|
Photo credits: Google |
Ayowwwn! Papalapit na talaga ang Pasko. Yung mga tatanggap ng bonus at extra month pays diyan anong balak 'nyong iregalo sa sarili? Malamang karamihan ay nangangarap na magkaron ng kamera. Hindi maikakailang dumarami na ang mga taong nahihilig sa potograpiya. At isa na ako doon.
.
Ito ay isang repost tungkol sa kung papaano alagaan ang kamera.. Naisip ko lang na ibahagi itong muli sa mga mambabasa dahil alam kong mayorya sa kanila ay nagmamamay-ari ng kamera.
Kadalasang dahilan ng pagkasira nito ay nabagsak o dili naman kaya ay nabasa. Paano kung sabihing ang dahilan ng pagkasira ay `yon mismong camera bag na pinaglalagyan natin? Ano daw? Oo tama kayo sa nabasa `nyo. Kahit ako nagulat sa sinabi ni Al Eugenio* tungkol dito. Sinasabi kasi na may mga elemento sa ating kalikasan na hindi natin nakikita ngunit nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kagamitan.
Habang nakasilid kasi ang kamera sa lalagyan nito lalo na at nasa loob pa ito ng cabinet na kung saan ay hindi pa tinatamaan ng kahit na anong liwanag, sabayan pa ng humid na panahon at paligid na mamasa-masa, ay tuwang-tuwa naman ang mga fungus o amag na tumira sa loob ng ating kamera. Habang tumatagal, lumalago naman ang mga amag na ito na maaring manirahan sa lens na siyang sisira sa kalidad nito. Kahit gaano pa kamahal o katibay ang isang kamera kung pinanirahan na ito ng amag lalo na sa parte ng lens, ay mawawalan ito ng saysay.
Ano ba ang dapat isaalang alang para maiwasan ang ganitong problema? Itabi ang kamera sa mga lugar na nasisilayan ng liwanag. Iwasang ilagay sa mamasa masa at maalikabok na lugar. Upang makasiguro, paligiran ito ng silica. Kung wala namang available na silica, maaring magbalot ng uling sa papel ng dyaryo at ilagay sa tabi ng kamera. Tumutulong ito na sipsipin ang moist sa hangin.
Mas mainam din sa pag iingat ng kamera ang hindi pagpatong o pagtabi nito sa mga bagay (like television, players and the likes) na kung saan malakas ang discharge ng electrostatic. Maraming bagay na maaring maapektuhan sa electronic circuitry nito. Alam ko ang concept ng ESD kasi dati akong nagtatrabaho sa isang electronics/semiconductor industry hehehehe...
Isaisip din natin ang pagtanggal ng baterya ng kamera kung ito`y hindi ginagamit o kung itatabi ito ng matagal. Makabubuti sa kamera ang makapagpahinga. Kung nagkataong may baterya pa kasi ito sa loob kahit naka-off ito ay nade-drain ang baterya na maaring ikasira nito.
.
Sana nakatulong itong simpleng tips para mapanatiling maayos at mapahaba ang buhay ng inyong mga cameras.
.
Capture moments this Christmas! Click! :)
.
* Al Eugenio: Professional Photographer, Feature Editor of Philippine Digest.