Maaga kaming nagligpit kinabukasan upang ipagpatuloy ang pag-akyat. Di tulad ng iba, privileged kaming nakapunta sa pinakamasukal na bahagi ng bundok dahil nga may guide kami na taga roon. Doon na nagsimula ang aming penetensiya dahil nasa kundisyon na ang aming guide. Sinuong namin ang dapat ay hindi puwedeng puntahan.
Ang bilis kumilos ng aming guide. Parang naglalakad lang siya sa kapatagan. Yung ibang kasamahan ko umaatungal na dahil laging nahuhuli. Ako naman nag-eenjoy lang kasi iyon ang hanap ko--real adventure hehe...Pero nakaapat na oras na kami sa paglalakad ay hindi pa rin namin makita ang daan papunta sa tinatawag nilang Cogonan, isang lugar kung saan tanaw ang lahat. Only to realize na nawawala na pala kami. Kahit 'yung kasama naming guide ay hindi na rin tukoy ang aming dinadaanan.
Wala kaming dalang compass kaya wala kaming choice kundi ang magpatuloy sa paglalakad at tahakin ang hinahanap na lugar. Kinakabahan na din ako kasi napapansin ko na 3 beses na naming nadadaanan ang lugar na tila ba ay parang namamaligno na kami. At first hindi ako naniniwala pero nung nadaanan muli namin ang lugar na iyon, nag-alala na ako. Mag-aalas kwatro na kasi ng hapon ay wala man lang kaming makitang trail. Ewan pero may parang dinadasal si manong guide nang mapagtantong nawawala na kami. Tapos mas lalo pa kaming pinahirapan nang magdecide siya na mag-iba ng ruta at kailangang lumusong sa bangin na maraming halamang matitilos. Nasa halos kalahating oras din kami sa paglusong at hindi na nga kami umulit- ulit sa dinadaanan namin.
Nagtuloy kami sa aming paglalakbay sa kabundukan upang mahanap ang hinahanap na lugar. Mahirap pa rin ang aming pagtahak. Gayunpaman, nilibang ko pa rin ang aking mga mata sa mga tanawing hindi karaniwang nakikita ng mga tao sa kapatagan.
Kahit marami na akong sugat gawa ng mga matatalim na dahon at kahit na may 4 na leeches na ang sumisipsip ng aking dugo ay hindi ko na ito inalintana dahil sobrang nag-enjoy ako sa mga nadadaanang tanawin.
At mayamaya pa ay may nakita na kaming trail. Marami na ding cogon na halaman. Narating na nga namin ang lugar, ang tinatawag na Cogonan, isang bahagi ng Bundok Makiling kung saan matatanaw ang lahat sa ibaba.
Gusto pa sana naming magtagal pa pero kailangan na naming bumaba. Akala ko magiging maalwan na ang paglusong namin sa bundok pero mas mahirap pa pala ang nangyari. Inabutan kami ng dilim. Nag-short cut kami. Dumaan kami sa bangin na tantiya ko ay nasa 80 degrees ang inclination. Sa sobrang wala na akong lakas sa pagpigil ng aking bigat ay muntik na akong mahulog. Buti na lang sumabit ang bag ko sa ugat ng puno. Akala ko katapusan ko na talaga. Mahal pa rin talaga ako ni Papa God. Hindi niya hinayaang mangyari sa akin iyon.
Matapos ang mahigit dalawang oras na pagbaba ay nakarating din kami sa kapatagan ng San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Sa nangyaring iyon ay wala akong pinagsisisihan. Bagkos marami akong natututunan. Mas mahal ko ang buhay ko ngayon. May mga kaunting galos lang at pasa pero ayos pa rin naman. Ang pag-akyat kong iyon sa araw ng Biyernes Santo ay isa sa pinakamahirap at hinding hindi ko malilimutang karanasan.
9 comments:
saya naman ng adventure... kapag paulit ulit daw ang dinadaanan... mag iwan ka daw ng panyo.. pag nandun ang panyoi sure na bumabalik ka lang sa napuntahan mo na...
gusto ko nga maka experience ng ganyan...
kung ako mas like ko ung magtagal ako sa taas... ayaw ko naman na balik agad... bitin kasi ... dapat pahinga muna... i enjoy ang paligid... picture picture... un bang magdamag bago bumaba...
thanks sa pag share
Ahoy parekoy!
Lulubog lilitaw, islaw palitaw ka wahehehe!
Naku gusto ko din maranasan ang mag mountain climbing sa Mt. Makiling. Mabait naman si Maria Makiling, basta wag ka lang masyado maingay kapag binisita mo ang sagradong bundok :)
The experience you've got was priceless, even though, you've had some rough trails and were lost.
Sometimes, it's ok to be lost (in the jungle) because there is this adrenalin rush that suddenly awakens us to be much more alert and sensitive of our surroundings. Quickly, you had to make your resolve more concrete in finding which way to go.
And the perks of successfully finding the right path is so worthy and freeing. It's like triumphantly finishing a maze that has been bugging for quite sometimes.
I only had quite a few experiences mounting our own Mt.Guiting Guiting in Sibuyan Island - Romblon - but I still need to reach the to climb- which according to climbers are one of the very difficult ascent to make.
Kudos for an awesome adventure. Great job!
Wow! Mt Makiling! For sure worth it ang pagod sa ganda ng views along the climb :)
Ang saya naman! Napaka adventorous talaga ni kuya jag! Sama ako minsan sa pamamasyal :)
-Con
Ang saya naman! Napaka adventorous talaga ni kuya jag! Sama ako minsan sa pamamasyal :)
ikaw na. you already. makakabalik din ako ng bundok at iinggitin din kita. hahaha.
ayos ah.....saan kaya ang sunod..naalala ko tuloy ang alamat ni mariang makiling...
I just discovered your Blog thru ZaiZai. your blog is great. i will follow your blog
Post a Comment