MID-JANUARY
I went for a business trip in Japan. Two weeks akong tumigil sa Osaka. Umuwi din agad kasi kailangan kong baguhin ang status ng VISA ko since babalik din ako to study in Yokohama. Maaliwalas ang panahon `nung mga panahong iyon. Kaya naman palihim akong kumuha ng mga larawan habang nasa himpapawid.
Hayz! kelan kaya ako makakapagsky-dive?***
Isingit ko na din `yong kinain ko sa eroplano `nun hehehehe...
FEBRUARY- MARCH
YOKOHAMA KENSHU SENTA
Tha Japanese speaks the alien language jijijij. Kaya naman ako`y binalingoyngoy `nung tinanong ako ng clerk `di ko naman maintindihan. Basta inabot ko na lang ang registration form at isinulat ang personal data ko. First day ko kasi sa school `nun at kailangang umattend ng orientation.
2908. Hotel room number ko. Napagitnaan ang kwarto ko ng kwarto ng mga Indonesians. Sila ang unang naging mga kaibigan ko. Siyempre, sa tagal ng pakikipagdaldalan, napag-alaman ko na hindi pala dapat para sa akin ang kwartong tinutuluyan ko kundi sa isa pa nilang kasama. Ang nangyari kasi, apat na araw bago sila pupunta ng Japan eh inatake sa puso `yung kasama nila...at natigok (ok lang ba ang term na tigok? anyways, sumalangit nawa kaluluwa niya.) Siyempre, dahil sa kung anu-ano ang nakikita ko at malikot ang imahinasyon, `di ako nakatulog `nung gabing `yon. Pumasok ako sa klase kinabukasan ng bangag at nakalutang hahahaha...
Messing up with sensei on the next day hehehehe...
Ano ba ang ginawa ko dun sa YKC?
First two weeks : Aral...Kain...Tulog...
3rd-5th week : Kain...Tulog...Gala...nawala ang pag-aaral kasi nawili sa paggagala hehehehe...
Took the seaside line going to Kanazawa-Hakei.
Getting off from densha...
Nag-city tour ang bida sa Gotemba...hehehe...
Taken at FUJIYAMA resort near Mt. Fuji (Fujisan)
Kyoto Shinto Temple
Nagutom sa sobrang gala.
Nagpapicture kasama ang mga celebs kuno jijijij...
Bumarik kasama ang mga lashenggo. Nominication** session at Nagoya Bar.
Nagsuot ng Kimono.
6th week : Aral...Kain...Aral...Kain...nawala ang gala kasi kailangang matapos ang report bago mag-final presentation. Sh*t! Strictly Japanese ang medium ng language. Pati PPT dapat naka Hiragana/ Katakana kasi mga Alien ang audience hayz!
Simulating WBT program...
Naglabo-labo na kasama ang mga sensei...
Nagpatawa ng konti kahit pagod...
Kinagabihan ng nagfinalize ng report...
Kinabukasan nagreport...
Ako`y nalungkot matapos ang presentation kasi sinusundo na ako ng tropapitz kong Hapon pagsapit ng hapon. Magsisimula na kasi ang technical training ko kinabukasan `nun sa Osaka. Hindi na ako nakasama pa sa despidida party `nung gabing `yon.
KASALUKUYAN
Gusto ko ng umuwi!!!Huwaaahh!!!! kidding aside pero next year pa kasi ako pwedeng umuwi gawa ng scholarship ko. Hayz! Sa tuwing naiisip ko `yun `di ko na lang iniisip... ang gulo ano? jijijijij...Ja, Owarimasho!
***To sky dive is the author`s ultimate dream.
**Nominication: combination of nomu which means to drink and communication.