Saturday, November 14, 2009

The Perfect Emo

Titila pa ba ang ulan?


Makulimlim...Malamig...Maulan...

Malumbay...Tahimik...Nag-iisa...

Mga salita kung saan bumibida si pareng "Kalungkutan". Siya ang kasa-kasama mo sa tuwing ika`y nalulungkot. Nandiyan lang siya parati hangga`t gusto mo. Hindi ka niya iiwan...
.
Habang pinagmamasdan ko ang bawat butil ng ulan na humahalik sa pisngi ng lupa, ay naalala ko ang mga unos na minsan ding humalik sa aking buhay. Unos na likha ng sariling pagkakamali. Mga pagkakamali na sana`y pwedeng balikan upang ito`y maituwid. Ngunit sadyang mahirap kalabanin ang panahon. Hindi mo ito kayang hilahin pabalik at pigilan. Masakit man pero walang magawa kundi ang tanggapin ito. Nakapanghihinayang oo, pero tao lang ako.

May mga unos din sa ating buhay na kahit wala kang ginawang pagkakamali ay dumadaos pa rin. Kahit ang pinakamatalinong nilalang sa daigdig ay hindi kayang kalkulahin kung papaano ito iwasan. Basta na lang itong kakatok at hahagupit sa tahimik nating mundo. At sa bawat lupit ng hagupit nito ay may mga matang luluha, may mga pusong masasaktan at... may magluluksa. Sadyang kay lupit. Bakit nga ba kailangan pang mangyari ang mga ito?
.
Tuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Lahat ng bagay sa labas ay tigmak. Habang tumatagal, lalong lumalamig ang panahon. Dumidilim na din ang paligid. Ako`y di makalabas ng bahay. Nag-iisa at nagkukulong sa apat na sulok ng aking silid. Nagmumuni-muni habang unti-unting inuubos ang kape sa tasa. Sa pagkakataong ito, di ko natakasan si "Kalungkutan". Ngunit sa pagkakataon ding ito, si "Kalungkutan" ang siyang nagbigay daan upang ako ay magising at tumawag sa Poong Maykapal. Siya lang talaga ang masasandalan sa oras ng kadiliman lalo pa`t ako ngayo`y nag-iisa na nakikisalamuha sa bansang banyaga. Nawa`y hindi lang sana natin Siya maalala sa mga oras kung kailan tayo`y nagigipit at nalulungkot kundi sa bawat oras ng ating buhay na hiniram lang natin sa Kanya. Kaya minsan naisip ko, kaya siguro`pag gusto ng magpapansin ni Lord sa atin, ay ipinapadala Niya si pareng "Kalungkutan" upang mangulit at ipaalala sa bawat isa sa atin na may Diyos, ang May-akda ng lahat.
.
Ipagpaumanhin `nyo pero di pa dito nagtatapos ang ka-emohan ko. Dahil sa gusto kong mag-emotional release, idinaan ko ang nararamdaman sa pagkanta. Isang pagbibigay-pugay sa ating Diyos na lumikha. Bawat taludtod ng kanta ay iniaalay ko sa Kanya bilang pasasalamat. Pakinggan `nyo.
.
P.S : Walang kokontra, moment ko `to! hehehehe...

80 comments:

sunny said...

based? hehehee so effin emo,hahahaha! it's okay buddy...just call it typical sadness,"winks"...there's a rainbow after the rain, hehehe...btw, ako i prefer rainy days, hays...miss the droplets touching my skin,hahahahah! take care....

mr.nightcrawler said...

at songer ka pala parekoy! ito na ba ang uso ngayon? pangatlo ka na sa mga napakinggan kong kumanta sa blog nila ah/ hehe. pero inperness... mana ka sa akin. may boses ka! hehe. at teka lang... ikaw ba yung may whistle register dun kanina? mejo bitin pero ayos yun ah. talented. bravo! iba talaga ang nagagawa ng ulan. hehe

Jag said...

@ sunny: thunder precedes the sunlight hehehehe...I hate rain hehehehe d ako nakakagala hehehehe ayos!

Jag said...

@ sunny: thunder precedes the sunlight hehehehe...I hate rain hehehehe d ako nakakagala hehehehe ayos!

Jag said...

@ Nightcrawler: ahahahahaha songer ba? jijijij enkyu enkyu!

naku dati na akong kumakanta dito hehehehe visit my previous post " I was There" meron din doon hehehehehe...

oo ako ang nagwhistle dun hehehehe...naubos hangin ko doon hehehehehe...

DRAKE said...

Ayokong magmura, ayoko talaga, ayoko , ayokooooo.....SHEETTTTT!!! whahhaha! Di ko na mapigilan! Emo ka nga!Hahaha.

Ano ba ang nakain nyo ni Xprosiac at parang nahihilig kayong magkakanta!

Anyway h-way, may boses ka naman!kaya pwede na!

Hahahah

Jag said...

@ DRAKE: wahahahaha adik! Bkit, Ikaw lng ba marunong mag-Emo? hahahahahaha...

Naku, jan kami nagkakasundo ni xprosaic pagdating sa kantahan ajijijiji...

Ayos ba? enkyu! enkyu! jijijiji

Don said...

OMAYGAWWWWD!!!! IDOL!!! pa-autograph beh!!!

jijijijiji wag ka na malungkot...andito naman sa internet ang makukulit mong fwends jijijiji

Xprosaic said...

Syet! mageemo ka na nga lang kelangan pa ba talagang magrecording?! ahahahahahhahahahha

Jag said...

@ Donster:Yaan mo pag-uwi ko pipirma ako jan sa malapad mong noo wahahahahaha...

OO nga eh maraming makukulit dito jijiji...

Jag said...

@ xprosaic: Kaya nga perfect emo buti nga dko naisipang gumawa ng MTV wahahahahah...

teka teka, nagmana lng kaya ako sau hahahahaha...

Ayie Marcos said...

Ay, iintayin ko yung MTV--total emo na! ehehehe!

Kamusta naman...?

Jag said...

@ Ayie: Kakaririn ko na ba? ahahahahahahah...ok na ako dito jijiji...pasok n naman bukas hays!

Unknown said...

normal lang yan :D heheh :D

Jag said...

@ solo: oo nga eh. ngaun ko masasabing tao ako kac nakakaramdam ako ng gantong feelings wahahahahaha...

MJ said...

your not alone for being alone and lonely...but that´s what life is all about...

Jag said...

@ Khim: yeah that`s true...thanks for visiting...

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Hi, Jag. Kanindot man diay nimo magsulat ug Tagalog. Lupig pa man nimo ang tunay nga Tagalog.

And so, I wonder what happened after the rain. I hope the sadness is gone too. I don't know if I can relate with you but I had my own sadness that I had to endure for almost 10 years after a failed love relationship. It's gone when I am now happily married. Whether your sadness is deeper than what I had experience or mine is deeper - that's already beyond compare. Ang importante diha is "when the sun shines after the rain."

Nindot man pod diay ka mokanta. Pwede na mag-recording artist. No kidding :)

pusangkalye said...

pinalitan ko po yung blog url ko---paki-update ha. thanks thanks http://pusangkalyedin.blogspot.com/

pusangkalye said...

ala--rain rain go away---come again another day ang drama ha. cge lang, namnamin ang moment. di ako kokontra--lol

Reagan D said...

aba...kaya pala umuulan eh..ahehe joke lang!
malupit ka tol..aba, makagawa nga rin ng kanta...NOT!
apir!

eden said...

ganda ng voice mo. you have talent and a great voice. I hope you were feeling better after the rain and singing the song..:)

have a good week, my friend.

thanks for the visit and comment. i really appreciate it.

Chubskulit Rose said...

Ang laki naman ng mug na yan, ano yan gamit sa beer lol loko lang kabayan.. salamat sa pagdaan!

PS, the vid is cool at di ako kontra hehehe!

Jag said...

@ Dodong Flores: Geez! Thanks! ingani man gyud tang mga Bisaya,mga talentado ba hahahahahaha...

Aumigaud! I can say thay my sadness is pretty shallow compared to yours. You`re right, there`s a rainbow after the storm. I feel better now...

Nindot ba? Pabagaay lag nawong wahahahaha...Thanks anyways!Good day!

Jag said...

Pusang-kalye: Copied. I`ll update it later when I got home.

Adunno pero para sa akin malungkot pag umuulan lalo na pag malakas. Kaya minsan ang trip ko tulog lng magdamag hehehehe...

Tlagang walang kokontra hehehehe...

Jag said...

manik_reigun: cguro nga kaya lalong lumakas ang ulan wahahahaha...

at ikaw naman ay naiinggit gusto ding kumanta hahahaha...go lng ng go! jijij

Apir!jijiji...

Jag said...

@ eden: hi friend! I`m glad you like my voice hehehehe...wala eh ganito tlaga tayong mga walang mkausap idinadaan na lng sa pagkanta hehehehe...

I feel better now. Thanks a lot!

Jag said...

@ chubskulit: Naku madam, typical size lng ang size ng mug n yan jijijiji...

Buti naman at hindi ka kumontra ahahahaha...Arigatou Gozaimashita!

glentot said...

Nakaka-emo talaga pag umuulan lalo na pag brownout at hindi makalabas ng bahay tapos mag-isa ka lang tapos Lunes pa kinabukasan... I hate those days...

Pero OK rin na may "Kalungkutan" marami kas tayong nalilimutan kapag puro "Kasayahan" lang.

Anonymous said...

Naks... Emo moments!

Baligtad tayo, mas masaya ako kapag umuulan at emo mode naman kapag maganda ang panahon.

-Parts- said...

Asus! hahahahahaha Kaya di agad tumitila ang ulan... Tigilan n kasi ang bisyong yan.. hahahaha

-Parts- said...

Asus! hahahahahaha Kaya di agad tumitila ang ulan... Tigilan n kasi ang bisyong yan.. hahahaha

Somnolent Dyarista said...

haha,

napadaan lang po ako.


grabe.

nalunggkot din ako.

somnolentdyarista.blogspot.com

Jules said...

Oks lang yan. We're human. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Renz Taburada said...

Ehem, emote! emote :D
Pero okay lang na sometimes.

Nindot man sab diay ka mokanta ;)

AL Kapawn said...

Pag nalulungkot ka simple ang yan... Ijakul mo, tanngal ang lungkot mo. he he he

fiel-kun said...

ame, ame, Acchi ni ike!

waah, Jag-kun ngayon lang kita nakitang naging emo ^_^ pero ok yan tol, ilabas mo ang iyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagsulat tulad nito. Miss na siguro family mo dito sa Pinas ano?

Yeah, I absolutely agre na talagang si God dapat ang maging center ng buhay natin - sa hirap at ginhawa. Tawag ka lang sa kanya, at Im sure di ka nya pababayaan.

At peyborit ko din yang Gospel song na Who am I? nice singing voice btw.

Genki-dashite!

Jag said...

@ glentot:Naku nkkbadtrip un pag umulan ng malakas, nagbrownout, tas may pasok pa kinabukasan jijijij...

Tama ka jan pre. Hindi din maganda kung palaging masaya. Boring ang buhay pag gnun...

Jag said...

@ m2mtripper: Alam ko na kung bakit ka masaya pag umuulan...kac malamig at saka...hahahaha alam na hahahaha...

Jag said...

@ Parts: Ahahahaha baga kag ngabil! hahahaha...maayo na lng na bisag ulan productive ghapon ko through singing...eh ikaw? mag...hahahahaha mao niwang hahahahaha...joke!

teecee!

Jag said...

@ Somnolent Dyarista: Naku typical emo lng un jijijiji...ok n ako jijiji...

Thanks sa dalaw!

Jag said...

@ Jules: Korek! Kaya nga masasabi kong normal pa pala ako kasi nakakaramdam din minsan ng kalungkutan ahahahahahaha...

Thanks for dropping by!

Jag said...

@ Renz Taburada: Pasagdii na lng ko parts panagsa ra bitaw ahahahaha...epekto na guro ni sa katigulangon ahahahahaha...

Salamat naappreciate nimo akong tingog jijijiji...baga lang kog nawong mao hahahaha...

Jag said...

@ Alkapon: ahahahahaha...pwede! jijijiji...

Jag said...

@ fiel-kun: ok na ako jijijiji...saglit lng un emo ko jijiji...cguro nga namiss ko lng din sila pero sanay n akong mawalay sa knila. Right after I graduated High school, malayo na ako sa knila. Taunan din ang kung umuwi. Hanggang sa nagkawork ako at heto lalong lumayo jijijijiji...

Thanks for appreciating it...

fiel-kun said...

@jag-kun: Aa, yokatta ne! glad to hear you're ok na. nga pala tol, matanong ko lang, taga san ka pala dito sa Pinas saka anu pala din ang nature ng work mo jan?

btw, sana tama yung mga japanese words ko sa taas hehe... parang medyo sablay yata yung iba lols.

----
nga pala, I nominated ulet yung blog ko for week 187.
http://salaswildthoughts.blogspot.com/

Oyasuminasai!

Jules said...

wihihii! :D salamat sa comment :D epitome :D lol

Jag said...

@ Fiel-kun:Ii yo! Ok naman Nihonggo mo. Malupit nga eh kac khit anjan k alam mo ang mga basics...

I came from the Southern part of the Philippines jijijiji...bulubundukin ang Nativity ko yaan nyo malalaman nyo din kung tga saan ako sa mga susunod na posts ko jijiji but I used to work in many places in Luzon. Laguna, Baguio, Batangas, at sa Makati. Equipment Engineer kuno ng mga industrial companies jijijiji...currently, I am specializing my training in my host company here in Japan as part of my technical scholarship jijijiji...

Naku, naiboto n kita huli k n sa pag announce jijiji...mangampanya k na uli, 2nd placer k n lng jijijiji...

Jag said...

@ Jules: Ur welcome buddy. Dahil bumalik ka sa blog ko idadagdag n kita sa links ko jijijijiji...

Arvin U. de la Peña said...

huwag ka ng malungkot..tama ka idaan mo na lang sa pagkanta..iyong kay freddie aguilar..tawanan mo ang iyong probleman..

Jag said...

@ Arvin U. dela Pena:Uu nga eh jijiji thanks! Nung bata p ako un lagi kinakanta ko at pilit kong ginagaya ang tawa d ko naman maperfect jijijiji...

fiel-kun said...

Ohayou Jag-kun! waah aga ko nagising today ahaha... at pc agad ang inatupag ko lols. mga 7:45 AM pa lang yata ahaha.

anyways, siguro part na rin ng pagiging anime fan ko ang matuto ng mga basic japanese words. kase karamihan ng mga pinapanood kong anime series sa net eh wlang english subs lols.. kaya chagaan talaga ahaha. buti naman at ok yung mga "trying hard" nihonggo ko ^_^

wow engineer ka pala nice!

uy salamat ulet sa pagboto :D

Jag said...

@ fiel-kun: Ang galing naman nkaka-catch-up mo agad ang kanilang sinasabi (Anime)...

Ii yo! Douitashimashite!

Odaishi!

fiel-kun said...

@jag-kun: umm, di naman lahat. may mga part lng na naiintindihan ko at mostly the rest is hinde ahaha... pero kadalasan sa kilos/galaw ko na lang tinitignan at diko na pinapansin yung salita lols.

yung ibang japanese words, nakakalimutan ko din... nagkakaramble-rumble sa utak ko lols. kase nag-aaral din ako ng konting korean ahaha... alam mo naman uso ang mga korean drama d2 sa pinas lols.

Jag said...

Wahahahaha naalala ko kaklase ko sau hahahaha...andaming pinag-aralang languages... nung una latin, tas nagMandarin, tas NagJapanese, tas latest nya ngayon ang Korean though palipad na un sa America jijijiji...

Kung ako nga tinatamad ng mag-aral ng NIhonggo kc taglamig n dito pati utak ko ngfreeze din jijijiji tsaka mga ksama ko n Japs mrurunong nmn mgEnglish khit papano jijijiji kya hayun jijiji...

pusangkalye said...

salamat for finding me---I'm afraid I have to say sorry though. I changed my url again---this time it's final na talaga. Sorry. a friend of mine proposed it to me so I said yes. please update it again. SALAMAT ng maraming marami.......

http://www.pusangkalye.net/

Jag said...

@ Pusang-kalye: Gnun b? ok...jijijiji...Final n huh? jijijiji...

Anonymous said...

para sa iyo pare koy!

isang masigabong PALEKPEKEN!!!! yahoooooooooooooooooooo!!!

astig sa emo! srap nga kumanta lalo pag emo ka, mas may emotion at mas ramdam.

add kita tol sa blog roll ko. salamat sa pagbiista! madadalas ako dito!

emo din kasi ako ahahaha!!!

Jag said...

@ topexpress: Naks! Pinelekpeken nya ako jijijiji...Enkyu! Enkyu!

Lasa ko`y singer ka (din)...Assuming ako may (din) daw o hahahahahaha...

Thanks for visiting me back...dadalas din ako sau...

Nash said...

apir sa ka e-mohan hahaha cheers jag add mo ko sa fesbuk

Jag said...

@ Nash: Don't tell me emo ka din?wahahahahaha...ok I'll add you later jijijiji...

Anonymous said...

ayan ayan ayan. nagcomment na ako sa bago mong blog. hahahaha. hopefully hindi ako nananaginip ngayon.

nombe ka ba nung sinulat mo to? (haha. yan lang naalala kong japanese word na tinuro sken nung kaibigan ko. hindi ko pa alam kung tama. haha) haaay. ang emoooooo. pero astig. nakaconnect ako sa mga sinulat mo. medyo emo din kasi ako. hindi lang halata. hahaha. galing. lalo na nung pinasok mo ang Poong maykapal. astig :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

Arigato gozaimasu!!!

hola! greetings from the chabakano province of the philippines, zamboanga!!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

meron din akong ginawang video na ganyan, nasa youtube. favorite ko rin yang kantang yan!

Jag said...

@ karoger:OO naniniwala n akong d ka nananaginip nyahahahaha...

Hai, sabishi desu. Medyo malungkot nga ako nung tym n un but Im ok now jijijiji...

Bkit k nmn medyo emo? jijijij...

lamat sa dalaw parekoy!

Jag said...

@ Fr. Felmar Castrodes Fiel,SVD: Wow! Fr. I`m so happy and blessed that you have visited my blog...

All time favorite ko ang kantang yan jijiji...

Talaga? Gotta watch it...

Good day! God Bless!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

ito ang link ng aking napaka-emong who am i...

http://www.youtube.com/watch?v=Boz28bOBj74

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

kung mga youtube account ka, add mo ako ha...para ma-add din kita.

Jag said...

Ok Fad`z, I`ll check it...jijijiji...

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

kung may fb account ka, add mo ako ha...

Jules said...

uy pasensya na ngaun lang ako naka visit ulit. cge lagay ko narin blog mo :D

sunny said...

hopped here jag....been on a hiatus....take care....

Anonymous said...

oh my one of my favorite song....haaiiisttt minsan ina-allow ng Panginoon ang kalungkutan sa buhay natin para matuto tayong lumapit sa Kanya...God indeed is the source of our inner peace and joy...

Cheers!..ingats lagi....

Jag said...

@ Jules: It`s ok. Thanks!

Jag said...

@ Sunny: Hi there! Daan ako jan mamaya...

Jag said...

@ ladyinadvance: You`re right and there`s always a reason for everything...HE is always good all the time...

Thanks for visiting...

Jag said...

@ Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD: Sure no probs Fad`z. But I have a problem browsing that site...try ko next time Fad`z...

ANENG said...

hi kuya jag, napasulyap ako sa links mo. at nakita ko ito. haha.

kaw ba ung kumanta dun sa vid!??!

Jag said...

ANENG: Ei Thanks! Oo ako nga kumanta. Pagtyagaan mo na lng hahaha...

Anonymous said...

When you have chosen your plastic surgeon, schedule a consultation so that
you can get a better idea of what the procedure entails.
A cellulite reduction treatment using a soft bristled body brush ($10) to brush the treatment areas
where reduction is desired. Many articles report eating healthy foods low in fat, but high
in fruits, vegetables and fiber.

Feel free to surf to my web-site; How to get rid of cellulite naturally


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner