Saturday, July 31, 2010

On a Rainy Day Like Today

I am too sloth to blog now. The weather is cold and I'm too lazy to get up.LOL. So before I go to sleep again (Oh that sleepy head), I will leave you this song (sung by me) entitled "If". As much as I can remember, I made this stuff when I was in Japan in 2009 . Thank God, I still have this one. The song was originally sung and composed by Nelson del Castillo released in 1993 by BMG Records. "If" is the carrier single of his album Faithfully Nelson Del Castillo.

In 2007, this song became controversial when Nelson del Castillo sued this award-winning composer, Jim Brickman who allegedly copied the song and changed the title into "Hope" in piano version without the permission from the original composer.

Well, it's up for you guys to judge. Listen closely to the song here. But before anything else, pakinggan 'nyo muna ang version ko hehehe... Hope you'll like it!



video

One of my lifetime favorites. IF.

Friday, July 23, 2010

Traffic Kasi


Galing kami noon ng driver ko sa Cavite pauwi na. Putakelz! Sobrang trapik. Hindi ko alam kung anong meron bakit may traffic jam. Nasa EDSA Kamuning palang kami at ako'y yamot na yamot na nang biglang may kumatok sa bintana ng backseat ng sasakyan. Binuksan ko naman at biglang bumungad sa akin ang tanong na ito...

"Sir, kumusta po kayo bilang Pilipino?", tanong ng reporter na hindi ko naman kilala kung sino. "Ano bang klaseng tanong yan?" sa isip ko pero sumagot pa rin ako ng bongalore. " Ok pa rin naman. Still proud of being one". Nakatutok sa akin ang camera mga sampung segundo, alam ko, kasi habang iniinterbyu ako ay binibilang ko sa aking mga daliri kung gaano katagal nakatutok ang camera. (chance ko ng lumabas sa TV kaya. LOL.)

Dadagdagan ko pa sana ang sagot ko nang biglang umeksena si manong driver. Hindi din nagpaawat. "Ako naman ang interbyuhin 'nyo", sabi niya sa reporter. Inilipat ng reporter ang mic kay manong. Hindi ko na alam kung anong Q&A ang naganap kasi naging busy ako sa paghahanap ng camera ko sa bag. Buti na lang swift ako kaya nakuhanan ko pa rin silang nag-uusap. At napansin kong mas mahaba pa ang exposure ni manong kaysa saken. Syet!LOL.

Kaya sa pagkakataong ito, itatanong ko lang sa inyo kung nakita 'nyo ba ako sa TV? Telegenic ba ako? O baka hindi na din ipinalabas kasi mas pinili ng editor na kay manong driver ang ipalabas sa TV haha...

Sunday, July 18, 2010

Before Basyang

Noong mga nakaraang linggo ay masyado akong burned out sa trabaho. Kaya naman nung minsan magyaya ang kaibigan na gumala ay pumayag agad ako. Ay mali pala! Nagpapilit muna pala ako ng kaunti bago pumayag (para tumaas ang demand value) haha! Kasi naman ang lahat ay wala na naman sa plano. Basta bigla na lang naisipang magliwaliw. Ang destinasyon---CEBU.

Oo, sinunod ko ang madalas na payo sa akin ng mga katrabaho at kaibigan, ang magBREAK. Kaya kahit medyo laslas ang wallet ay sumugod pa rin ako sa kabisayaan. Hindi ko na din pinalagpas ang pagkakataong makasamang muli ang ilan sa malalapit na kaibigan.

Mula Maynila ay narating ko ang Cebu mga bandang alas singko ng hapon. Halos isang oras din akong naghintay sa paliparan bago kami nakompleto. Nang makompleto ay agad na tumulak sa bahay ng kaibigan para maglagak lang ng mga gamit at umalis kaagad para gumala. Pasensiya, sadyang makakati lang ang mga paa hehehe...


Unang tinahak namin ay ang IT Park. Pagdating dun ay nag-picture picture agad. Pero yung unang attempt ng pictorial ay 'di saksespol. Sa sobra daw kasing haytek ng camera ay hindi alam kung paano gamitin kaya ang kinalabasan ay parang mga anino lang na nagpapiktyur. Kaya ng maumay sa ginagawa ay naisipan na lang na kumain. Umorder kami ng baby back ribs. Pramis ang sarap! (Paanong di masarap eh libre kaya hehehe)


At dahil libre ang hapunang iyon ay nilubos lubos na namin ang pag-order hehe. Alam kong umiiyak na ang credit card ng kaibigan namin sa dami ng inorder pero hindi pa rin kami tinablan ng hiya. Umorder pa uli ang mga patay-gutom ng pang-finale. Isang BURGER. Take note hindi siya basta bastang burger kundi isa siyang BURGER hehehe...at sa sobrang laki nito ay hindi namin naubos...

Sa kabusugan ay naisipan na lang na maglakad lakad sa Ayala Mall at impernes, para lang siyang Greenbelt hehe...


At para mas mabilis ang pagtunaw ng mga kinain ay nagtungo kami sa isang COMEDY BAR. Sabi nila madalas inookray ng mga comedy masters ay ang mga pogi (dahil mainit sa paningin ng mga baklang komedyante). At dahil nga mga pogi kami (O 'wag ng kumontra!) , minabuti na lang namin na umupo sa pinakasulok ng bar at nakikitawa na lang habang mangiyak ngiyak na ang isang tao sa pang ookray ng isang baklang komedyante hehehe...

Pasado alas dos na ng umaga kami nakauwi. Medyo duling na ako noon. Epekto na din siguro ng alak na nainom at inaantok na din. Nagtaksi kami pauwi. At dahil ako ang nakaupo sa harap, ako ang nagbayad (rule daw yun eh mga epal talaga ang nagpauso nun buwisit!). Ewan ko pero inatake na naman ako ng pagka-SHUNGA (pagka-tanga) that time, imbes na 130 pesos lang ang ibayad sa driver ay ginawa kong 310 pesos. O saan ka pa certified shunga diba? Humarurot na din bigla si manong driver matapos matanggap ang bayad kaya CASE DISMISSED na haha...

Napaghahalata kung sino ang may lahing palaka hehe..

Maaga kaming umalis kinabukasan noon. Alas-sais pa lang ng umaga ay laman na kami ng isang resort. Ang punterya lang talaga namin doon ay ang aquanaut kasi marami pa sana kaming kailangang puntahan pagkatapos. Pero dahil alas nueve na nang dumating ang mga staffs ay nilibang na lang muna namin ang mga sarili sa pag-peytyur peytyur hehehe...Maaga kasi kami ng 3 oras. Hindi halatang heksayted!LOL.



At sa wakas! Sumapit din ang oras kaya sinimulan na agad namin ang underwater adventure.

Ang saya saya wala man lang ka-fish fish!


Portofino Resort, Cebu

Hectic ang schedule naming mga artista that time. Kaya kahit gusto ko pang mag-stay sa Resort na iyon ay hindi puwede kasi may nakaabang na photo shoot schedule sa Fort Santiago...

San ka pa! Ang lakas! Haha...

Mamumundok pa sana kami kaso biglang sumungit ang panahon at alanganin na din sa oras kaya tumambay na lang kami sa isang sikat na kapehan sa Ayala Mall habang hinihintay ang iba pang mga kaibigan na matagal tagal na ding di nakikita.

At isa lang ang sumipot kasi hindi daw available ang iba. Masaya pa rin naman ang kuwentuhan kahit kokonti lang kami. Pero mas masaya sana kung marami hehehe...Dahil may kuwentuhan, di nawala ang chibugan. Napasarap sa kuwentuhan kaya hindi namin namalayang lumalalim na ang gabi...kaya hayun nang magkasawaan sa mga pagmumukha ay nagsiuwian na hehe...Lahat ay pagod. May umuwi ng Gensan at pumasok sa trabaho ng bangag, may nakaubos ng limang tasang kape habang gumagawa ng program tests...at may umuwi ng Maynila na kahit pagod ay solb na solb sa trip...ako 'yun hehe...

Kahit maigsi lang ang trip na iyon ay siksik na siksik naman ito sa magagandang alaala. At dahil inaantok na ako at tinamad na magsulat ay hanggang dito ko na lang tatapusin ang kuwento. Mga repapeeps, super pasensiya uli kung super dalang kong mag-update ng blog sa ngayon. Busy lang. Babuh! Mwah!

