Sunday, September 30, 2012

Ooohhh...Ang Sarap Mo ( Jag's True Confession)

"Nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako at kailangan kita..."

sexy woman dressed as angel with arrow and red balloon Stock Photo - 4127335
Photo Credits: Google
Naalala ko pa noong bata pa ako at nag-aaral pa lamang sa kindergarten ay walang humpay ang pagsama mo sa akin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na noon. Basta nakagisnan ko na lang na nandiyan ka palagi 'pag kailangan kita. Lagi ka lang naman kasi nakatambay sa tindahan ni Aling Tasya noon. Lagi kitang nadadaanan noon paglabas ng bahay.

 Kahit limang taong gulang lang ako noon ay natutunan na kitang mahalin. Naalala ko pa noong una kang magpatikim sa akin ay hindi ako nakatulog 'nung gabing iyon. Paulit ulit kong ninanamnam sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Dahil sa nasarapan ako sa'yo ay hinanap agad kita kinabukasan. Kahit wala akong pasok 'nun sa school ay sinamahan mo pa rin ako. Dali-dali kitang isinama sa kwarto at nag-lock ng pinto sa pag-aalalang makita tayo ng mga kapatid kong lalaki at pagnasahan ka din nila. 'Nung ma-solo na kita sa kwarto ay agad kitang hinubaran at hinimod ang kabuuhan mo. Hindi ko alam kung bakit yun na agad ang ginawa ko 'sayo. Sabik na sabik lang kasi ako sa'yo nun. At salamat at nagpaubaya ka lang na gawin ko sa'yo lahat ng 'yun matugunan lang ang pangangailangan ng aking katawan.

Ikaw ang dahilan kung bakit maaga akong umuuwi from school noon. Mas gusto ko pa kasing ma-solo ka sa kwarto noon kesa makipaglaro sa mga kaklase. Sa mura kong edad ay naaadik na ako sa'yo... sa sarap ng iyong katawan. Ang sarap mo lang kasing dilaan, himurin pataas...pababa at paglaruan ng dila ko at lawayan para dumulas.

Pero ang lahat ng ligayang iyon ay nagtapos nang lumipat na kayo nina Aling Tasya sa ibang lugar---sa Laguna. Nalungkot ako at nawalan ako ng kaibigan. Hindi ko alam kung kanino ako magpapaputok noon ng sama ng loob sa tuwing kailangan ko iyon. At simula noon ay di na kita nakita pang muli.

Lumipas ang maraming taon at nabigyan ako ng pagkakataong makapaghanap-buhay sa Laguna bilang isang inhinyerong elektrikal sa isang planta. Sadyang mapaglaro ang tadhana at tayo ay pinagtapong muli sa isang convenient store. Ibang iba na ang hitsura mo ngayon. Pumayat at lumiit ka pero mas sopistikada ka na ngayon tingnan. 'Di tulad dati na may kalakihan ang katawan at simple lang ang kasuotan. Nang makita ka ay may bigla akong naramdaman sa kaloob looban ko. Bumilis ang pintig ng aking puso. Muling nagbalik lahat sa aking alaala ang pinagsamahan natin noong tayo'y mga bata pa. Bumili lang ako ng tubig sa tindahan na iyon at isinama na kita sa aking sasakyan. At...dahil sa pangungulila sayo'y hindi ko na natiis na isagawa sa loob ng kotse ang paglapirot, paghimod at....pagkain sa'yo. Oooohhhh...nakaraos ako.

Kahit nagbago na ang hitsura mo ay masarap ka pa rin. Pero mas nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako  at  kailangan kita. Kaya lagi na kitang dadaanan sa 7Eleven 'pag kailangan kong tugunan ang tawag ng aking katawan. Muli mong pinana ang puso ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
 Maraming salamat sa'yo, Tootsie Roll.

Tootsie Roll sa 7Eleven---12 pesos lang hihihi



Thursday, September 20, 2012

Kumokonyo Kuno

Gosh! I feel so bloated lang lately kaya I decided to make papawis pawis of my hawtty body kahit 30 minutes lang a day. That is my panata already. Otherwise I would feel guilty if I fail to do so. Kaya ang dino-do me ay apat na sets ng push-ups at sit-ups then make dancing dancing all the way na parang wala ng tomorrow para mag-sweaty me ng bonggang bonga to the tune of Oppa Gangbang Gangnam Style. Kasi naman my clerk make sabi sabi to me that I'm so fatty na daw. In fact, everyday she makes kurot kurot  in my singit I mean tagiliran pala kasi it's so flabby daw (hindi yung malapit sa singit ha kundi yung belly lang talaga ok?)

Kaya I promised to myself na kapag she makes kurot kurot next time on my belly makakaramdam na talaga siya ng paninigas ng kuwan ko...ng belly ko kasi firm na ito. 'Yung clerk pala namin by the way ay parang may aneng aneng lang 'coz she makes tawa tawa lang even if she's mag-isa in the office. I don't know with her geez! Tapos weird talaga kasi if she have a spare time she will punta punta in my table without my notice then suddenly aamuyin 'nya ang hair me. I ask her minsan why she makes amoy amoy with my buhok. Sabi niya mabango daw kasi ito. Kung alam niya lang nung mga time na yun one week na meng hindi naliligo kasi nung magkasakit me, my albularyo told me not make ligo ligo for a couple of days para mabilis mag-disappear ang sickness. Oh dava? Haha! Matalino naman at masipag si clerk pero may mga ways lang talaga siyang hindi ko masyadong keri minsan. Kaya minsan I trynna finda way na umiwas (not all the time naman) kasi disturbing na siya. So eccentric lang. LOL. 

Anyways high waist, masyadong TH na ang pagkokonyo me. I don't find it bagay to me. Parang naasiwa lang me sa mga pinaggagawa me here sa blog. Nahiya tuloy me hihihi... Now ko lang na-realize haha! Pero one thing is certain hindi ka maaasiwa dito pramis! LOL.



I know right? LOL

 Extra's

 Maraming salamat po pala sa mga bumibisita dito sa bahay. Nawala man ako ng matagal ay may iilan pa rin ang piniling makigulo dito and I appreciate that. Sa mga bago dito at sa mga bagong nag-follow maraming maraming salamats!
:)

Sunday, September 16, 2012

Bundok Maculot

Hindi na bago sa akin ang mamundok kasi lumaki ako sa bundok. Seriuosly. Nasubukan ko na ang makipag-lunch kasama ang mga rebelde noong nasa grade 1 pa lang ako nang magtungo ang mag-anak sa bukid. Yun kasi ang bonding namin noon 'pag Linggo. Hindi ako natakot noon sa kanila kasi hindi ko pa naman masyadong naiintindihan ang buhay buhay noon. Napadaan sila sa dampa namin at nakiusap na makikain. Hindi naman tumanggi si ama at pinakain ang may halos dalawampung miyembro nito. Sa pagkakaalala ko kaswal lang na nakitungo ang aking ama sa kanila samantalang ang  inay ay nasa sulok lang at tahimik. Andami kong tanong noon. Bakit maraming tao? May birthday ba? Bakit ipinamigay ni itay ang alaga kong kambing na si Bambi at ipinabitbit pa ang  pitong manok sa kanila?

Simula ng mga pangyayaring iyon ay matagal pa bago naulit ang pagpunta namin sa bukid. Dalawang dekada na ang nakalipas ngunit hinding hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayaring iyon. Naiisip ko ngayon, buti walang kinuha sa amin noon o di naman kaya ay sinaktan. Magaling lang talaga makipag-usap si ama at nakontrol niya ang sitwasyon noon. Siguro kung nangyari sa akin 'yun ngayon baka nag-hysterical na ako LOL. Naalala ko lang ang lahat kasi nitong huli ay namundok uli ang inyong lingkod. Sa pagkakataong ito, bundok ng Maculot ang inakyat ng grupo.

Matatagpuan ang bundok Maculot sa maliit na bayan ng Cuenca Batangas. Yun lang ang alam ko haha! Kung paano makarating dun? I-google 'nyo na lang kasi tulog na tulog ako nun habang bumabiyahe sowee hehe... Malakas ang loob ko kasi may kasama naman kaming taga Batangas talaga at alam ang nasabing lugar hehe.


Gabi namin tinahak ang bundok. Masarap lang kasing umakyat ng bundok ng hindi nasisikatan ng araw kasi kahit pawisan ay hindi nakakapagod. Baon ko lang noon ay isang litro ng tubig, maliit na bag at siyempre ang tent.

Tamang trip lang ng grupo ang pag-akyat sa bundok para maiba naman at makapagsunog ng mga tabang naiipon sa katawan hehe.

Kaya kahit dis-oras na ng gabi ay humahataw pa rin kami marating lang ang tugatog nito.

Napakasarap lang sa pakiramdam ang marating ang tuktok at mapagmasdan ang animo'y mga bituing nagkikislapan sa kapatagan ng Batangas.Masarap din ang simoy ng hangin. Sadyang nakakawala ng stress.


Ng makaramdam ng lamig ay sumali sa kantahan session ang bida. Masaya talaga ang ganitong pagkakataon 'pag kasama ang barkada.


Kahit medyo late na ng matulog ang grupo ay maagang maaga pa ring nagising.



Naging malikot ang aking paningin at hindi naiwasang magitla sa nakikita...


Sa ganda ng mga tanawing hinubog ng kalikasan...


Masarap lang sa mga mata ang aking napagmasdan...


Nakakalungkot lang at kailangan na naming bumaba at mamuhay muli sa totoong mundo...Pero kahit sinasabing " some good things never last" ay ayos lang kasi "good memories remains forever" naman.

Kumusta na mga repapeeps?

Extra's: 

About the previous post, nagpunta po si P-NOY sa pinagtatrabahuan ko for the inauguration. At umi-epal lang ang inyong lingkod LOL. Huwag na kayong maraming tanong. Basta ang alam ko tapos na siya kaya medyo magaan na ulit ang load ko weee!!!

Saturday, September 8, 2012

Tinatamad Magkwento



 Basta... nangyari na siya...


Natapos na siya...


Saksespol siya...


Ibig sabihin nun ay...








Yahuuuuu!!! Nabawasan na ang stress ko sa katawan :)
Have a great weekend everyone!


Others:
Gusto ko palang batiin ang aking ina, ang ina nating lahat. Happy birthday Mama Mary! :)

Wednesday, September 5, 2012

Salamat Tomodachi!

I thought a good friend was just joking when he told me that he'll send me something that I would surely love. It's been so long that we were not able to hear each other's news. It's been two long years since I departed Japan but... Gees! It's flattering to know that he remained a good buddy despite of everything...Namiss ko tuloy ang Japan sighs! 

Package all the way from Japan :)
Thank you Watabe-chan for sending me these delicious stuffs haha!Andami dami lang para maubos ko agad ang mga ito hehe (nang-iinggit mode lang LOL)...Bagay na bagay ito sa akin lalo pa't medyo deperessed ako. Slight lang naman hehe...Hope to see you somewhere in time buddy! :)



Others:
-Work is toxic. I need a break. I am thinking of a place where I could unwind. May alam ba kayong magandang puntahan? Yung serene na place.

-Why there are some people abuse you for being so kind? Sana ma-realize nila na may hangganan din ang kabaitan ng isang tao at... nasasabi ko ito dahil tao lang ako :(  

Sunday, September 2, 2012

I Got Loco Sa Radyo

Kinakantyawan ako ng mga kaibigan ko nang minsan kong naikwento sa kanila na ang libangan ko nitong huli ay ang pakikinig sa radyo. I'm sooo baryotic daw at tumatanda na. Sa totoo lang parang nagiging ganun na nga ako. Heck! Eh ano ngayon? LOL. Pag-uwi ko kasi from work ay wala na akong masyadong oras para manood man lang ng teyvi o kaya  ng nyorn sa internet dahil too tired na ang matikas at hawt kong katawan. LOL. Gusto ko kasi pagkauwi ay nakahilata na lang sa bed at mag...uhmmm you know...magrelax hehe...At nitong huli nga ay nadiskubre ko ang tungkol sa nakatutuwang  programa sa radyo.

Ang tinutukoy ko ay ang programang YES Diaries ng 101.1 YES FM. Kakaiba lang ang hatid na tuwa ng programang ito sa akin lalo na 'pag nagsalita na ang alien na DJ nito na si Chico Loco. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang humor niya. Tulad niya ay mataba chubby mataba chubby ah basta alinman sa dalawang adjectives na yun ay ganun din ang utak kaya hayun punong puno ng sustansiya ang lumalabas sa kanyang bibig haha peace Chico! I would say he has a genuine talent that nobody could ever have (biglang bawi after manlait haha). But seriously, malungkot siguro ang mga gabi ng mga jologs na katulad ko, mga kapitapitagang SG's, mga inday kasambahay, mga dodong kargador, mga doctors, call center agents, engineers, lawyers etc...sosyal lang di ba? LOL.

Halos nakasanayan ko na after maghugas ng betlogs mag-wash-up o kaya maligo ay dumidiretso na ng kwarto at nakikinig sa programang ito. Wapakelz lang ako sa mga teleseryeng iyan. Hindi ko nga kilala si Daniel Guidote na madalas bukambibig ng clerk ko. Oo ganun na ako kawalang muwang sa mundo lately. Ang boring noh? LOL.

 Anyways, balik tayo sa programang YES Diaries...nakakatuwa lang makinig dito kasi iba't iba ang napag-uusapan tungkol sa buhay buhay ng mga tao. Nariyan ang cheesy stories ng mga PBB teens na estudyante o kaya ang mga marurupok slash mapupusok moments ni ate at kuya o kaya naman ang kwento ng beki na namomroblema kasi mas pinagpala pa daw ang "kanya" kesa sa kanyang bf at dahil dun nagbabago na ang orientation ng bf  LOL...Nagiging masaya ang usapan pag umepal na sina Madam Chiqui na may finkish hot balloon, Kapitan Tutan na makire  , Chiclet na makulit at Notnot na nagmamay-ari ng liwanag (sila ang mga tauhan na binigyang buhay ni Chico Loco sa radyo)...Pramis! Genius ang DJ ng programang ito mabilis ang processor ng kanyang utak. Idol ko talaga siya. Natural lang sa kanya ang pagpapatawa. Yun nga lang uto uto lang kung minsan 'pag pinapakanta ON AIR, talagang kakanta siya with matching twists and curls ng boses haha...pero isa lang siyang hayop sa galing!

Minsan sinubukan kong manood ng TV sa isang Music Channel, aba'y nagulat ako at lumalabas na din pala siya sa telebisyon haha!Kakatuwa lang...lumi-level up na siya hehe...hindi lang pala siya endorser ng tabo---tanggal alis baho at yung kaning baboy na tunay na halo halo at ngayon ay nagiging guest VJ na din sa isang TV show hehe...

Subukan 'nyo rin makinig sa kanya weeknights from 9 PM to 12 MN sa 101.1 YES FM at baka malasahan 'nyo rin hehe...

  Chico Loco, ang lalaking uhugin LOL 
                                               



Disclaimer:
Walang kaugnayan ang tao o ang tinutukoy na istasyon sa may-ari ng blog na ito. 


At talagang sinusubukan ang pagbabalik blog hehe...it's been so long at "BER" month na pala...Musta na mga katoto?



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner