Isa sa mga must-visit destinations ko ang 100 Islands ng Pangasinan. Tinatalakay pa lang sa asignaturang HEKASI noong nasa mababang paaralan pa lamang ako ay pinangarap ko ng makapunta dito. Hindi ko aakalaing matutupad ang isa sa mga pangarap ko *teary-eyed* noong nagdaang undas LOL. Kaya kahit overly bagot na ako noon sa kahihintay sa mga kasamahan ay nanatili akong positibo. Ayoko na din sirain ang mood ko bagkus piniling maging masaya sa trip na iyon.
Mag-aalas onse na ng umaga nang sapitin namin ang lugar. From city proper ay sumakay kami ng tryke at 50 pesos lang ang pamasahe sa lahat. Magalang at accommodating ang lahat ng staffs na nag-assist sa amin. Nag-rent kami ng bangka worth 1400 Pesos lang which is good for 5 people. Unlimited island hopping na 'yun basta ba hanggang 6 pm lang. Kung kaya ba naman isa isahin ang 123 Islands eh sa isang buong araw bakit hindi hehehe. Ngunit subalit datapwat ay tanghali na kami dumating ay ni-request ko na lang kay mamang bangkero na dalhin na lang kami sa mga pinaka at dabests na mga isla. Buti na lang at game si kuya at pinagbigyan niya kami sa aming kahilingan.
Dinala kami ng sinasakyang bangka namin sa iba't ibang isla. May maliit, may malaki, may hugis buwaya, may hugis pagong, may hugis et*ts sawa, at marami pang iba ngunit ang pinakanamangha ako ay nung pumunta kami sa napakakipot na lagusan ng isang yungib doon. Sayang at hindi waterproof ang camera na dala ko noon. In short, hindi ko nakuhanan ng larawan ang kaloob-looban ng kwebang iyon. Kakaiba lang ang naramdaman ko ng pasukin namin ang kwebang iyon habang nakababad sa malalim, malamig at malinaw na tubig. Nakakatakot lang ang aura ng lugar kasi madilim. Naglalaro tuloy sa isip ko what if may halimaw na biglang mag-appear sa tubig. Nang mabanggit ko iyon ay biglang nagsigawan ang mga chikabebes sa takot haha! Napagalitan tuloy kami ni manong bangkero slash tour guide kasi dapat quiet lang daw kami baka kasi mabulabog ang mga paniki na natutulog doon hehehe...Galit na galit ang mga girls sa akin haha! Nang mapadako na kami sa pinakaloob ng kweba, sumilay sa aming mga paningin ang ganda na likha ng kalikasan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay animoy mga diamante na nagrereflect sa walls ng yungib. Sinamahan pa ng naghahabaang stalactites at mapuputing stalagmites. Out of this world ang epekto sa akin noon. Masasabi kong masuwerte ako at naranasan ko ang kakaibang karanasan na iyon na alam kong hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon.
Nang makaramdam ng paglakas ng alon ay napagkasunduang lisanin na ang lugar. Isa isa kaming lumusot sa butas na singlaki lang ng butas ng balde. Mahirap lumabas doon. Kaya para mapadali ay sinabihan ko ang mga chikabebes na nasa likuran na namin ang mga lumalangoy na zombies hayun tilian na ulit sila haha! Kalokohan ko lang haha!
Mula doon ay nawili na ako sa pagpasok sa naglalawang kweba LOL. Iba't ibang kweba. May malalim. May mababaw. May madilim. May mabuhok mabato. Common denominator: maraming paniki, mapanghi. Joke!
|
Fruit bats in deep slumber. |
Nang makaramdam ng gutom ay tumambay muna kami sa isang isla at pinagsaluhan namin kasama sina manong bangkero ang bucket meal at iba pang pagkain. Note: Magdala ng sariling pagkain para makatipid. Medyo pricey ang mga pagkain sa isla.
Isa din sa kakaibang experience na narasan ko ay ang sumisid sa mga kabibe LOL. Ang lalaki lang. Nakakatakot ang mga giant clams na bumubukabukaka (Whutta term haha). May singlaki ng isang salbabida doon na hindi ko kinaya at pakiramdam ko ay lalamunin ako.
Pagkatapos nun ay nagpakasawa na kami sa pictorial haha!Katawan kung katawan. Ilang kilong baboy ang bibilhin 'nyo? LOL.
|
Si mamang bangkerol LOL |
O siya lilipad na muna ako sa kabilang ibayo para gumala naman sa Pampanga...Abangan... Babuh!
Extra's:
Ipagpaimanhin 'nyo po kung hindi ko kayo masyadong nadadalaw sa mga bahay bahay 'nyo. Babawi na lang ako 'pag medyo nakaluwag luwag na :)