Whew! Medyo nawala ako sa ere nitong huli kasi nagde-demand na naman si sweetie ko ( ang trabaho ko). Nitong huli kasi eh gusto niyang magbuhos ako ng oras sa kanya kaya hayun halos dalawang linggo din akong nawala sa blogosperyo kaya pagpasensyahan `nyo na ang bida mga tropapitz hehehe...
Anyways highways, itong post na `to ay patungkol sa award na ibinigay sa akin ng isang tropang si Ayu. Hindi ko alam kumbakit mr. brightside pero nakatutuwa kasi `yon pala ang nakikita niya sa akin. Tama ba Ayu chan? Take note, bonggang bongga to the max `yung pamimigay niya ng awards hehehe...Maraming salamat Ayu chan sa gantimpalang ito at congrats sa lahat ng mga tumanggap ng pagkilala mula kay Ayu.
Feel free to grab this one courtesy of Ayu.
At alinsunod sa patakaran (at may ganun ka pang nalalaman Ayu), may mga tanong lang akong kailangang sagutin hehehe...
What are the 10 things that makes me happy?
Sa naunang post kong Awards Night, ay nakapagbigay na ako ng 3 bagay n makakapagpasaya sa akin so 7 na lang ang ilalahad ko dito tamad eh hehe...
1. Tsokolate. Geez! Nakakawala siya ng stress. Kaya nitong huli ay bumili ako ng isang box ng Snickers. Iyon ang pinapapak ko habang gumagawa ng lecheng reports na `yan!
2. Bagong hilig ko ngayon ang manilip. Oo masarap sa pakiramdam ang makasilip sa langit. Ang dudumi ng isip `nyo hehehe... Nakabili kasi ako ng astronomical telescope kaya masaya ako na may bago akong libangan...ang manilip sa kalangitan.
3. Loooooooong vacation. Period.
4. ...`pag may manlibre sa akin ang laking tuwa ko `nun hehehe (kahit sino naman eh jijijiji)...kaya kung gusto `nyo akong maging happy i-treat `nyo ko i-text `nyo lang ako hehe...
5. ...when someone cooks for me.
6. Loved ones.
7. At siyempre ang support at friendship ng mga tropang bloggers. Hindi `nyo lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nakakabasa ako ng mga matatamis at makukulit na comments mula sa inyo. Salamat! Group hug naman diyan! hehehe
Five trivia about me...
1. Noong nasa unang baitang pa lang ako ng mababang paaralan, naipatawag ako sa principal`s office dahil sa reklamo ng nanay ng kaklase ko. Simple lang naman ang ginawa ko. Hindi siya seryoso pramis! Binali ko lang naman ang leeg ng kaklase ko. May ugat daw na naipit kaya hindi maigalaw ng kaklase ko ang kanyang leeg. Isang linggo ding absent si kawawang klasmeyt. Paano ba naman kasi ang kulit `nun. Kinuha ba naman sa akin ang eraser ko na hugis robot at nagpapahabol pa sa akin. Kaya nung maabutan ko siya, hayun bali ang leeg. At dahil dun naging 2nd honor na lang ako sa klase kasi mababa ang grado ko sa GMRC haha! Pero good boy na ako ngayon uy! Natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko iyon. Pero `yung klasmeyt na iyon ang isa sa malalapit na kaibigan ko ngayon hehehe...
2. Ayaw kong kumain ng litsong baboy pero peyborit ko ang lechon paksiw haha...
3. Arachnophobic o takot ako sa gagamba. Nung bata pa kasi ako, nakita ko kung paano kinagat ng mabalahibong gagamba ang paa ng tatay ko at kung paano namaga ang paa niya hanggang binti. Kinuha niya ang towel na nasa likod ko at ipinantali niya sa kanyang binti para di na umakyat ang kamandag. Dumiretso kami sa pinakamalapit na clinic. Simula nun `pag nakakakita ako ng gagamba ay tigok agad iyon sa akin. Babala: `wag na `wag akong dalhan ng gagamba bilang panakot o pangkomedya kung ayaw matulad sa nangyari sa kaklase ko `nung grade 1...ang mabalian ng leeg.
4. Mahilig akong mag-sketch. Dalawa sa malalapit kong kaibigan ang ginawan ko ng portrait at iniregalo ko sa kanilang kaarawan. Wala kasi akong pera na panregalo `nung nasa kolehiyo pa ako kaya idinrowing ko na lang ang mga pagmumukha nila sa isang bondpaper hehehe...
5. Pangarap ko talaga ang maging doctor. Pero dahil sa hindi naman kaya ng mga magulang ko ang pagpapaaral sa ganoong kurso kaya nag- engineering na lang ako. Sa awa ng Diyos ay naging rehistradong inhinyero naman at kasalukuyang nanunungkulan sa bansa kung saan unang sumisikat ang araw, ang bansang Hapon.
Yun lang. Hanggang sa muli! Bow!
Bago ko nga pala makalimutan ibinabahagi ko nga pala ang award na ito sa mga sumusunod...
Tim of TIMESCAPADES
Roger of Karoger
Jepoy of Pluma ni Jepoy
Scofield jr of Tinta de Filipinas
Mr. nightcrawler of Stories From a Bored Night Crawler
Kung trip `nyo lang naman magbigay ng 5 trivia ng sarili nyo at makapabigay ng 10 bagay na nakakapagpasaya sa inyo pwede kayong gumawa ng post kasama ang award na ito. Kung trip `nyo lang naman hehehe...Arigatou!