Wednesday, July 7, 2010

Doon


Lately, marami akong sentiments sa work ko na kesyo ayoko na, hindi na ako masaya, bored na. Pero wala din akong magawa kundi magtiis at magpaalipin na muna kesa naman sa walang trabaho. Marami na nga akong pinagsasabihan ng sitwasyon ko pero halos lahat ng sinasabi nila ay kailangan ko lang daw magBREAK, mahirap daw maghanap ng trabaho and all kaya tiyaga tiyaga na lang daw muna...tama naman sila pero sana itong patience ko ay makakapag sustain pa ng ilang hibla... Siguro nga masyado lang din akong naging abala nitong mga nakaraang araw kaya ako nagkakaganito. Sa linya naman kasi ng ginagawa ko ngayon feeling ko tumanda na ako. Sighs!

Gusto ko tuloy umuwi sa amin. Parang ayaw ko na dito sa siyudad. Kaya naman minsan habang nakaupo ako sa opisina at pinagmamasdan ang mga matatayog na gusali ng Makati ay naiisip kong bumalik na lang kaya ako sa bukid? Doon kung saan si Jag ay minsang namuhay ng simple at payapa.


Doon sa kung saan puwede akong makipagharutan sa mga alagang kalabaw. Naalala ko tuloy noong kabataan ko. Muntik muntikan na akong mamatay (overstated haha) dahil sa muntik na akong masuwag ng kalabaw. Dahil sa kakulitan ko, pinipitik pitik ko kasi ng tingting ang puwet ng kalabaw. Sabi naman kasi makapal ang balat ng kalabaw kaya akala ko hindi ito masasaktan ngunit nagalit ito at muntik na ako tamaan ng kanyang matulis na sungay. Buti na lang nakita ako ng kuya at dagling inalis. Anim na taon lamang ako noon. Whew!

Gustong-gusto ko doon. Tahimik, masarap ang simoy ng hangin, malinis ang kapaligiran, malawak. Na-miss ko na ang tumakbo sa pilapil ng palayan at manghuli ng mga tipaklong na nagagawi doon.

Dito kami naglalaro ng mga kababata ko noon at nagtatampisaw.

O kaya sa tuwing umuulan ay nanghuhuli ng mga palakang bukid at ginagawang ulam pagsapit ng gabi. Kapag bumabaha naman sa sapa ay tuwang tuwa kaming magkakalaro na nagtatampisaw doon kahit pa ito'y maputik at maraming linta. Sa gabi naman ay wala kang maririnig sa labas ng kubo kundi ang mga huni ng kuliglig, hiyaw ng mga tuko at iba pang mga nilalang kung saan nagiging abala lamang tuwing gabi.

Gecko

Creepy. Slimy. Millipede.


Doon sa bukid ay marami akong naiwang magagandang alaala. At totoong miss ko na ang mga iyon. Sana nga makabalik pa ako doon. Sadyang nakakaaliw pagmasdan ang mga hayop doon.


Sila si Porky at si Best. Hindi ko alam kung buhay pa sila hehe...


Habang ako ay naglalakad ay nagpapansin naman itong si Ahassssss...


At sadyang kay gaganda ng mga tanawin. Ang titingkad ng kulay ng mga bulaklak. Namumukadkad ito sa ganda. Ang halimuyak na hatid nito'y nakakahalina.



Ang matayog na bundok sa kabilang ibayo na matagal ko ng ninanais maakyat pero parang hindi na yata matutupad. Sabi ng tatay ko marami daw bandido doon kaya delikado daw. Hays ewan! Totoo man o hindi ayoko na din mangahas, mahirap na.



Masaya doon. Simple man ang buhay ay nakakaraos pa rin. Hindi katulad sa siyudad, mabilis ang takbo ng buhay. Maunlad nga pero magulo. Nakakasulasok ang usok na nanggagaling sa tambutso ng mga sasakyan. Bawat kilos ay may katumbas na salapi. Kaya naman mas gugustuhin ko pa ring manirahan...DOON sa amin.

Buhay na buhay pa rin ang matanda at higanteng puno doon sa may sapa...

(Screeching sound) O siya, tapos na akong mangarap. Hindi pa pala ako tapos sa ginagawa ko. Work mode na uli. Pasensiya na pala medyo nawala ako ng matagal tagal. Ingat na lang kayo! Babuh! Mwah!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner