Saturday, October 20, 2012

Usapang Kuryente at Buhay

Sabi nga learning is a continuous process in life. At bilang isang electrical engineer, minabuti kong sumama sa isang seminar for electrical practitioners na ginanap sa isang hotel sa Ortigas. It's been so long na din na hindi ako uma-attend ng mga ganitong seminars and conventions . Naisip ko kasi kailangan ko lang mag-update sa propesyon ko.


Sa seminar na 'yun hindi lang solusyon sa power quality problems ang natutunan ko o ano ang kaibahan ng voltage sa current harmonics o kaya bakit minsan may occurence ng ground potential rise and etcetera. Natutunan ko din ang mga simpleng bagay bagay  sa ating mga buhay tulad ng:

1.0. Yung salitang brownout ay hindi talaga existing sa Pilipinas. Ang tamang gamit talaga ay blackout. Kung bakit nauso ang brownout? Noong unang panahon kasi sa Estados Unidos everytime daw na nagkakaroon ng voltage fluctuation at dahil noon ay incandescent bulb lang gamit, nagkukulay brown ang ilaw 'pag medyo hindi sapat ang boltahe na dumadaloy sa isang sirkito, kaya brownout.

2.0. Nagkakamali rin pala ang mga matatalino (oo naman tao lang eh). Naalala ko noong bata bata pa ako sinabi ni Ernie Baron na kaya daw hindi nakukuryente ang mga ibon 'pag dumadapo sa mga kawad ng kuryente kasi may special insulation daw ang mga paa nito. Pero mali siya...iyon po ay dahil iisang linya lang ang dinadapuan nila at walang potential difference na maaring pagdaluyan ng kuryente. Nagkakaroon lang ng pagdaloy ng kuryente kung may dalawang linya o kaya isang linya at ground. Pero 'pag sumabit pa sa kabilang linya ang dumapong ibon sa isa pang kawad ng kuryente, that's the time na magiging inasal na sila kasi ang katawan mismo ng ibon ay nagsisilbing conductor na dinadaluyan ng kuryente papunta sa kabilang linya...

3.0 Marami pa akong natutunan sa seminar na iyon pero may isang bagay ang tumatak sa isip ko at natutunan sa sarili. Natutunan kong kailangan ko pa palang matuto sa maraming bagay sa buhay...maraming marami pa talaga hindi lang bilang isang inhenyero kundi pati na rin bilang isang tao. Sa panahon ngayon, marami ang nayayamot sa buhay dahil sa hirap na dinaranas dito. Yung iba sinisira ito at kung minsan humahantong pa sa pagkitil nito.Maganda ang buhay at mahiwaga. Tayo na't alamin at tuklasin ito kalakip ang patnubay ng Poong Maykapal :)



Life is precious...let's enjoy it! Kung hindi kukuryentehin ko kayo. LOL

Saturday, October 13, 2012

No One Can Disgrace Us But Ourselves

Tuwang-tuwa ang kasamahan ko sa trabaho sa nabili niyang I-Phone dahil nakuha niya lang ito ng murang mura sa bangketa. Okey lang naman sa kanya kahit hindi ito gumagana tulad ng sa tunay na unit kasi nga mura nga lang ito. Kung titingnan ang pekeng unit aakalain mo talagang orig ito.

Minsan na-battery empty ang pekeng telepono niya kaya kailangan niya itong i-recharge. Buti na lang daw dala niya ang charger kaya dali-dali niya itong isinaksak sa kalapit na convenience outlet sa opisina. Hindi niya alam na ang pagsaksak niya ng charger ang magdadala sa kanya sa not-so-tiyak nakapahamakan at... oh well! isama na din natin ang super slight na kahihiyan. 

Lumipas ang mahigit isang minuto ng pagcha-charge ng telepono ay nakarinig na lang kami ng pagsabog ng charger at maya-maya lang ay nangamoy-sunog na ito at may mga kaunting usok. Nagulat kaming lahat kaya dali-daling hinugot ng may-ari ang charger sa saksakan. Dahil nga sa okay lang sa kanya ang nangyari sa cellphone niya ay nakapagpasalamat pa rin siya at hindi ito nagsanhi ng sunog sa kumpanya kung nagkataon. Akala niya tapos na ang lahat pero nagsisimula pa lang pala ang dilubyo sa buhay niya. Na-sense ng smoke detector ang usok na dulot ng pagsabog ng charger. KKRRRIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGGGGG! Tumunog ang fire alarm. At alam 'nyo ba kung ano ang sumunod na nangyari? Sige sasabihin ko na lang in chronological order...

1.0. Na-alarma lang naman ang buong planta na may laki at lawak ng dalawang Megamol.
2.0. Nag-panic ang mahigit 7,000 na empleyado na nagtatrabaho dito.
3.0. Nag-page sa buong planta to keep calm.
4.0. Nagpakapagod ang safety team para hanapin kung saang zone ng planta ang apektado.
5.0.Na-hypertension ang mahal na presidente ng kumpanya dahil sa kaganapan.
6.0.May na-rush sa ospital dahil manganganak na.
7.0.Nag-hysterical si katrabaho.
8.0.Kinabukasan, na-disciplinary action si katrabaho and suspended for half a month at affected ang evaluation niya.

Oh di ba? not-so-tiyak na kapahamakan lang at very very slight lang ang natanggap na kahihiyan ni katrabaho? Sana mga bata may aral itong kwentong ito sa inyo LOL.

Sunday, October 7, 2012

3 Tusok, Bow!


 OO. Bilang na bilang ko ang pagtusok ng staff para lang makuhanan ako ng dugo. Sadyang mahirap lang daw talaga akong makitaan ng magandang ugat sabi kaya umabot sa tatlong tusok bago sumirit ang aking dugong maharlika (LOL). Kahit di pa ako nakuhanan ng dugo ay nanlupaypay na ako sa ginawa ni ate na animo'y pinagpapraktisan lang ako hays!

Di bale, kahit papano ay naging saksespol naman ang pagdo-donate ko ng dugo. O siya, ito na muna ang update dito nahihilo pa kasi ako. Bye for now! :)



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner