Thursday, March 25, 2010

Meet the Shreks

Sila ang Shrek Family. Masaya at makwelang kasama. Si Nanay, si Halimaw at Bab. Sayang at noong mga panahon na iyon ay wala si Tatay. Masyadong abala lang kasi iyon sa paghahanda papuntang India. Gayunpaman, masaya pa rin ako at nagkitakita kami sa kabila ng pagkakaiba ng schedules namin. Kahit maikling oras lang kami nagkasama ay nag-iwan naman iyon ng masayang alaala. Hindi ko alam kung kelan uli kami magkikitakita dahil hindi ko alam kung kelan uli ako makakauwi ng Davao.


Basta ito lang ang masasabi ko, sila ang mga kaibigan na maituturing na for keeps. d; )

Sunday, March 21, 2010

Instant Reunion

"Feels like insomnia aahhh...Feels like insomnia aaahhh..." ang siyang gumising sa mahimbing kong tulog...nakailang ulit pang tumunog ang cellphone ko bago ko tuluyang dinampot.

"Jag, bakante ka ba today?", palambing na tanong ni KAIBIGAN. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya bagkus sinagot ko siya ng tanong din, "Ano bang meron?". Medyo garalgal pa boses ko nun. "Bumangon ka na nga diyan at samahan mo 'ko. Tayo ay magliwaliw!", hirit uli ni KAIBIGAN. "Pwede kayo na lang muna? Nakakatamad namang gumala ngayon, matrapik kaya.", angil ko. "Nakakatampo ka naman, minsan minsan ka na nga lang namin makasama tapos nagiinarte ka pa diyan!", sabat uli ni KAIBIGAN...

Hayun, napapayag niya ako na gumala kahit wala sa plano ang lahat. Araw ng mga puso iyon. Umangal ako sa idea na gumala that day kasi alam kong maraming tae este tao na nagdiriwang sa araw na iyon. Aside sa pagiging loveless na, I hate crowd din kasi. Feeling ko nasisinghot ko din ang carbon dioxide na ibinubuga ng mga tao sa atmosphere. At maalinsangan pa gawa ng bombardment ng molecules na likha ng mga ito. Gayunpaman, sumama na ako. Gusto lang palang magpatulong sa paghahanap ng magandang uri ng laptop. Sale daw kasi. Hayun, tumulak kami sa hotel este sa Megamol pala.

Dama ko na kaagad ang kakaibang aura sa loob ng mall. Parang ang saya ng lahat. May nagbibitbit ng mga flowers pati din ang all-time favorite ng lahat...ang chocolates. Naalala ko tuloy nung nag-Valentines ako sa Japan. Ang mga babae kasi ang nagbibigay ng tsokolate sa mga lalake tuwing araw ng mga puso. At ako'y mapalad na nabigyan ni Tanba-san. Tradition na daw nila iyon tuwing araw ng mga puso lalo na pag gusto nila ang lalake. At dahil sa wala naman akong maibigay kay Tanba-san kaya isang conservative na french kiss lang ang naibigay ko sa kanya hahaha...loko lang...ismak lang kaya pramis! Cross my heart, mamatay pa ang aso ng kapitbahay 'nyo hehehe...



Nakaramdam ako ng gutom nun kaya nagdemand ako na kumain na. At dahil sa ginawa lang naman akong chaperon ng mga SAWI din, nagpalibre ako haha....Kumain kami sa Mang Inasal.


Lumipas pa ang ilang oras at di ko inasahan ang pagdating ng mga kaklase. Biglang nagkayayaan lang din. Instant reunion. Halos may limang taon ko din silang di nakita. May tumaba, may sumeksi, at may lalong gumwapo (ako iyon haha). At this time, di ako nakatakas sa panlilibre. Hayz! Buti na lang punuan lahat ang mga mamahaling restaurant sa loob ng mall kaya bumagsak kami sa food court. Ayos! hehehe...

Videoke Galore!

Nabored ang lahat sa kakamasid sa mga sweet na sweet na couple sa mall kaya napagkasunduan namin na mag-inuman na lang with matching biritan. Sobrang namiss ko talaga ang mag-videoke kaya nag-all night long kami sa pagkanta...Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko na enjoy na enjoy sa pagkanta, pag-inom at pakikipagchikahan, natanong ko tuloy sa sarili kung may mga ganitong pagkakataon pa kaya sa mga susunod na taon? d:-I

Monday, March 15, 2010

Things Aren't the Same

Sino sa tingin 'nyo ang ikakasal? hehehe


Paglapag na paglapag ng sinasakyang eroplano ay tinawagan ko kaagad ang tropa na magsusundo sa akin. Buti na lang may dala siyang sasakyan kaya hindi ako nahirapan at nakatipid pa sa pamasahe hehehe...Tumulak kami sa Calamaba City kung saan naghihintay ang mga super eksayted na mga tropa. Wala kasi akong kamag-anak sa Luzon kaya nakikitira na muna ako sa mga friendships. Wawa me noh? Palaboy lang....

Eksaktong oras ng hapunan nang marating namin ang Calamba. Napabuena-mano agad ako hehehe...Pumunta kami sa isang restaurant na may live band. Iyon kasi ang trip ng tropa pag nagtipon-tipon. Ang gabing iyon ay hindi lang pa-welcome party kundi iyon din ang official announcement ng mag-love team na tropa na magpapakasal na sa darating na Abril. Nagulat ang lahat kasi biglaan ang kanilang desisyion. Gayunpaman masaya kami para sa kanila. Nainggit nga ako kasi buti pa sila magkakabeybi na. Naiisip ko na din kasing lumagay na sa tahimik pero hindi pa talaga pwede. Aside sa bata pa ako (obvious naman hehehe) may obligasyion lang na kailangang tapusin. Kaya hayun! hehehe...

Lahat ay nagbabago talaga. Hindi na kayang ibalik ang lahat sa dati. Alam kong hindi na mapapadalas ang gala. Kung meron man ay kokonti na lang ang makakapunta. Isang taon lang akong nawala pero parang ang dami dami ng nangyari. Sadyang ganun lang siguro ang buhay. Change is constant. Ayoko ng magsalita pa mukhang mapupunta lang ito sa drama hehehe... Anyways, ito na muna sa ngayon ang maibabahagi ko sa inyo. Abangan 'nyo na lang ang mga susunod na kabanata hehehe. Yngatz!




Tuesday, March 9, 2010

Feel na Feel


Halu Peepz! Nagbalik ang inyong lingkod na bogaloid (kulang sa tulog kasi masyadong nae-excite sa mga pangyayari sa buhay hehe).Pasensiya na kung mahaba haba ang pag-absent ko dito sa Blogosperyo. You know naman beezeenes palagi ang bida hehehe...Saka na ako magkukwento ng bonggang bongga kung ano na ang nangyari sa walang kwenta kong layp 'pag medyo maalwan na sa iskedyul.


Pero ito lang ang masasabi ko, I'm back into the real world na talaga. Ang buhay dito sa mahal kong Pilipinas. Ang dami kong namiss. Marami din ang nakakabadtrip lalo sa bulok na sistema dito sa bansa. Nakakainit ng ulo hindi lang sa dahil may El Nino at ang madalas na pagbrownout kundi dahil na rin sa mga ebak na mga pulitikong iyan. Hayz! Ewan. At dahil diyan may nag-text. Ang sabi sa text kailangan ko na daw magpagupit para medyo refreshing naman daw ang pakiramdam ko. Kaya hayun pumunta ako kay Mang Pablo para ipa-murder ang shining-shimmering splendid na hairssss ko jijiji...
.

Hindi pa nadadampot si Mang Pablo ng mga otoridad huhuhu...

Enjoy 'nyo na lang summer vacation 'nyo guys!










LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner