Sunday, November 3, 2013

Aso by Siakol


"Ako'y may alaga,
asong mataba...
Buntot nya'y mahaba,
makinis ang mukha...
Mahal niya ako, 
mahal ko rin siya...
Paglalambing niya,
aking damang dama...

Ngunit minsan,
'di mo rin akalain...
Ang pangyayari,
ay nagbabago rin..."
 

Oo, kasi nakagat niya ako ng hindi sinasadya sa sobrang harutan namin. Siya ay 2-month old lang na Chow Chow. Hayun diretso ng ospital ang sumunod na eksena para magpaturok agad ng vaccine against rabies. Apat na turok agad ang sumalubong sa akin at apat pa na turukan ang magaganap bago matapos ang buwan na ito. Sighs!Hindi pa naturukan ng anti-rabies ang alaga ko kasi baby pa siya at baka hindi pa kayanin ng katawan niya sabi ng vet. Kaya hihintayin na lang namin na mag 3 months siya.

Pero kahit ganunpaman, mahal ko pa rin si Cody at hindi ko siya kayang saktan. Hindi tulad sa ending ng kanta sa itaas na ginawang pulutan ang alaga. :(







        
#StopCrueltyToAnimals
#BewareOfRabies
#MahalMagpaturokKayaMagingatMakagatNgAso

Monday, September 16, 2013

Still Here

ZZZZZZZZZZ....NGORK!
Hey there! Howdy? Hope everything is well with you guys despite all the crises our country is facing now. I just hope we'll get through it. I know God will not leave us behind. Let's just hope and pray that everything will be alright as we leave them to the power of the will of God. Aja! 

Anyways, I really missed here a lot and I missed you guys! YES. I am not yet dead. I am just hibernating hehe. It's not that I don't have an ample time to write. It's just that I am not inspired to write about anything. Yeah I know it's a poor excuse but for the longest time I was too lazy to share stuffs here that even me could not explain why haha! Forgive me for that. LOL

Seriously, marami na ang nangyari at nagbago sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Tama nga 'yung sinabi sa palabas na Forrest Gump na "Life is like a box of chocolate, you'll never know what you'll gonna get". Ganun nga. Life is indeed unpredictable. Uhmmm para lang din awtor ng KALEIDOS...Now you see him, the next time you don't. Ganun nga! LOLZ. Hindi ko nga alam kung may nakakakilala pa sa akin dito hahah! Ciao!

Sabi ni JAG mag-ingat daw kayo lagi! :)

Monday, April 1, 2013

The Mt. Makiling Challenge

 Huwebes Santo ng gabi nang mapagkasunduan ng barkada na akyatin ang Bundok Makiling. Dahil sa may kasama kaming taga doon ay hindi kami hinarang ng mga nagbabantay ng bundok dahil kilala naman siya sa lugar. Yun nga lang hindi na kami pinayagan na tumaas pa lalo't gabing gabi na at bengaw pa (lasing) ang kasama naming guide. Sa totoo lang parang kami pa ang naging guide ng kasama namin kasi panay antabay namin sa kanya at baka mahulog siya sa bangin dahil sa kalasingan. Lumagok ba naman ng tatlong bote ng gin bilog bago umakyat. Kaadikan lang.

Maaga kaming nagligpit kinabukasan upang ipagpatuloy ang pag-akyat. Di tulad ng iba, privileged kaming nakapunta sa pinakamasukal na bahagi ng bundok dahil nga may guide kami na taga roon. Doon na nagsimula ang aming penetensiya dahil nasa kundisyon na ang aming guide. Sinuong namin ang dapat ay hindi puwedeng puntahan.


Ang bilis kumilos ng aming guide. Parang naglalakad lang siya sa kapatagan. Yung ibang kasamahan ko umaatungal na dahil laging nahuhuli. Ako naman nag-eenjoy lang kasi iyon ang hanap ko--real adventure hehe...Pero nakaapat na oras na kami sa paglalakad ay hindi pa rin namin makita ang daan papunta sa tinatawag nilang Cogonan, isang lugar kung saan tanaw ang lahat. Only to realize na nawawala na pala kami. Kahit 'yung kasama naming guide ay hindi na rin tukoy ang aming dinadaanan.


Wala kaming dalang compass kaya wala kaming choice kundi ang magpatuloy sa paglalakad at tahakin ang hinahanap na lugar. Kinakabahan na din ako kasi napapansin ko na 3 beses na naming nadadaanan ang lugar na tila ba ay parang namamaligno na kami. At first hindi ako naniniwala pero nung nadaanan muli namin ang lugar na iyon, nag-alala na ako. Mag-aalas kwatro na kasi ng hapon ay wala man lang kaming makitang trail. Ewan pero may parang dinadasal si manong guide nang mapagtantong nawawala na kami. Tapos mas lalo pa kaming pinahirapan nang magdecide siya na mag-iba ng ruta at kailangang lumusong sa bangin na maraming halamang matitilos. Nasa halos kalahating oras din kami sa paglusong at hindi na nga kami umulit- ulit sa dinadaanan namin.


Nagtuloy kami sa aming paglalakbay sa kabundukan upang mahanap ang hinahanap na lugar. Mahirap pa rin ang aming pagtahak. Gayunpaman, nilibang ko pa rin ang aking mga mata sa mga tanawing hindi karaniwang nakikita ng mga tao sa kapatagan.


Kahit marami na akong sugat gawa ng mga matatalim na dahon at kahit na may 4 na leeches na ang sumisipsip ng aking dugo ay hindi ko na ito inalintana dahil sobrang nag-enjoy ako sa mga nadadaanang  tanawin.



At mayamaya pa ay may nakita na kaming trail. Marami na ding cogon na halaman. Narating na nga namin ang lugar, ang tinatawag na Cogonan, isang bahagi ng Bundok Makiling kung saan matatanaw ang lahat sa ibaba.



Napakasarap sa pakiramdam. Napawi lahat ng pagod namin. Parang isa akong diyos na nagmamasid sa kalahatan.


Gusto pa sana naming magtagal pa pero kailangan na naming bumaba. Akala ko magiging maalwan na ang paglusong namin sa bundok pero mas mahirap pa pala ang nangyari. Inabutan kami ng dilim. Nag-short cut kami. Dumaan kami sa bangin na tantiya ko ay nasa 80 degrees ang inclination. Sa sobrang wala na akong lakas sa pagpigil ng aking bigat ay muntik na akong mahulog. Buti na lang sumabit ang bag ko sa ugat ng puno. Akala ko katapusan ko na talaga. Mahal pa rin talaga ako ni Papa God. Hindi niya hinayaang mangyari sa akin iyon. 

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagbaba ay nakarating din kami sa kapatagan ng San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Sa nangyaring iyon ay wala akong pinagsisisihan. Bagkos marami akong natututunan. Mas mahal ko ang buhay ko ngayon. May mga kaunting galos lang at pasa pero ayos pa rin naman. Ang pag-akyat kong iyon sa araw ng Biyernes Santo ay isa sa pinakamahirap at hinding hindi ko malilimutang karanasan.


Thursday, February 28, 2013

5.26- Minute Post

Hola peeps! Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari dito. Pasensiya naman kung para akong kabute na bigla bigla na lang sumusulpot haha! Ewan ko ba ba't tinatamad pa rin akong magsulat. Kaya sa nth time ay dadaanin ko na naman sa pics ang blog na ito makapag-update lang haha. Konting sulat, more pictures LOL.

Nagkayayaan kasi ang friends na mag-ice skating at namimis ko na sila kaya sumama na ako kahit hindi marunong haha! Kaya gumora kami sa MOA. 


Kung dati ako ang nang-ookray sa mga pinapanood na naga-ice skate na di marunong, that time feeling ko ako naman ang binabaha ng batikos haha! Dapa dito dapa doon. Napunit pa tuloy ang pants ko hays!


Pero ok lang. Ang mahalaga naranasan ko ang mag-islayd islayd sa ibabaw ng yelow. At naka-bonding kong muli ang mga tropa.


Nang magutom ay kumain tapos nang matunawan ay bumalik ng muli sa pag-islayd islayd. This time, bihasa na ako. I'm so fast learner kaya hehe. Sumakit ang buo kong katawan pero sure na akong hindi iyon ang una't huling pag-islayd islayd ko. Uulit ako kasi naaadik ako hehe...

Wednesday, January 16, 2013

Napadaan Lang


What's been up? Pasensiya na kung ngayon lang uli tayo nakabalik sa sirkulasyon LOL. Marami lang ginagawa sa buhay lately. Kung kumusta na ako? Ayos naman. And I think this is a lucky year for me. Nararamdaman ko lang something great will come according sa ruling stars and planet ko hehe. Basta. Positive lang ako lagi no matter what and I just want to look good and feel good all the time. Knux! Sana ganun din kayo para maka-magnet tayo ng good karma :)

Akemashite Omedetto Gozaimasu Minna San!

Friday, November 30, 2012

All I Want For Christmas!


Pasko na! Yay! And I just can't help myself not to post this video greetings sa inyo :)

 
Sorry for the poor video quality. 

Pasensiya na excited lang for Christmas pati New Year din haha! Excited lang kasing umuwi ng probinsiya kaya kung ano ano ang sinasabi sa vid haha! Pati flute ay pinagdiskitahan haha!


 ---oooOOOooo--- 


Anyways, I was tagged by a long-time blogger buddy, Fiel-kun to list down what I want to receive for Christmas. And here they are:

Since I really love to travel, I would like YOU to give me a 6 vacation packages courtesy of YOU. (In-emphasize talaga ang YOU haha).

1.) Bellarocca Island Resort in Marinduque



2. Pagudpud, Ilocos Norte


3. Palawan






4. Asian cruise by RoyalCaribbean Int'l.






5. African tour


 6. Vatican City and a dinner with the Pope :)

Kung sino man po ang nahabag sa mga pangangailangan ko, taos-puso ko po itong tatanggapin haha! If you would like to share your dreamed Christmas gifts, magself-tag ka na lang and do the following:

1. Kindly use the same title and as well as the first second photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.


3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).


4. Send me the link so I could check it out too.




Merry Christmas Everyone! ;)

Wednesday, November 21, 2012

Kombensyon

 
Naging matagumpay ang pagdaraos ng ika-37 na taunang kombensyon para sa mga inhenyerong elektrikal noong nakaraang linggo. Isa ako sa mga dumalo sa apat na araw na event na iyon kaya medyo nawala ako sa sirkulasyon LOL. Nagparehistro ako hindi lang dahil sa kailangang makakuha ng CPE credits kundi sa kagustuhang ma-update na rin sa propesyon.


Bonggang bongga ang opening ng event. Nag-hire pa ng mga winners sa isang reality TV show ang organizers para magpresent. Hindi halatang pinaghandaan hehe...



May mga inanyayahan ding mga kilalang personalidad para sa okasyon na iyon.







Pero pinaka na-starstruck ako kay Miss Shamcey Supsup nung makita ko siya ng harapan. Ang goondo goondo talaga niya. Perfect! Gusto ko nga siyang iuwi kaso hindi ko alam paano gawin yun haha JOKE! Magaling siyang magsalita at hindi pa rin nawala ang tsunami walk niya. Sa totoo lang pinipigilan ko lang ang pagkakilig ko nun siyempre kailangang i-retain ang grace para sa pormal na okasyon na iyon LOL.


 Marami akong natutunang bagong teknolohiya sa mga exhibits. At marami din akong nakikilalang bagong contacts. Mahalaga iyon para sa ikauunlad ko LOLZ.

Sa apat na araw na iyon masaya ako kasi nagkaroon ng instant reunion. Nagkitakita kami  ng mga estudyante kong mga OJT noon. Kung titingnan sa larawan ay parang isa lang din ako sa kanila haha! 
Kunsabagay isang taon lang naman ang agwat ng mga edad namin LOL. Dumalo din ang iilan sa mga kaklase ko sa kolehiyo. Mahaba habang kumustahan dito at kumustahan doon. Yung iba family people na.

Nagkahiwa hiwalay lang kami nang madalas ng magparinig sila ng libre. Siyempre wais lang ako at isang di matatawarang alibi ang ginawa ko para  makatakas  lang haha! Andami kaya nila like 20 people? At hindi ako naging handa. LOL. Kaya sinabi ko na lang na babawi na lang ako by December kasi uuwi naman ako ng Davao weee!
 

To sum up, sulit na sulit ang pagtakas mode ko sa pinagtatrabahuang kumpanya este sa pag attend pala ng kombensyon na iyon hehe...

Extra's

Pramis nawawalan ako ng gana sa work kasi nagresign na ang isa sa mga inspirasyon ko sa trabaho. Pupunta na kasi siya ng Estados Unidos. And I don't know how to make it through. Chus! Musta po?

Thursday, November 15, 2012

Paradise Ranch and Zoocobia Fun Zoo

This time nature tripping naman kami. Kahit wla pang sapat na tulog ay gumala na agad para makarami .LOL. Sinusulit lang namin ang bawat sandali kasi alam namin na matagal tagal na ulit bago kami magkikitakita o baka nga hindi na mangyayari yun dahil may kanya kanya na kasing priorities sa buhay. 

Pinuntahan ng grupo ang Paradise Ranch at Zoocobia ng Clark, Pampanga. Sa entrance fee na 250 pesos ay sulit na sulit na ito para sa isang buong araw na pag-iikot sa lugar. Tamang tama ang lugar na ito para sa buong palilya para makapag-bonding pati na rin sa mga mag-aaral na nais mag-field trip dahil maraming matututunan dito tungkol sa mga hayop at habitat nito. Maayos naman ang mga facilities dun. May pool doon kung saan pwede mag-swimming at mga rooms para mag-stay overnight at buffet restaurant para sa unli-eating.


Kapag pupunta doon, mas mainam kung may dalang sariling sasakyan dahil medyo papasok, malayo at matarik ang lugar. Buti na lang masyadong generous ang bf ni kaibigan at pumayag siya na gamitin ang sasakyan niya.



Marami pa sana akong ikukuwento pero hayaan na lang na ang mga larawan ang magkwento sa inyo. Tinatamad na kasi akong magsulat. LOL.



Basta, nawili ako sa mga tanawin doon. Pero mas nalibang ako sa pakikipag-interact sa mga hayop doon tulad ng sa mga ibon, cat bear, ahas at marami pang iba.




May Night Owl Show pa sana bandang gabi noon pero hindi na kami pwedeng magstay longer kasi may pasok pa kami kinabukasan. Madugo ang pag-uwi namin kasi agawan ng masasakyang bus papuntang Maynila. After mahigit isang oras na pakikipagbuno sa terminal ay nakasakay din kami na naka SP hindi Student Privilege  kundi Standing Position. Ang saya saya lang ng biyahe noh? Nakakapagod man pero hindi kayang tumbasan ng anuman ang saya na idinulot ng maigsing bakasyon na iyon kasama ang mga malalapit na kaibigan. Hanggang sa muli. Bow! LOL

Extra's:

I saw Miss Shamcey Supsup kanina sa convention ng harapan at wala akong masabi kundi argggh she's so damn hawwwttt! I really admire her for she's got everything. PERFECT!  I will tell you more stories about her 'pag natapos na ang convention hehe. Ciao!

Monday, November 12, 2012

Hopping On Hundreds of Islands

Isa sa mga must-visit destinations ko ang 100 Islands ng Pangasinan. Tinatalakay pa lang sa asignaturang HEKASI noong nasa mababang paaralan pa lamang ako ay pinangarap ko ng makapunta dito. Hindi ko aakalaing matutupad ang isa sa mga pangarap ko *teary-eyed*  noong nagdaang undas LOL. Kaya kahit overly bagot na ako noon sa kahihintay sa mga kasamahan ay nanatili akong positibo. Ayoko na din sirain ang mood ko bagkus piniling maging masaya sa trip na iyon.

                               

Mag-aalas onse na ng umaga nang sapitin namin ang lugar. From city proper ay sumakay kami ng tryke at 50 pesos lang ang pamasahe sa lahat. Magalang at accommodating ang lahat ng staffs na nag-assist sa amin. Nag-rent kami ng bangka worth 1400 Pesos lang which is good for 5 people. Unlimited island hopping na 'yun basta ba hanggang 6 pm lang. Kung kaya ba naman isa isahin ang 123 Islands eh sa isang buong araw bakit hindi hehehe. Ngunit subalit datapwat ay tanghali na kami dumating ay ni-request ko na lang kay mamang bangkero na dalhin na lang kami sa mga pinaka at dabests na mga isla. Buti na lang at game si kuya at pinagbigyan niya kami sa aming kahilingan.




 

Dinala kami ng sinasakyang bangka namin sa iba't ibang isla. May maliit, may malaki, may hugis buwaya, may hugis pagong, may hugis et*ts sawa, at marami pang iba ngunit ang pinakanamangha ako ay nung pumunta kami sa napakakipot na lagusan ng isang yungib doon. Sayang at hindi waterproof ang camera na dala ko noon. In short, hindi ko nakuhanan ng larawan ang kaloob-looban ng kwebang iyon. Kakaiba lang ang naramdaman ko ng pasukin namin ang kwebang iyon habang nakababad sa malalim, malamig at malinaw na tubig. Nakakatakot lang ang aura ng lugar kasi madilim. Naglalaro tuloy sa isip ko what if may halimaw na biglang mag-appear sa tubig. Nang mabanggit ko iyon ay biglang nagsigawan ang mga chikabebes sa takot haha! Napagalitan tuloy kami ni manong bangkero slash tour guide kasi dapat quiet lang daw kami baka kasi mabulabog ang mga paniki na natutulog doon hehehe...Galit na galit ang mga girls sa akin haha! Nang mapadako na kami sa pinakaloob ng kweba, sumilay sa aming mga paningin ang ganda na likha ng kalikasan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay animoy mga diamante na nagrereflect sa walls ng yungib. Sinamahan pa ng naghahabaang stalactites at mapuputing stalagmites. Out of this world ang epekto sa akin noon. Masasabi kong masuwerte ako at naranasan ko ang kakaibang karanasan na iyon na alam kong hindi lahat ay  nabibigyan ng pagkakataon.

Nang makaramdam ng paglakas ng alon ay napagkasunduang lisanin na ang lugar. Isa isa kaming lumusot sa butas na singlaki lang ng butas ng balde. Mahirap lumabas doon. Kaya para mapadali ay sinabihan ko ang mga chikabebes na nasa likuran na namin ang mga lumalangoy na zombies hayun tilian na ulit sila haha! Kalokohan ko lang haha!


Mula doon ay nawili na ako sa pagpasok sa naglalawang kweba LOL. Iba't ibang kweba. May malalim. May mababaw. May madilim. May mabuhok mabato. Common denominator: maraming paniki, mapanghi. Joke!




Fruit bats in deep slumber.


Nang makaramdam ng gutom ay tumambay muna kami  sa isang isla at pinagsaluhan namin kasama sina manong bangkero ang bucket meal at iba pang pagkain. Note: Magdala ng sariling pagkain para makatipid. Medyo pricey ang mga pagkain sa isla.

Isa din sa kakaibang experience na narasan ko ay ang sumisid sa mga kabibe LOL. Ang lalaki lang. Nakakatakot ang mga giant clams na bumubukabukaka (Whutta term haha). May singlaki ng isang salbabida doon na hindi ko kinaya at pakiramdam ko ay lalamunin ako.


Pagkatapos nun ay nagpakasawa na kami sa pictorial haha!Katawan kung katawan. Ilang kilong baboy ang bibilhin 'nyo? LOL.

Si mamang bangkerol LOL


O siya lilipad na muna ako sa kabilang ibayo para gumala naman sa Pampanga...Abangan... Babuh!

---oooOOOooo---

Extra's:

Ipagpaimanhin 'nyo po kung hindi ko kayo masyadong nadadalaw sa mga bahay bahay 'nyo. Babawi na lang ako 'pag medyo nakaluwag luwag na :)

Friday, November 9, 2012

November One

 Napaaga ang dating ko sa Alaminos City. Ala una pa lang ng madaling araw ay lulan na ako ng bus terminal doon. Ang usapan kasi ng grupo ay magkikita ng alas 6 ng umaga. Kumusta naman ang limang oras ng paghihintay sa isang hindi pamilyar na lugar di ba? Sa lahat ng bagay ay ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako. 30 minutes nga lang ng paghihintay ay kumukunot na ang noo ko at nangangailangan na ng madugong paliwanagan kung bakit late eh yung limang oras pa kaya?

Dahil sa sobrang bagot ay sari-sari na ang naiisip ko noon. Naiisip ko ng mamik-ap na lang muna at mag oye oye pero hindi naman ako ganun. Hindi ko kayang bahiran ang super banayad kong budhi. LOL. Kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagawa kong matulog sa terminal. Inokupa ko ang buong bench like I don't care at all kung hindi na makakaupo ang ibang pasahero. LOL. Joke lang. Siyempre kakaunti lang kami 'nun kaya ok lang hehe...

Maya't maya pa ay biglang may tumapik sa aking balikat at ginigising ako. Sa pagmulat ko ay nakita ko ang aking lolo, lola, tito at tita, maaliwalas at nakangiti sa akin. Ang bango nila. Mahirap ipaliwanag ang amoy basta masarap ang amoy sa ilong. Tinanong ko pa sila kung paano nila ako natunton eh sa pagkakaalam ko eh wala akong kamag-anak na pinagsabihan sa biyahe ko. Muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko ng mapagtanto kong lahat ng kinakausap ko ay sumakabilang buhay na pala mga ilang taon na ang lumipas. At bigla na lang akong nagising, pawisan. Pagtingin ko sa orasan ay alas singko ng umaga na pala. Dahil sa panaginip na iyon naisipan kong magpunta ng simbahan. Nagkataong malapit lang ang Cathedral of Saint Joseph. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila kaya ako ang dinalaw nila upang magpaalala.


Pagpasok ko ng simbahan ay nakaramdam ako ng init sa katawan at maya maya lang ay umusok na at lumiyab ang buong katawan. Chos! Haha! Seriously, mataimtim akong nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga mahal ko sa buhay. Tingin ko naman masaya sila sa kinaroroonan nila ngayon. Masaya na rin ako kasi sa tagal ng panahon ay ginagabayan pa rin nila ako kahit saan man ako dumako.


Kakaunti lang ang mga sumamba noon. Siguro wala pa kaming sampu. Matapos ang misa ay nag ikot ikot sa kabuuhan ng cathedral at kumuha ng larawan ng isang magandang istruktura. Mag-aalas siyete na ay wala pa rin ang mga kasundo. Gusto ko ng magwala 'nun pero dahil sa na enlighten ako (char) hindi ko na itinuloy. 

Alas diyes na ng umaga at tumunog ang selepono ko. Dumating na sa wakas ang mga kasama ko. Di ba ang saya lang? 9 long hours of waiting in vain hays! Buti na lang maraming interesante sa lugar. Kahit papano ay nalibang din ako sa paglilibot dito. Nang magkitakita ay tumungo na agad ang grupo sa pinupunteryang lugar, ang Pangasinan's pride, Hundred Islands. Abangan.

 ---ooOOOoo---

Extra's:
Maugong ang salitang BONUS sa kumpanya ngayon dahil malapit na ang Pasko. Sana malaki ang evaluation ng boss sa akin para malaki din ang bonus haha! Asa pa! Haha! Basta may bonus ok na ako dun may pambili ng puto sa may kanto LOL. Ingat pips! :)


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner