Wednesday, December 30, 2009

The Year That Was...

Happy New Year!

Hours from now we will be leaving 2009. It can't be denied that it was the year of unspeakable tragedies, economic struggles, and shocking political issues. But despite of it, we're still able to smile and remained strong like an old oak tree. Kampai!*


Looking back for the past twelve months of my life, though there were some inevitable flaws, it was still a good year for me. I still feel blessed. Thanks BRO! I am really overwhelmed with gratitude.


I also want to thank you, my dear network friends who in one way or another became a part of my life. I am thankful for the friendship and the thoughts you have shared with me. Thanks for giving me good laughs, entertainment and inspiration with your incomparable blog ideas. It somehow lessen my loneliness. Keep writing. Hope we can spend longer time here in blogosphere. Again, thank you so much for walking into my life.


Whew! 2009 was really ephemeral. And what will be the coming year holds? Uhmm I don't know. Only one thing is certain: nothing can be predicted. Let us start our 2010 right. 'Til next year!


Akemashite Omedetto Gozaimasu!


Kampai*- Japanese term for Cheers.

Saturday, December 26, 2009

Meron Akong...Kuwento

Halu peeps! Belated Kurisumasu omedetto gozaimasu pala sa lahat. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakabati. Alam 'nyo naman laging busy ang bida at walang Christmas Holiday dito. Malamang marami pang tira-tirang pagkain diyan sa bawat fridge 'nyo. Hayz! Kakainggit! Walang katulad talaga ang Pasko diyan sa atin. Masaya. Anyways, ayaw kong mag-emo erase! erase! erase! hehehe...
.
Paano ko ba sinelebreyt ang nagdaang Pasko? Unang beses ko kasing magPasko sa bansa ng mga sakang kaya hayaan 'nyo na akong magkuwento tungkol dito. White Christmas ba 'kamo? Hindi din. Sa Osaka kasi wala masyadong snow. Tolerable lang din ang lamig ng panahon na nasa 5 degrees centigrade lang.
.

Sa loob ng simbahan. Sangkatutak na orbs weee!
.
Hayun, isinama ako ni Momskie (isang kaibigan na nagluluto ng adobo everytime dumadalaw sa unit ko) na magsimba. Perstaym kong magsimba dito actually. Medyo nahirapan nga akong pumasok sa simbahan eh kasi humahapdi ang balat ko na para bang nasusunog hehehe joke! Good boy kaya ito. Pagkatapos ng misa, may ipinakilala si Momskie na isang bagong kaibigan. Maganda. Sopistikada. Matalino. Mayaman. Siya si Ate Bing. Kilala siya sa tawag na ganun. Kilala siya ng mga nakararaming kababayan dito. Minsan ko na din siyang nakausap sa telepono at sadyang mabait talaga siya. 'Nung nagkita ay nagbeso-beso kami. Nailang ako kasi hindi naman sanay ang inyong bida sa mga ganoong churvalu ek-ek style ng pagbati. Pero kailangan munang maging Cro-Magnon ni Jag kaya lumihis muna siya sa pagiging Neanderthal noong mga oras na 'yun hehehe.
.
Sa maikling pag-uusap, nalaman ko na siya pala ang nakatatandang kapatid ng isang kumakandidatong senador ngayon sa darating na halalan ng Pilipinas. Ang tinutukoy ko ay si Alexander Lacson . Kialala 'nyo siya? Ako hindi eh. Pero kung interesado kayo sa kanya i-click 'nyo lang ang pangalan niya para makilala 'nyo hehehe.
...
Many thanks Ate Bing for the kutsinta!
.
Naputol lang ang aming pag-uusap (ni Ate Bing) 'nung tinawag na siya ng kanyang asawang Hapon. Bago siya tuluyang umalis ay binigyan niya ako ng kulay berdeng kutsinta para may mapapak naman daw ako pagsapit ng alas dose. (Hangsaklap talaga, hayz!) Nakisuyo na din siya sa kanyang mga amiga na ihatid kami sa istasyon ng tren para hindi na kami mahirapang maglakad papunta sa nasabing istasyon.
.
Looks like a haunted castle, ayt?

.
Habang lulan kami ng magarang sasakyan, ay nag-kodak kodak ako sa bawat lugar na aming nadadaanan. At ako'y napamangha sa nakuhang larawan...napamura ako sa sarili. Syet! Ang ganda! Perfect picture for halloween. The lights brought drama to the subject. Sinamahan pa ng silhouette ng lagas na puno ng Sakura. Perpek! Sa Cathedral na ito nagpapakasal ang mga mayayamang Hapon. Nakalimutan ko ang pangalan pero matatagpuan ito sa Fukai, Osaka.
.

I spent my Christmas with these gorgeous women. Right-left: Momskie, Manay Gina, and Shirley baby. Buti na lang magkapitbahay lang kami hehehe...
.
Pagdating sa istasyon ay nagyayang kumain ang inyong bida kasi sa mga oras na iyon ay hindi pa siya kumakain. Napagdiskitahan naming kumain sa tindahan ng Mr. Donuts. Ngasab. Higop-kape. Usap-usap. Tawanan. Pagkatapos 'nun ay dumiretso kami sa bahay nina Momskie. Kumain uli. Naghanda si Momskie ng pansit at ang paborito kong pritong danggit. May oranges din. At ang desert namin ay yung berdeng kutsinta na bigay ni Ate Bing hehehe...Hindi ko alam pero patay-gutom ako ng mga panahong iyon kasi nakaubos ako ng 3 plato hahaha!
.
Ganoon lang ang ginawa ko nung Pasko. Simple. Tahimik. At ako'y nagpapasalamat kasi kahit papaano ay may mga kaibigan pa rin akong karamay sa pagdiwang ng malamig na Pasko dito. Kayo ba anong kuwentong Pasko 'nyo? jijiji...
.
Binati na KITA pero babatiin uli KITA dito. Belated Haberdei Bro!

Saturday, December 19, 2009

Sharing Fruitcake

Ilang araw na lang magpapasko na talaga. Dito sa Japan walang holiday sa mismong araw ng Pasko kasi iba naman ang kanilang paniniwala. May holiday dito pero sa December 23 naman ito bilang paggunita sa kapanganakan ng kanilang emperador. Speaking of Emperador, ito'y alak na sikat na sikat sa aming tahanan gawa ng paborito ito ng tatay ko. Hindi ito nawawala tuwing may okasyon sa bahay. Mabilis akong malasing nito kasi hindi naman ako hard drinker kaya mas gusto ko pa talaga ang beer hehehe. Malamang ngayong Pasko present na naman ang Emperador sa bahay. At absent ako sa session nila hayz!
.
Anyways, dahil Pasko na naman, i-share ko na lang sa inyo ang medyo nakalalasing din na Fruitcake ng Eraserheads. Ito ang madalas kong pinapatugtog sa bahay 'nun tuwing Pasko. Gusto ko kasi ang musika ng E-heads kahit hanggang ngayon. Sana magustuhan 'nyo din ito. MALIGAYANG PASKO po sa lahat. Buhayin natin ang totoong diwa ng Pasko sa ating mga puso...

Friday, December 11, 2009

Year-end Party



Yeah, we had our early year-end party last week. It was held at Plum de Yume hotel. The place was awesome. Never been into a kind of place that instills a sense of nature. Now I know why it is one of our sacho's* favorite hotels here in Japan.




.
The hotel is settled comfortably on the hills of Mie perfecture which is two hours away drive from Osaka. Whenever there is one, it is a perfect place for people to escape from the hustle and bustle life of the city. And I was fortunate enough of having the chance to experience the so-called lap of luxury for free weeee!!! hehehe...
.
.
I will never forget my one-of-a-kind onsen ryokan* experience (Japanese hot spring public bath). I guess you guys have heard of this thing like bathing naked together with the other naked people while enjoying the water. I think that was it and never will try again hahaha....
.


Hotel Lounge...


Before the party was officially started, our company president first talked about the past, the present and the plans for the company's future pero konti lang ang naintindihan ko nakalimutan atang may isa silang empleyadong dayuhan hehehe.


It's chow time! Sushi* was served while nabe* was heated up.



Nabe*, popular food in Japan during winter time. I love its oriental taste and it keeps my body warm. Parang may aphrodisiac ata yung pagkain hehehe...


......From left to right: The Company's VP, EO secretary, the President and me.


To sum it up, I really enjoyed the party. I did not have the chance to saunter along the place coz ' we arrived 6 pm in the hotel and left around 7 am the next day. Zannen desu ne*.

Sacho*- Company president.
Onsen Ryokan*- hot spring. Japanese are onsen addicts hehehe...

Nabe* (pronounced as NA-beh)- is the Japanese word for a pot or pan. But it also means a one-pot dish where several ingredients are cooked together in a broth.
.
Zannen desu ne*- Japanese act or sound of sighing.

Monday, December 7, 2009

Be-Happy Day!

.
Peepz! Sisingit lang muna ako saglit ha. Mabilis lang 'to pramis!hehehe. Babatiin ko lang ng Happy Birthday si "CutE" ngayong araw na ito. Gustuhin ko mang pumunta sa birthday niya ay hindi puwede kasi ang layo ng place niya sa place ko dito (balita ko pa naman magpapa-ice cream siya kahit taglamig na dito hehehe) atsaka mahal ang pamasahe kaya dito ko na lang idadaan ang pagbati para kahit papaano special ang dating o ha! o ha! May ganito pa akong nalalaman jijiji...Masaya din ako para sa kanya kasi this week uuwi na siya ng Pilipinas (at ako ay nainggit na naman hayz!). Isa siya sa mga malalapit na ka-batch ko noong kami'y nag-aaral pa sa Yokohama city. Just missed those days...
.
Paano "CutE", kitakits na lang pag uwi ko ng Pilipinas. Keep in touch! *Wink* Otanjoubi Omedetto Gozaimasu! Odaiji ni!

---0OOo---


...at ipagpaumanhin 'nyo po sana lalo na kay pareng Lord CM ang late na post na ito patungkol sa kanyang kampanya para sa "Isang Minutong Smile" . Ngayong araw gaganapin ang nasabing event. Sana ay makahabol pa ito. Medyo naging abala lang kasi tayo sa trabaho kaya bihira lang makadalaw sa blogosperyo. Gayunpaman, hindi ko pa rin nakakalimutang mag...

SMILE!

Tuesday, December 1, 2009

The Magic Word


While at work...
.
Lolo : Kyou no ban wa nani shimasuka? ( What are you going to do tonight?)
Jag : Eto...naze Tobi san? (Ummm...Why asked Mr. Tobi?)
Lolo : Watu` ju rayk tuh itu` foah dinah?
Jag : You mean what do I want to eat for dinner?
Lolo : Y-yess!

I know that it`ll be another treat again haha...but I still humbly answered him like...
.
Jag: Umm...I still don`t know what to cook for tonight. (pa-blind effect kuno hehe)
Lolo: No no no...ma-my treat...W-we will eat outside tonight. A-I`m inviting you. Ma-my treat.

Ting!!! And the magic word "treat" came out haha...And it`s like I've heard the dulcet notes again hehehe...

It was friday night when we went out for dinner. That time, we decided to dine in a Yakiniku* restaurant which is just 15 minutes away from my apartment. Lolo, by the way is our chief engineer. The whole week for him was stressful, the reason why he wanted to relax and nominicate* with us after work.

It was around 7 pm when we reached the place. As we entered, a warm Irasshai* greeted our ears from one of the staffs. Only few people were eating at that moment. It was our first time to eat in a kind of restaurant that only serve stuffs from cow. And I really mean stuffs from cow hehehe...



I assumed it's a welcome greetings...


The dining table...

Japan's finest draft beer was served. I so love the taste.


Heating up...

Raw and fresh...

Cow's tongue...


And fresh vegies too...


I don't know how they call it but certainly it's from cow's neck...


And charaaaaan! The spicy grilled cow's ball...


That's what Yakiniku is all about.

What can I say? Uhm...I just can't eat those stuffs without the beer hahaha...Some tasted like an eraser. Wonder why I know the taste of an eraser? 'Coz I used to eat eraser when I was a kid especially the scented ones hahaha. But seriously, I thoroughly enjoyed the evening. Siyempre libre hehe. The service was good and they have a warm and relaxing atmosphere. The prices aren't that bad too, affordable for an average person who perhaps dines out once a month.
.
Domo Arigatou Gozaimashita Tobi san!

*Yakiniku - pertaining to meat roasted over an open fire. "Niku" Japanese term for flesh or meat. "Yaki" means roasting.

* Nominicate or nominication- This term is famous for busy Japanese people who wish to dine out and drink together with their colleagues. Taken from the combined words "Nomu" which means to drink and communication.
.
*Irasshai- Japanese welcome greetings.

Thursday, November 26, 2009

Awards Night

And the winner is...(mahabang drum rolls)

JAG of Kaleidos! . (palekpeken at hiyewen ang mga tae)

Nang marinig ko ang aking pangalan, ako'y dagling tumayo sa aking kinauupuan at tumungo na sa entablado para magpahayag ng nararamdaman sa dami ng awards at appreciation na natanggap ng gabing iyon. Ako'y maluha-luha at nanginginig pa lalo na ang aking kisabol leps (xprosaic 'wag ka ng magreact shall I compare thee to a summer's day? those were the silly days hahahaha) sa sobrang excitement. At ako'y nagsalita sa harap ng mapanuring mata ng madla...

Ang Speech ko...

Una sa lahat (singhot muna kasi tumutulo na ang sipon at luha ko) nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa ganitong oportunidad na dumating sa buhay ko. Utang ko sa'Yo ang lahat ng ito (ganun naman talaga ang umpisa diba pag magspeech ka kasi nakatanggap ka ng award hehehe)...

BLAH...BLAH...BLAH...( i-short cut ko na baka maumay kayo sa speech ko jijiji)

... sa parangal at papuri na ipinagkatiwala at iginawad sa akin...
.
Ang cute na si Roanne ng ''The Journey of the Prodigal Daughter" para sa napakagandang FRIENDSHIP BADGE maraming salamat! Nawa'y i-tour mo ako diyan sa Macau pag napadpad ako diyan ha hehehe...ikaw lang ang nag-iisang blogista na nakapansin na kahit may sakit ako nakakapagblog pa rin in the name of blogging wahahaha with matching pictures pa yun ha? o ha! o ha!... hahahaha...
.

---ooOOoo---
.
Ang kapwa inhenyerong si Scofieldjr ng "Tinta de Filipinas" para sa BUILDING BRIDGE AWARD. Salamat sa award na ito kahit bago lang nagkurus ang mga landas natin dito sa blogosperyo...Nainspired din ako sa latest post mo tungkol kay "Efren"...
.

.

Patungkol naman sa pagTAG mo sa akin... What are the three things in this world that makes or made me smile...Heto ang mga sagot na dumaan pa sa matinding pag-aanalisa hehehe...

.

1.) Napapangiti (with matching kilig) ako pag sinasabihan ako ng gwapo, pogi, cute at iba pang forms ng katawagan nito. Kahit obvious naman, walang sawa pa rin akong tumatanggap ng compliments hahahaha joke!

.

2.) .Internet. Parang malaking kabawasan sa buhay ko 'pag walang internet lalo pa't nasa ibayong dagat ako. Ika nga internet: packed in one. News. Entertainment. Games. At heto pa, sa internet ko din natagpuan ang mga makukulit kong tropapitz lalo na dito sa blogosperyo na nakakapagpa- Ismayl sa akin everytime may comment sila sa posts ko weeee!

.

3.).Tulog. Medyo demanding ang trabaho ko sa ngayon kaya medyo salat din ako sa tulog. Ikakatuwa ko 'pag marami ako nun. 'Wag lang yung tipong tulog forever wahahaha...

---ooOOoo---
.

At sa walang kupas sa pagka-kolokoy, Drake ng "Utak ni Drake" para sa appreciation niya sa post na Commentator para sa akin. Ispisyal minsyun ako kasama ng iba pa doon hehehe... Ako'y na-tats pramis. Hindi ko sinunod ang payo mo na uminom ng Royal at DILAW na aspilet kasi wala ang mga 'yun dito adik! Ano nga palang meron sa dilaw? Hindi ba pwedeng orange o kaya blue na aspilet? Wahahaha...Salamat pero magaling na ako pre jijiji...
.


---ooOOoo---
.
At sa inyong lahat mga FANS ko. Hindi ko na kayo iisa-isahin pa kasi alam kong marami kayo hehehe.Maraming Salamas este SALAMAT sa pagtangkilik sa akin este sa blog ko pala hehehe...I am happy 'coz somehow I have found friends of your being (kahit dito lang sa mundo ng blog). Kahit papano, nakakalimutan ko ang homesickness sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, opinion at pakikipagkulitan sa INYO. Yaan 'nyo gagawa ako ng napakaprestihiyosong AWARD sa mga die hard fans ko Pramis! Pero hindi pa sa ngayon kasi medyo busy pa ang BIDA eh gatambak kasi ang reports kasi patapos na ang buwan. Maraming salamat kasi kahit once a week lang ako may entry sa blog ko di ninyo ako nakakalimutang dalawin (Tumulo uhog ko doon ah?jijiji)...


(Isipin 'nyo na lang na nasa eksena tayo ng AWARDS NIGHT para BONGGANG-BONGGA ang dating haha) Siya tama na 'to habang tumatagal nagiging corny na kasi hahahaha!


MARAMING, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!

Wednesday, November 18, 2009

Sick of Being Sick!

I woke up this morning with a heavy and whirling sensation. In spite of it, I still managed myself to report for work (coz` I need to send some important machine program files needed by my co-engineers in Thailand). While I was simulating the program, our Koujou Cho* noticed my red face. He touched my forehead and said many things in Japanese until he arrived to saying that I should go home and take some rest. I told him that it`s tolerable but he insisted. I was still able to finish the task before I left the workplace.

As soon as I arrived my apartment, things started to get worse. I felt like my head`s going to crack. It`s like it was pounded. I felt so cold too. Never I considered myself a weakling but at that moment my body finally succumbed to its maladies.

Tried to eat my lunch and the food seemed tasteless...



Took my meds before I went to sleep...


Ang hirap magkasakit lalo`t kung nag-iisa ka. Buti na lang mabait ang bosing...

Around six in the evening, my Koujou Cho came to visit me. He brought me foods and beverages. He was happy to see me in a better condtion (sleeping helped a lot) . I guess nothing`s so serious about my condition. Maybe it`s just my body`s reaction towards the cold climate here in Japan.

Just need more sleep then I will be fine...I will be fine!

*Koujou Cho - factory/ company manager.


Saturday, November 14, 2009

The Perfect Emo

Titila pa ba ang ulan?


Makulimlim...Malamig...Maulan...

Malumbay...Tahimik...Nag-iisa...

Mga salita kung saan bumibida si pareng "Kalungkutan". Siya ang kasa-kasama mo sa tuwing ika`y nalulungkot. Nandiyan lang siya parati hangga`t gusto mo. Hindi ka niya iiwan...
.
Habang pinagmamasdan ko ang bawat butil ng ulan na humahalik sa pisngi ng lupa, ay naalala ko ang mga unos na minsan ding humalik sa aking buhay. Unos na likha ng sariling pagkakamali. Mga pagkakamali na sana`y pwedeng balikan upang ito`y maituwid. Ngunit sadyang mahirap kalabanin ang panahon. Hindi mo ito kayang hilahin pabalik at pigilan. Masakit man pero walang magawa kundi ang tanggapin ito. Nakapanghihinayang oo, pero tao lang ako.

May mga unos din sa ating buhay na kahit wala kang ginawang pagkakamali ay dumadaos pa rin. Kahit ang pinakamatalinong nilalang sa daigdig ay hindi kayang kalkulahin kung papaano ito iwasan. Basta na lang itong kakatok at hahagupit sa tahimik nating mundo. At sa bawat lupit ng hagupit nito ay may mga matang luluha, may mga pusong masasaktan at... may magluluksa. Sadyang kay lupit. Bakit nga ba kailangan pang mangyari ang mga ito?
.
Tuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Lahat ng bagay sa labas ay tigmak. Habang tumatagal, lalong lumalamig ang panahon. Dumidilim na din ang paligid. Ako`y di makalabas ng bahay. Nag-iisa at nagkukulong sa apat na sulok ng aking silid. Nagmumuni-muni habang unti-unting inuubos ang kape sa tasa. Sa pagkakataong ito, di ko natakasan si "Kalungkutan". Ngunit sa pagkakataon ding ito, si "Kalungkutan" ang siyang nagbigay daan upang ako ay magising at tumawag sa Poong Maykapal. Siya lang talaga ang masasandalan sa oras ng kadiliman lalo pa`t ako ngayo`y nag-iisa na nakikisalamuha sa bansang banyaga. Nawa`y hindi lang sana natin Siya maalala sa mga oras kung kailan tayo`y nagigipit at nalulungkot kundi sa bawat oras ng ating buhay na hiniram lang natin sa Kanya. Kaya minsan naisip ko, kaya siguro`pag gusto ng magpapansin ni Lord sa atin, ay ipinapadala Niya si pareng "Kalungkutan" upang mangulit at ipaalala sa bawat isa sa atin na may Diyos, ang May-akda ng lahat.
.
Ipagpaumanhin `nyo pero di pa dito nagtatapos ang ka-emohan ko. Dahil sa gusto kong mag-emotional release, idinaan ko ang nararamdaman sa pagkanta. Isang pagbibigay-pugay sa ating Diyos na lumikha. Bawat taludtod ng kanta ay iniaalay ko sa Kanya bilang pasasalamat. Pakinggan `nyo.
.
P.S : Walang kokontra, moment ko `to! hehehehe...

Saturday, November 7, 2009

Oh My Gadge!

The Land of the Rising Sun. Not only known for its rich culture, or the unparalleled scenic spots , Japan is also renowned for the high quality and innovative electronic devices. From a small specialized devices to gigantic machines, Japanese technology has earned a good reputation to masses around the world. During my stay in Yokohama AOTS Institute, my sensei* told me that if I plan to buy a gadget, I should go to Akihabara ( Japan's largest electronic shopping center) `coz they slash the price upto 50%. Unfortunately, the place where I am situated now is very far from that place. It takes 6 long hours of travel by Shinkansen* from Osaka to Tokyo. And the fare rate is very expensive. Forth and back would cost around 30,000 Yen.

Good thing Osaka has Nipponbashi, another town for electronics and gizmo. Almost everything is offered at reasonable prices from weird stuffs (like electronic cigarette) to practical items. If you cannot understand the Japanese` Kanji writings (like me) , make sure you buy stuffs that has an English manual and/or has an English setting. For temporary residents (like me again hehehe) who plans to bring electronic items into their own country, it is very important to check how much voltage is required in the device, otherwise you have to use an AVR or transformer. Japanese residential house service type is only 110 Volts .
I go there once in a while. To shop. To meet friends. To unwind. Let me take you to where I had been. The Nipponbashi.



From Izumi Chou station, I have to pay 620 Yen for my train ticket heading to Namba City, where Nipponbashi is located.


Gotta go!


The Nipponbashi.



I was an Ultraman fanatic when I was a kid.


I went to the Ultraman Shop to buy my nephew a toy.



What do you think this store is selling? Oops! For adults only hehehe...I was prohibited to get inside because I`m only 17 hahahahaha joke!


If you`re a type who keeps ahead of the crowd in terms of gadgets, buy this supercalifragilistic expialidocious mobile phones hehehehe...


I love playing guitar.



Hope you enjoyed the short trip with me hehehehe...I also want to share with you my precious things that I bought at Nipponbashi. Take a look hehehehe...

A.) Exemode DV580HD video camera B.) Kenko SK-100 Alloy Tripod C.) Eternity Perfume for men by Calvin Klein D.) Canon IXY Digital 930 touch screen camera E.) Envy cologne spray by Gucci F.) Sony PSP-3000 PB G.) Mitsubishi CL-3207 flashlight limited edition H.) X01HT HTC slide touch phone I.) Panasonic CF-W4 notebook


* Sensei- a teacher/ professor.

* Shinkansen- one of the world`s fastest train called bullet train.





Sunday, November 1, 2009

The Birthday Slash Halloween Party


Ang mga dumalo.


Still up and tipsy as of the moment. I just can`t manage to sleep when alcohol is still circulating in my system. Adunno but it feels like the world is turning upside down everytime I try to get some sleep. So before I could puke (oops) and mess up, I will make myself busy tonight to get over it. While I`m trying now to be temperate, let me tell you what happened one hour ago.

While the world celebrated halloween, my friend Shirley also celebrated her natal day. Me and some of friends went to her flat. Almost 2o people occupied the place, one of which is a Japanese (a friend`s friend). I was so happy to see the old folks again and meet new acquaintances as well. I was even happier when I saw the mouth-watering adobo, pansit, dinuguan, mechado, pritong manok, maja blanca atbp on the table. How I missed those stuffs. Nagmistulang PG* ako ng mga oras na `yon hehehehe...




Simut-sarap!



Ohari san sings Sukiyaki with Mamita.



The party did not end up just by eating, drinking and singing. Around 10 pm, they set a home version discotheque. With elaborate lighting and good music, things were feeling right for a party. I really enjoyed it. I left the place past 12.





Beer pa day!



Dance...Dance...Dance...




Feeling groggy...

Now for this last photo, I want you guys to determine if the white image apparently seen between me and Shirley is just a dust, an effect of light, or an orb which is believed to be the human soul forming into solid white ball? Creepy isn`t it? HAPPY HALLOWEEN!!!


The birthday girl, the orb and the red-face me hehehe...


*PG- Patay Gutom/Dead Hungry (laughs).


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner