Friday, November 30, 2012

All I Want For Christmas!


Pasko na! Yay! And I just can't help myself not to post this video greetings sa inyo :)

 
Sorry for the poor video quality. 

Pasensiya na excited lang for Christmas pati New Year din haha! Excited lang kasing umuwi ng probinsiya kaya kung ano ano ang sinasabi sa vid haha! Pati flute ay pinagdiskitahan haha!


 ---oooOOOooo--- 


Anyways, I was tagged by a long-time blogger buddy, Fiel-kun to list down what I want to receive for Christmas. And here they are:

Since I really love to travel, I would like YOU to give me a 6 vacation packages courtesy of YOU. (In-emphasize talaga ang YOU haha).

1.) Bellarocca Island Resort in Marinduque



2. Pagudpud, Ilocos Norte


3. Palawan






4. Asian cruise by RoyalCaribbean Int'l.






5. African tour


 6. Vatican City and a dinner with the Pope :)

Kung sino man po ang nahabag sa mga pangangailangan ko, taos-puso ko po itong tatanggapin haha! If you would like to share your dreamed Christmas gifts, magself-tag ka na lang and do the following:

1. Kindly use the same title and as well as the first second photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.


3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).


4. Send me the link so I could check it out too.




Merry Christmas Everyone! ;)

Wednesday, November 21, 2012

Kombensyon

 
Naging matagumpay ang pagdaraos ng ika-37 na taunang kombensyon para sa mga inhenyerong elektrikal noong nakaraang linggo. Isa ako sa mga dumalo sa apat na araw na event na iyon kaya medyo nawala ako sa sirkulasyon LOL. Nagparehistro ako hindi lang dahil sa kailangang makakuha ng CPE credits kundi sa kagustuhang ma-update na rin sa propesyon.


Bonggang bongga ang opening ng event. Nag-hire pa ng mga winners sa isang reality TV show ang organizers para magpresent. Hindi halatang pinaghandaan hehe...



May mga inanyayahan ding mga kilalang personalidad para sa okasyon na iyon.







Pero pinaka na-starstruck ako kay Miss Shamcey Supsup nung makita ko siya ng harapan. Ang goondo goondo talaga niya. Perfect! Gusto ko nga siyang iuwi kaso hindi ko alam paano gawin yun haha JOKE! Magaling siyang magsalita at hindi pa rin nawala ang tsunami walk niya. Sa totoo lang pinipigilan ko lang ang pagkakilig ko nun siyempre kailangang i-retain ang grace para sa pormal na okasyon na iyon LOL.


 Marami akong natutunang bagong teknolohiya sa mga exhibits. At marami din akong nakikilalang bagong contacts. Mahalaga iyon para sa ikauunlad ko LOLZ.

Sa apat na araw na iyon masaya ako kasi nagkaroon ng instant reunion. Nagkitakita kami  ng mga estudyante kong mga OJT noon. Kung titingnan sa larawan ay parang isa lang din ako sa kanila haha! 
Kunsabagay isang taon lang naman ang agwat ng mga edad namin LOL. Dumalo din ang iilan sa mga kaklase ko sa kolehiyo. Mahaba habang kumustahan dito at kumustahan doon. Yung iba family people na.

Nagkahiwa hiwalay lang kami nang madalas ng magparinig sila ng libre. Siyempre wais lang ako at isang di matatawarang alibi ang ginawa ko para  makatakas  lang haha! Andami kaya nila like 20 people? At hindi ako naging handa. LOL. Kaya sinabi ko na lang na babawi na lang ako by December kasi uuwi naman ako ng Davao weee!
 

To sum up, sulit na sulit ang pagtakas mode ko sa pinagtatrabahuang kumpanya este sa pag attend pala ng kombensyon na iyon hehe...

Extra's

Pramis nawawalan ako ng gana sa work kasi nagresign na ang isa sa mga inspirasyon ko sa trabaho. Pupunta na kasi siya ng Estados Unidos. And I don't know how to make it through. Chus! Musta po?

Thursday, November 15, 2012

Paradise Ranch and Zoocobia Fun Zoo

This time nature tripping naman kami. Kahit wla pang sapat na tulog ay gumala na agad para makarami .LOL. Sinusulit lang namin ang bawat sandali kasi alam namin na matagal tagal na ulit bago kami magkikitakita o baka nga hindi na mangyayari yun dahil may kanya kanya na kasing priorities sa buhay. 

Pinuntahan ng grupo ang Paradise Ranch at Zoocobia ng Clark, Pampanga. Sa entrance fee na 250 pesos ay sulit na sulit na ito para sa isang buong araw na pag-iikot sa lugar. Tamang tama ang lugar na ito para sa buong palilya para makapag-bonding pati na rin sa mga mag-aaral na nais mag-field trip dahil maraming matututunan dito tungkol sa mga hayop at habitat nito. Maayos naman ang mga facilities dun. May pool doon kung saan pwede mag-swimming at mga rooms para mag-stay overnight at buffet restaurant para sa unli-eating.


Kapag pupunta doon, mas mainam kung may dalang sariling sasakyan dahil medyo papasok, malayo at matarik ang lugar. Buti na lang masyadong generous ang bf ni kaibigan at pumayag siya na gamitin ang sasakyan niya.



Marami pa sana akong ikukuwento pero hayaan na lang na ang mga larawan ang magkwento sa inyo. Tinatamad na kasi akong magsulat. LOL.



Basta, nawili ako sa mga tanawin doon. Pero mas nalibang ako sa pakikipag-interact sa mga hayop doon tulad ng sa mga ibon, cat bear, ahas at marami pang iba.




May Night Owl Show pa sana bandang gabi noon pero hindi na kami pwedeng magstay longer kasi may pasok pa kami kinabukasan. Madugo ang pag-uwi namin kasi agawan ng masasakyang bus papuntang Maynila. After mahigit isang oras na pakikipagbuno sa terminal ay nakasakay din kami na naka SP hindi Student Privilege  kundi Standing Position. Ang saya saya lang ng biyahe noh? Nakakapagod man pero hindi kayang tumbasan ng anuman ang saya na idinulot ng maigsing bakasyon na iyon kasama ang mga malalapit na kaibigan. Hanggang sa muli. Bow! LOL

Extra's:

I saw Miss Shamcey Supsup kanina sa convention ng harapan at wala akong masabi kundi argggh she's so damn hawwwttt! I really admire her for she's got everything. PERFECT!  I will tell you more stories about her 'pag natapos na ang convention hehe. Ciao!

Monday, November 12, 2012

Hopping On Hundreds of Islands

Isa sa mga must-visit destinations ko ang 100 Islands ng Pangasinan. Tinatalakay pa lang sa asignaturang HEKASI noong nasa mababang paaralan pa lamang ako ay pinangarap ko ng makapunta dito. Hindi ko aakalaing matutupad ang isa sa mga pangarap ko *teary-eyed*  noong nagdaang undas LOL. Kaya kahit overly bagot na ako noon sa kahihintay sa mga kasamahan ay nanatili akong positibo. Ayoko na din sirain ang mood ko bagkus piniling maging masaya sa trip na iyon.

                               

Mag-aalas onse na ng umaga nang sapitin namin ang lugar. From city proper ay sumakay kami ng tryke at 50 pesos lang ang pamasahe sa lahat. Magalang at accommodating ang lahat ng staffs na nag-assist sa amin. Nag-rent kami ng bangka worth 1400 Pesos lang which is good for 5 people. Unlimited island hopping na 'yun basta ba hanggang 6 pm lang. Kung kaya ba naman isa isahin ang 123 Islands eh sa isang buong araw bakit hindi hehehe. Ngunit subalit datapwat ay tanghali na kami dumating ay ni-request ko na lang kay mamang bangkero na dalhin na lang kami sa mga pinaka at dabests na mga isla. Buti na lang at game si kuya at pinagbigyan niya kami sa aming kahilingan.




 

Dinala kami ng sinasakyang bangka namin sa iba't ibang isla. May maliit, may malaki, may hugis buwaya, may hugis pagong, may hugis et*ts sawa, at marami pang iba ngunit ang pinakanamangha ako ay nung pumunta kami sa napakakipot na lagusan ng isang yungib doon. Sayang at hindi waterproof ang camera na dala ko noon. In short, hindi ko nakuhanan ng larawan ang kaloob-looban ng kwebang iyon. Kakaiba lang ang naramdaman ko ng pasukin namin ang kwebang iyon habang nakababad sa malalim, malamig at malinaw na tubig. Nakakatakot lang ang aura ng lugar kasi madilim. Naglalaro tuloy sa isip ko what if may halimaw na biglang mag-appear sa tubig. Nang mabanggit ko iyon ay biglang nagsigawan ang mga chikabebes sa takot haha! Napagalitan tuloy kami ni manong bangkero slash tour guide kasi dapat quiet lang daw kami baka kasi mabulabog ang mga paniki na natutulog doon hehehe...Galit na galit ang mga girls sa akin haha! Nang mapadako na kami sa pinakaloob ng kweba, sumilay sa aming mga paningin ang ganda na likha ng kalikasan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay animoy mga diamante na nagrereflect sa walls ng yungib. Sinamahan pa ng naghahabaang stalactites at mapuputing stalagmites. Out of this world ang epekto sa akin noon. Masasabi kong masuwerte ako at naranasan ko ang kakaibang karanasan na iyon na alam kong hindi lahat ay  nabibigyan ng pagkakataon.

Nang makaramdam ng paglakas ng alon ay napagkasunduang lisanin na ang lugar. Isa isa kaming lumusot sa butas na singlaki lang ng butas ng balde. Mahirap lumabas doon. Kaya para mapadali ay sinabihan ko ang mga chikabebes na nasa likuran na namin ang mga lumalangoy na zombies hayun tilian na ulit sila haha! Kalokohan ko lang haha!


Mula doon ay nawili na ako sa pagpasok sa naglalawang kweba LOL. Iba't ibang kweba. May malalim. May mababaw. May madilim. May mabuhok mabato. Common denominator: maraming paniki, mapanghi. Joke!




Fruit bats in deep slumber.


Nang makaramdam ng gutom ay tumambay muna kami  sa isang isla at pinagsaluhan namin kasama sina manong bangkero ang bucket meal at iba pang pagkain. Note: Magdala ng sariling pagkain para makatipid. Medyo pricey ang mga pagkain sa isla.

Isa din sa kakaibang experience na narasan ko ay ang sumisid sa mga kabibe LOL. Ang lalaki lang. Nakakatakot ang mga giant clams na bumubukabukaka (Whutta term haha). May singlaki ng isang salbabida doon na hindi ko kinaya at pakiramdam ko ay lalamunin ako.


Pagkatapos nun ay nagpakasawa na kami sa pictorial haha!Katawan kung katawan. Ilang kilong baboy ang bibilhin 'nyo? LOL.

Si mamang bangkerol LOL


O siya lilipad na muna ako sa kabilang ibayo para gumala naman sa Pampanga...Abangan... Babuh!

---oooOOOooo---

Extra's:

Ipagpaimanhin 'nyo po kung hindi ko kayo masyadong nadadalaw sa mga bahay bahay 'nyo. Babawi na lang ako 'pag medyo nakaluwag luwag na :)

Friday, November 9, 2012

November One

 Napaaga ang dating ko sa Alaminos City. Ala una pa lang ng madaling araw ay lulan na ako ng bus terminal doon. Ang usapan kasi ng grupo ay magkikita ng alas 6 ng umaga. Kumusta naman ang limang oras ng paghihintay sa isang hindi pamilyar na lugar di ba? Sa lahat ng bagay ay ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako. 30 minutes nga lang ng paghihintay ay kumukunot na ang noo ko at nangangailangan na ng madugong paliwanagan kung bakit late eh yung limang oras pa kaya?

Dahil sa sobrang bagot ay sari-sari na ang naiisip ko noon. Naiisip ko ng mamik-ap na lang muna at mag oye oye pero hindi naman ako ganun. Hindi ko kayang bahiran ang super banayad kong budhi. LOL. Kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagawa kong matulog sa terminal. Inokupa ko ang buong bench like I don't care at all kung hindi na makakaupo ang ibang pasahero. LOL. Joke lang. Siyempre kakaunti lang kami 'nun kaya ok lang hehe...

Maya't maya pa ay biglang may tumapik sa aking balikat at ginigising ako. Sa pagmulat ko ay nakita ko ang aking lolo, lola, tito at tita, maaliwalas at nakangiti sa akin. Ang bango nila. Mahirap ipaliwanag ang amoy basta masarap ang amoy sa ilong. Tinanong ko pa sila kung paano nila ako natunton eh sa pagkakaalam ko eh wala akong kamag-anak na pinagsabihan sa biyahe ko. Muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko ng mapagtanto kong lahat ng kinakausap ko ay sumakabilang buhay na pala mga ilang taon na ang lumipas. At bigla na lang akong nagising, pawisan. Pagtingin ko sa orasan ay alas singko ng umaga na pala. Dahil sa panaginip na iyon naisipan kong magpunta ng simbahan. Nagkataong malapit lang ang Cathedral of Saint Joseph. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila kaya ako ang dinalaw nila upang magpaalala.


Pagpasok ko ng simbahan ay nakaramdam ako ng init sa katawan at maya maya lang ay umusok na at lumiyab ang buong katawan. Chos! Haha! Seriously, mataimtim akong nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga mahal ko sa buhay. Tingin ko naman masaya sila sa kinaroroonan nila ngayon. Masaya na rin ako kasi sa tagal ng panahon ay ginagabayan pa rin nila ako kahit saan man ako dumako.


Kakaunti lang ang mga sumamba noon. Siguro wala pa kaming sampu. Matapos ang misa ay nag ikot ikot sa kabuuhan ng cathedral at kumuha ng larawan ng isang magandang istruktura. Mag-aalas siyete na ay wala pa rin ang mga kasundo. Gusto ko ng magwala 'nun pero dahil sa na enlighten ako (char) hindi ko na itinuloy. 

Alas diyes na ng umaga at tumunog ang selepono ko. Dumating na sa wakas ang mga kasama ko. Di ba ang saya lang? 9 long hours of waiting in vain hays! Buti na lang maraming interesante sa lugar. Kahit papano ay nalibang din ako sa paglilibot dito. Nang magkitakita ay tumungo na agad ang grupo sa pinupunteryang lugar, ang Pangasinan's pride, Hundred Islands. Abangan.

 ---ooOOOoo---

Extra's:
Maugong ang salitang BONUS sa kumpanya ngayon dahil malapit na ang Pasko. Sana malaki ang evaluation ng boss sa akin para malaki din ang bonus haha! Asa pa! Haha! Basta may bonus ok na ako dun may pambili ng puto sa may kanto LOL. Ingat pips! :)

Friday, November 2, 2012

Indulgence

Kapag mga ganitong undas season, talamak ang handaan ng mga paborito kong pagkain. Sinukmani o biko, maja blanca, palitaw, baye-baye, ube halaya, suman o sumang magkayakap o sumang dapa, puto, bibingka, tupig, kutsinta, kalamay at ano nga ang tawag dun sa saging na ni-nguya bago lagyan ng mantikilya 'tas hinuhulma sa takip ng Nescafe? Basta 'yun na 'yun  (LOL) at marami pang iba. Pero dahil sa wala namang pwedeng gumawa ng mga nabanggit ko kasi mag-isa lang ako sa bahay at hindi ko naman madalaw ang mga mahal ko sa buhay na sumakabilang buhay na kasi nasa Mindanao sila ay hindi ko natitikman ang mga ito. Binalak ko na nga lang magpunta sa kalapit na sementeryo at manguha ng mga pagkain sa patay para makatikim lang ng mga ito LOL.


Pero imbes na sumakit lang ang dibdib ko sa kaiisip sa mga pagkaing iyon ay ibang pagkain na lang ang pinagtripan ko. Maraming salamat Seven Eleven at malapit ka lang sa bahay na tinitirhan ko. LOLZ.

Kain! :)

Matapos ubusin ang nabiling pagkain at makapag-impake ay sumakay na ng bus at tumungo na sa bahaging Norte ng Pilipinas para makapagliwaliw. Abangan...

Musta na mga katoto? :)

Saturday, October 20, 2012

Usapang Kuryente at Buhay

Sabi nga learning is a continuous process in life. At bilang isang electrical engineer, minabuti kong sumama sa isang seminar for electrical practitioners na ginanap sa isang hotel sa Ortigas. It's been so long na din na hindi ako uma-attend ng mga ganitong seminars and conventions . Naisip ko kasi kailangan ko lang mag-update sa propesyon ko.


Sa seminar na 'yun hindi lang solusyon sa power quality problems ang natutunan ko o ano ang kaibahan ng voltage sa current harmonics o kaya bakit minsan may occurence ng ground potential rise and etcetera. Natutunan ko din ang mga simpleng bagay bagay  sa ating mga buhay tulad ng:

1.0. Yung salitang brownout ay hindi talaga existing sa Pilipinas. Ang tamang gamit talaga ay blackout. Kung bakit nauso ang brownout? Noong unang panahon kasi sa Estados Unidos everytime daw na nagkakaroon ng voltage fluctuation at dahil noon ay incandescent bulb lang gamit, nagkukulay brown ang ilaw 'pag medyo hindi sapat ang boltahe na dumadaloy sa isang sirkito, kaya brownout.

2.0. Nagkakamali rin pala ang mga matatalino (oo naman tao lang eh). Naalala ko noong bata bata pa ako sinabi ni Ernie Baron na kaya daw hindi nakukuryente ang mga ibon 'pag dumadapo sa mga kawad ng kuryente kasi may special insulation daw ang mga paa nito. Pero mali siya...iyon po ay dahil iisang linya lang ang dinadapuan nila at walang potential difference na maaring pagdaluyan ng kuryente. Nagkakaroon lang ng pagdaloy ng kuryente kung may dalawang linya o kaya isang linya at ground. Pero 'pag sumabit pa sa kabilang linya ang dumapong ibon sa isa pang kawad ng kuryente, that's the time na magiging inasal na sila kasi ang katawan mismo ng ibon ay nagsisilbing conductor na dinadaluyan ng kuryente papunta sa kabilang linya...

3.0 Marami pa akong natutunan sa seminar na iyon pero may isang bagay ang tumatak sa isip ko at natutunan sa sarili. Natutunan kong kailangan ko pa palang matuto sa maraming bagay sa buhay...maraming marami pa talaga hindi lang bilang isang inhenyero kundi pati na rin bilang isang tao. Sa panahon ngayon, marami ang nayayamot sa buhay dahil sa hirap na dinaranas dito. Yung iba sinisira ito at kung minsan humahantong pa sa pagkitil nito.Maganda ang buhay at mahiwaga. Tayo na't alamin at tuklasin ito kalakip ang patnubay ng Poong Maykapal :)



Life is precious...let's enjoy it! Kung hindi kukuryentehin ko kayo. LOL

Saturday, October 13, 2012

No One Can Disgrace Us But Ourselves

Tuwang-tuwa ang kasamahan ko sa trabaho sa nabili niyang I-Phone dahil nakuha niya lang ito ng murang mura sa bangketa. Okey lang naman sa kanya kahit hindi ito gumagana tulad ng sa tunay na unit kasi nga mura nga lang ito. Kung titingnan ang pekeng unit aakalain mo talagang orig ito.

Minsan na-battery empty ang pekeng telepono niya kaya kailangan niya itong i-recharge. Buti na lang daw dala niya ang charger kaya dali-dali niya itong isinaksak sa kalapit na convenience outlet sa opisina. Hindi niya alam na ang pagsaksak niya ng charger ang magdadala sa kanya sa not-so-tiyak nakapahamakan at... oh well! isama na din natin ang super slight na kahihiyan. 

Lumipas ang mahigit isang minuto ng pagcha-charge ng telepono ay nakarinig na lang kami ng pagsabog ng charger at maya-maya lang ay nangamoy-sunog na ito at may mga kaunting usok. Nagulat kaming lahat kaya dali-daling hinugot ng may-ari ang charger sa saksakan. Dahil nga sa okay lang sa kanya ang nangyari sa cellphone niya ay nakapagpasalamat pa rin siya at hindi ito nagsanhi ng sunog sa kumpanya kung nagkataon. Akala niya tapos na ang lahat pero nagsisimula pa lang pala ang dilubyo sa buhay niya. Na-sense ng smoke detector ang usok na dulot ng pagsabog ng charger. KKRRRIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGGGGG! Tumunog ang fire alarm. At alam 'nyo ba kung ano ang sumunod na nangyari? Sige sasabihin ko na lang in chronological order...

1.0. Na-alarma lang naman ang buong planta na may laki at lawak ng dalawang Megamol.
2.0. Nag-panic ang mahigit 7,000 na empleyado na nagtatrabaho dito.
3.0. Nag-page sa buong planta to keep calm.
4.0. Nagpakapagod ang safety team para hanapin kung saang zone ng planta ang apektado.
5.0.Na-hypertension ang mahal na presidente ng kumpanya dahil sa kaganapan.
6.0.May na-rush sa ospital dahil manganganak na.
7.0.Nag-hysterical si katrabaho.
8.0.Kinabukasan, na-disciplinary action si katrabaho and suspended for half a month at affected ang evaluation niya.

Oh di ba? not-so-tiyak na kapahamakan lang at very very slight lang ang natanggap na kahihiyan ni katrabaho? Sana mga bata may aral itong kwentong ito sa inyo LOL.

Sunday, October 7, 2012

3 Tusok, Bow!


 OO. Bilang na bilang ko ang pagtusok ng staff para lang makuhanan ako ng dugo. Sadyang mahirap lang daw talaga akong makitaan ng magandang ugat sabi kaya umabot sa tatlong tusok bago sumirit ang aking dugong maharlika (LOL). Kahit di pa ako nakuhanan ng dugo ay nanlupaypay na ako sa ginawa ni ate na animo'y pinagpapraktisan lang ako hays!

Di bale, kahit papano ay naging saksespol naman ang pagdo-donate ko ng dugo. O siya, ito na muna ang update dito nahihilo pa kasi ako. Bye for now! :)


Sunday, September 30, 2012

Ooohhh...Ang Sarap Mo ( Jag's True Confession)

"Nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako at kailangan kita..."

sexy woman dressed as angel with arrow and red balloon Stock Photo - 4127335
Photo Credits: Google
Naalala ko pa noong bata pa ako at nag-aaral pa lamang sa kindergarten ay walang humpay ang pagsama mo sa akin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na noon. Basta nakagisnan ko na lang na nandiyan ka palagi 'pag kailangan kita. Lagi ka lang naman kasi nakatambay sa tindahan ni Aling Tasya noon. Lagi kitang nadadaanan noon paglabas ng bahay.

 Kahit limang taong gulang lang ako noon ay natutunan na kitang mahalin. Naalala ko pa noong una kang magpatikim sa akin ay hindi ako nakatulog 'nung gabing iyon. Paulit ulit kong ninanamnam sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Dahil sa nasarapan ako sa'yo ay hinanap agad kita kinabukasan. Kahit wala akong pasok 'nun sa school ay sinamahan mo pa rin ako. Dali-dali kitang isinama sa kwarto at nag-lock ng pinto sa pag-aalalang makita tayo ng mga kapatid kong lalaki at pagnasahan ka din nila. 'Nung ma-solo na kita sa kwarto ay agad kitang hinubaran at hinimod ang kabuuhan mo. Hindi ko alam kung bakit yun na agad ang ginawa ko 'sayo. Sabik na sabik lang kasi ako sa'yo nun. At salamat at nagpaubaya ka lang na gawin ko sa'yo lahat ng 'yun matugunan lang ang pangangailangan ng aking katawan.

Ikaw ang dahilan kung bakit maaga akong umuuwi from school noon. Mas gusto ko pa kasing ma-solo ka sa kwarto noon kesa makipaglaro sa mga kaklase. Sa mura kong edad ay naaadik na ako sa'yo... sa sarap ng iyong katawan. Ang sarap mo lang kasing dilaan, himurin pataas...pababa at paglaruan ng dila ko at lawayan para dumulas.

Pero ang lahat ng ligayang iyon ay nagtapos nang lumipat na kayo nina Aling Tasya sa ibang lugar---sa Laguna. Nalungkot ako at nawalan ako ng kaibigan. Hindi ko alam kung kanino ako magpapaputok noon ng sama ng loob sa tuwing kailangan ko iyon. At simula noon ay di na kita nakita pang muli.

Lumipas ang maraming taon at nabigyan ako ng pagkakataong makapaghanap-buhay sa Laguna bilang isang inhinyerong elektrikal sa isang planta. Sadyang mapaglaro ang tadhana at tayo ay pinagtapong muli sa isang convenient store. Ibang iba na ang hitsura mo ngayon. Pumayat at lumiit ka pero mas sopistikada ka na ngayon tingnan. 'Di tulad dati na may kalakihan ang katawan at simple lang ang kasuotan. Nang makita ka ay may bigla akong naramdaman sa kaloob looban ko. Bumilis ang pintig ng aking puso. Muling nagbalik lahat sa aking alaala ang pinagsamahan natin noong tayo'y mga bata pa. Bumili lang ako ng tubig sa tindahan na iyon at isinama na kita sa aking sasakyan. At...dahil sa pangungulila sayo'y hindi ko na natiis na isagawa sa loob ng kotse ang paglapirot, paghimod at....pagkain sa'yo. Oooohhhh...nakaraos ako.

Kahit nagbago na ang hitsura mo ay masarap ka pa rin. Pero mas nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako  at  kailangan kita. Kaya lagi na kitang dadaanan sa 7Eleven 'pag kailangan kong tugunan ang tawag ng aking katawan. Muli mong pinana ang puso ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
 Maraming salamat sa'yo, Tootsie Roll.

Tootsie Roll sa 7Eleven---12 pesos lang hihihi



Thursday, September 20, 2012

Kumokonyo Kuno

Gosh! I feel so bloated lang lately kaya I decided to make papawis pawis of my hawtty body kahit 30 minutes lang a day. That is my panata already. Otherwise I would feel guilty if I fail to do so. Kaya ang dino-do me ay apat na sets ng push-ups at sit-ups then make dancing dancing all the way na parang wala ng tomorrow para mag-sweaty me ng bonggang bonga to the tune of Oppa Gangbang Gangnam Style. Kasi naman my clerk make sabi sabi to me that I'm so fatty na daw. In fact, everyday she makes kurot kurot  in my singit I mean tagiliran pala kasi it's so flabby daw (hindi yung malapit sa singit ha kundi yung belly lang talaga ok?)

Kaya I promised to myself na kapag she makes kurot kurot next time on my belly makakaramdam na talaga siya ng paninigas ng kuwan ko...ng belly ko kasi firm na ito. 'Yung clerk pala namin by the way ay parang may aneng aneng lang 'coz she makes tawa tawa lang even if she's mag-isa in the office. I don't know with her geez! Tapos weird talaga kasi if she have a spare time she will punta punta in my table without my notice then suddenly aamuyin 'nya ang hair me. I ask her minsan why she makes amoy amoy with my buhok. Sabi niya mabango daw kasi ito. Kung alam niya lang nung mga time na yun one week na meng hindi naliligo kasi nung magkasakit me, my albularyo told me not make ligo ligo for a couple of days para mabilis mag-disappear ang sickness. Oh dava? Haha! Matalino naman at masipag si clerk pero may mga ways lang talaga siyang hindi ko masyadong keri minsan. Kaya minsan I trynna finda way na umiwas (not all the time naman) kasi disturbing na siya. So eccentric lang. LOL. 

Anyways high waist, masyadong TH na ang pagkokonyo me. I don't find it bagay to me. Parang naasiwa lang me sa mga pinaggagawa me here sa blog. Nahiya tuloy me hihihi... Now ko lang na-realize haha! Pero one thing is certain hindi ka maaasiwa dito pramis! LOL.



I know right? LOL

 Extra's

 Maraming salamat po pala sa mga bumibisita dito sa bahay. Nawala man ako ng matagal ay may iilan pa rin ang piniling makigulo dito and I appreciate that. Sa mga bago dito at sa mga bagong nag-follow maraming maraming salamats!
:)

Sunday, September 16, 2012

Bundok Maculot

Hindi na bago sa akin ang mamundok kasi lumaki ako sa bundok. Seriuosly. Nasubukan ko na ang makipag-lunch kasama ang mga rebelde noong nasa grade 1 pa lang ako nang magtungo ang mag-anak sa bukid. Yun kasi ang bonding namin noon 'pag Linggo. Hindi ako natakot noon sa kanila kasi hindi ko pa naman masyadong naiintindihan ang buhay buhay noon. Napadaan sila sa dampa namin at nakiusap na makikain. Hindi naman tumanggi si ama at pinakain ang may halos dalawampung miyembro nito. Sa pagkakaalala ko kaswal lang na nakitungo ang aking ama sa kanila samantalang ang  inay ay nasa sulok lang at tahimik. Andami kong tanong noon. Bakit maraming tao? May birthday ba? Bakit ipinamigay ni itay ang alaga kong kambing na si Bambi at ipinabitbit pa ang  pitong manok sa kanila?

Simula ng mga pangyayaring iyon ay matagal pa bago naulit ang pagpunta namin sa bukid. Dalawang dekada na ang nakalipas ngunit hinding hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayaring iyon. Naiisip ko ngayon, buti walang kinuha sa amin noon o di naman kaya ay sinaktan. Magaling lang talaga makipag-usap si ama at nakontrol niya ang sitwasyon noon. Siguro kung nangyari sa akin 'yun ngayon baka nag-hysterical na ako LOL. Naalala ko lang ang lahat kasi nitong huli ay namundok uli ang inyong lingkod. Sa pagkakataong ito, bundok ng Maculot ang inakyat ng grupo.

Matatagpuan ang bundok Maculot sa maliit na bayan ng Cuenca Batangas. Yun lang ang alam ko haha! Kung paano makarating dun? I-google 'nyo na lang kasi tulog na tulog ako nun habang bumabiyahe sowee hehe... Malakas ang loob ko kasi may kasama naman kaming taga Batangas talaga at alam ang nasabing lugar hehe.


Gabi namin tinahak ang bundok. Masarap lang kasing umakyat ng bundok ng hindi nasisikatan ng araw kasi kahit pawisan ay hindi nakakapagod. Baon ko lang noon ay isang litro ng tubig, maliit na bag at siyempre ang tent.

Tamang trip lang ng grupo ang pag-akyat sa bundok para maiba naman at makapagsunog ng mga tabang naiipon sa katawan hehe.

Kaya kahit dis-oras na ng gabi ay humahataw pa rin kami marating lang ang tugatog nito.

Napakasarap lang sa pakiramdam ang marating ang tuktok at mapagmasdan ang animo'y mga bituing nagkikislapan sa kapatagan ng Batangas.Masarap din ang simoy ng hangin. Sadyang nakakawala ng stress.


Ng makaramdam ng lamig ay sumali sa kantahan session ang bida. Masaya talaga ang ganitong pagkakataon 'pag kasama ang barkada.


Kahit medyo late na ng matulog ang grupo ay maagang maaga pa ring nagising.



Naging malikot ang aking paningin at hindi naiwasang magitla sa nakikita...


Sa ganda ng mga tanawing hinubog ng kalikasan...


Masarap lang sa mga mata ang aking napagmasdan...


Nakakalungkot lang at kailangan na naming bumaba at mamuhay muli sa totoong mundo...Pero kahit sinasabing " some good things never last" ay ayos lang kasi "good memories remains forever" naman.

Kumusta na mga repapeeps?

Extra's: 

About the previous post, nagpunta po si P-NOY sa pinagtatrabahuan ko for the inauguration. At umi-epal lang ang inyong lingkod LOL. Huwag na kayong maraming tanong. Basta ang alam ko tapos na siya kaya medyo magaan na ulit ang load ko weee!!!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner