan. Halos dalawang oras din namin binuno ang pagpunta sa nasabing lugar lulan ng isang pampasaherong Starex.
 
Ang sabi ng bubwit dito daw naka-check in si Madam Auring.
 Alas otso na kami nakarating sa isla ng Boracay. Nagutom ang grupo kaya iisa lang ang nasa isip ng bawat isa--ang lumamon. Tumambay kami sa isang maliit na kainan. Ngasab, kuwentuhan, tawanan. Napagtanto ko na ang iba sa mga kaibigan ay may ilang taon na din palang hindi ko nakikita.  

Super spicy squid with mushroom.

10 Pesos lang ang punch. Pramis!
Maaga pa ang gabi at masarap pang makipaglandian gumala kaya naglibot libot muna kami. Hinanap ko din si Madam Auring at ng makapagpa-souvenir picture (LOL) kaso lumalalim na ang gabi at hindi ko pa rin siya nakikita. Nag-chill na lang kami sa isang bar malapit sa dalampasigan, nagbabakasakaling may grasya doon haha. Nilibang na lang ang sarili sa pakikinig ng *thugs thugs* at sa panonood sa mga fire dancers. Nang magka amats ay minabuting umuwi at natulog sa otel. Yun lang...


 Hahaha abangan 'nyo na lang ang susunod na kabanata dahil si Jag ay naka-trunks lang sa beach. Katawan kung  katawan talaga ang labanan (Uy excited) haha joke lang...Ingats!


Extra:
Maraming maraming salamat Darklady para sa napakaprestihiyosong award na "One Lovely Blog Award" na iginawad mo sa akin. I heart u na. LOL.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner