Noong mga nakaraang linggo ay masyado akong burned out sa trabaho. Kaya naman nung minsan magyaya ang kaibigan na gumala ay pumayag agad ako. Ay mali pala! Nagpapilit muna pala ako ng kaunti bago pumayag (para tumaas ang demand value) haha! Kasi naman ang lahat ay wala na naman sa plano. Basta bigla na lang naisipang magliwaliw. Ang destinasyon---CEBU.
Oo, sinunod ko ang madalas na payo sa akin ng mga katrabaho at kaibigan, ang magBREAK. Kaya kahit medyo laslas ang wallet ay sumugod pa rin ako sa kabisayaan. Hindi ko na din pinalagpas ang pagkakataong makasamang muli ang ilan sa malalapit na kaibigan.
Mula Maynila ay narating ko ang Cebu mga bandang alas singko ng hapon. Halos isang oras din akong naghintay sa paliparan bago kami nakompleto. Nang makompleto ay agad na tumulak sa bahay ng kaibigan para maglagak lang ng mga gamit at umalis kaagad para gumala. Pasensiya, sadyang makakati lang ang mga paa hehehe...
Unang tinahak namin ay ang IT Park. Pagdating dun ay nag-
picture picture agad. Pero yung unang
attempt ng
pictorial ay 'di
saksespol. Sa sobra daw kasing
haytek ng
camera ay hindi alam kung paano gamitin kaya ang kinalabasan ay parang mga anino lang na
nagpapiktyur. Kaya ng maumay sa ginagawa ay naisipan na lang na kumain. Umorder kami ng b
aby back ribs. Pramis ang sarap! (Paanong di masarap eh libre kaya hehehe)
At dahil libre ang hapunang iyon ay nilubos lubos na namin ang pag-order hehe. Alam kong umiiyak na ang credit card ng kaibigan namin sa dami ng inorder pero hindi pa rin kami tinablan ng hiya. Umorder pa uli ang mga patay-gutom ng pang-finale. Isang BURGER. Take note hindi siya basta bastang burger kundi isa siyang BURGER hehehe...at sa sobrang laki nito ay hindi namin naubos...
Sa kabusugan ay naisipan na lang na maglakad lakad sa Ayala Mall at impernes, para lang siyang Greenbelt hehe...
At para mas mabilis ang pagtunaw ng mga kinain ay nagtungo kami sa isang COMEDY BAR. Sabi nila madalas inookray ng mga comedy masters ay ang mga pogi (dahil mainit sa paningin ng mga baklang komedyante). At dahil nga mga pogi kami (O 'wag ng kumontra!) , minabuti na lang namin na umupo sa pinakasulok ng bar at nakikitawa na lang habang mangiyak ngiyak na ang isang tao sa pang ookray ng isang baklang komedyante hehehe...
Pasado alas dos na ng umaga kami nakauwi. Medyo duling na ako noon. Epekto na din siguro ng alak na nainom at inaantok na din. Nagtaksi kami pauwi. At dahil ako ang nakaupo sa harap, ako ang nagbayad (rule daw yun eh mga epal talaga ang nagpauso nun buwisit!). Ewan ko pero inatake na naman ako ng pagka-SHUNGA (pagka-tanga) that time, imbes na 130 pesos lang ang ibayad sa driver ay ginawa kong 310 pesos. O saan ka pa certified shunga diba? Humarurot na din bigla si manong driver matapos matanggap ang bayad kaya CASE DISMISSED na haha...
Napaghahalata kung sino ang may lahing palaka hehe..
Maaga kaming umalis kinabukasan noon. Alas-sais pa lang ng umaga ay laman na kami ng isang resort. Ang punterya lang talaga namin doon ay ang aquanaut kasi marami pa sana kaming kailangang puntahan pagkatapos. Pero dahil
alas nueve na nang dumating ang mga
staffs ay nilibang na lang muna namin ang mga sarili sa pag-
peytyur peytyur hehehe...Maaga kasi kami ng 3 oras. Hindi halatang
heksayted!LOL.
At sa wakas! Sumapit din ang oras kaya sinimulan na agad namin ang underwater adventure.
Ang saya saya wala man lang ka-fish fish! Portofino Resort, Cebu
Hectic ang
schedule naming mga artista
that time. Kaya kahit gusto ko pang mag-
stay sa
Resort na iyon ay hindi puwede kasi may nakaabang na
photo shoot schedule sa Fort Santiago...
San ka pa! Ang lakas! Haha...
Mamumundok pa sana kami kaso biglang sumungit ang panahon at alanganin na din sa oras kaya tumambay na lang kami sa isang sikat na kapehan sa Ayala Mall habang hinihintay ang iba pang mga kaibigan na matagal tagal na ding di nakikita.
At isa lang ang sumipot kasi hindi daw
available ang iba. Masaya pa rin naman ang kuwentuhan kahit kokonti lang kami. Pero mas masaya sana kung marami hehehe...Dahil may kuwentuhan, di nawala ang chibugan. Napasarap sa kuwentuhan kaya hindi namin namalayang lumalalim na ang gabi...kaya hayun nang magkasawaan sa mga pagmumukha ay nagsiuwian na hehe...Lahat ay pagod. May umuwi ng Gensan at pumasok sa trabaho ng bangag, may nakaubos ng limang tasang kape habang gumagawa ng program tests...at may umuwi ng Maynila na kahit pagod ay solb na solb sa trip...ako 'yun hehe...
Kahit maigsi lang ang trip na iyon ay siksik na siksik naman ito sa magagandang alaala. At dahil inaantok na ako at tinamad na magsulat ay hanggang dito ko na lang tatapusin ang kuwento. Mga repapeeps, super pasensiya uli kung super dalang kong mag-update ng blog sa ngayon. Busy lang. Babuh! Mwah!